Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/23/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:07Walang visa sa simula pa lang ang impeachment complaint?
00:10Yan po ang tugon ng Company Vice President Sara Duterte
00:13sa writ of summons ng Senate Impeachment Court.
00:17Saksi si Mav Gonzalez.
00:23Mag-aalas sa isa ngayong gabi,
00:25dumating sa Senado ang kinatawa ng Company Vice President Sara Duterte.
00:28Dala niya ang sagot ng Vice Presidente sa writ of summons sa kanya.
00:32Nakasaad dito na dapat i-dismiss o ibasura ang ika-apat na impeachment complaint
00:37dahil ito ay void ab initio o walang visa sa simula pa lamang.
00:41Ayon kay Vice President Duterte,
00:43labag ito sa one-year bar rule sa konstitusyon
00:45na direkta umanong nagbabawal ng pagsisimula
00:48ng higit sa isang impeachment complaint
00:50laban sa isang opisyal sa loob ng isang taon.
00:53Ang sagot niya, may nakasulat na katagang ag-cautela.
00:56Salitang Latina sa Ingles ay more abundant caution
00:59o may labis na pag-iingat.
01:01Nakasaad din na isinumitin nila ang sagot
01:22nang hindi tinatalikuran ang anumang pagtutol
01:25sa jurisdiction ng korte at iba pang isyo sa kaso.
01:28Nagpadala rin ng kampo ng visa ng kopya ng sagot sa kamera.
01:32Natanggap daw nila ito ngayong hapon
01:33ayon sa spokesperson ng kamera na si Atty. Princess Abante.
01:37Sa June 30 ang deadline ng House Prosecution Panel
01:40para mag-reply sa tugon ni Vice President Duterte.
01:43Inihahanda na rin daw ng mga abugado ng visa
01:45ang kanyang tugon sa order na inisyo ng ombudsman.
01:48Pinasasagot siya sa reklamang may kaugnayan
01:51sa maanumalya o manong paggamit ng confidential funds.
01:54Ang mabilis na aksyon ng ombudsman,
01:56welcome development now
01:57para kay House Committee on Good Government
01:59and Public Accountability Chairman Joel Chua.
02:01The mere fact na inadapt nila yung aming committee report
02:07hindi pa man din naka-attach d'yon yung mga ebedensya
02:10e ibig sabihin po nun malamang nakikita po nila
02:14e meron na pong probable cause.
02:17Pero nag-aalala si Chua sakaling maunang lumabas
02:20ang resulta ng investigasyon ng ombudsman
02:22sa desisyon ng Senate Impeachment Court.
02:25Meron po isang kaso, yung ombudsman versus Court of Appeal
02:28kung saan sinabi po dito ng ating kagalang-galang na Korte Suprema
02:34na yung mga impeachable officers kagaya po ng ombudsman
02:39bago po sila makasuhan
02:41dapat i-impeach muna sila.
02:44So, hindi ko alam kung paano ito i-reconcile
02:48dito po sa case po ng ating vice-presidente.
02:51Kung sa kasakali na ilabas nila muna ang desisyon
02:55bago lumabas ang desisyon ng Impeachment Court.
03:01Pero ang isa pang impeachment prosecutor na si Rep. Lawrence Defensor
03:04walang nakikitang epekto ang investigasyon ng ombudsman
03:08sa impeachment proceedings.
03:09Kahit pa ibasuran ng ombudsman ang reklamo laban sa vice.
03:12I don't see any impact on the impeachment complaint.
03:16I'm glad that the ombudsman took action
03:19on the recommendations on the Committee on Good Government.
03:23And that's a good sign for us.
03:24It will affect public opinion on the case
03:27but it will not affect the impeachment
03:28if the evidence will be received by the senator judges.
03:33Pagtitiyak ni Congressman Chua,
03:35makikipagtulungan sila sa ombudsman.
03:37Hindi rin daw makakasagabal ang investigasyon ng ombudsman
03:40sa paghahanda ng House Prosecution Panel
03:42para sa impeachment trial.
03:44Para sa GMA Integrated News,
03:46ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
03:49Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:52Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
03:54para sa ibat-ibang balita.

Recommended