Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/11/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hiniling na ilang abogado kabilang ang makilalang kalyado ng Maduterte na pigilan ng Korte Suprema ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:09Natanggap naman ang tanggapan ng Vice Presidente ang summons ng impeachment court.
00:15Saksi, si Salima Refran.
00:20Inihain ni Senate Sergeant at Arms Roberto Angka ng summons para kay Vice President Sara Duterte sa kanyang opisina sa Mandaluyo.
00:28Kalakip ng summons ang kupya ng Articles of Impeachment laban sa vice.
00:33Tatlong dokumento ang pinirimahan ko.
00:36Una ay yung liham sa Kamara na pinagbibigay alam sa kanila ayon sa napagkasunduan sa impeachment court na hindi na matutuloy ang kanilang presentasyon ng Articles dahil nagawa na yun kahapon na convene na rin ang court.
00:51Sa katunayan, nag-issue na nga ng summons kaya Vice President Sara Duterte ang impeachment court.
00:59Nasa Kuala Lumpur, Malaysia, si DP Sara para sa isang personal trip kasama ang kanyang pamilya.
01:06Kinumpirma naman ang kanyang opisina na natanggap na nila ang summons mula sa impeachment court.
01:10Samantala, ilang abogado, kabilang ang ilang kilalang kaalyado ng mga Duterte, ang nagain ng supplemental petition sa Korte Suprema.
01:19Hiling nila maglabas ng TRO o Temporary Restraining Order ang Korte Suprema at pigilan ang impeachment trial ng Senado laban kay VP Sara.
01:29Git ng petitioners, imposyde raw na magkaroon ng buo at patas na pagginig sa nalalabing mga araw ng Senado.
01:37Hindi rin daw pwedeng mag-cross over ang trial sa susunod na kongreso sa Hulyo.
01:42The same states even that all pending matters and proceedings shall terminate upon the expiration of one congress
01:50but may be taken by the succeeding congress as if presented for the first time.
01:55The words used, all pending matters and proceedings, we humbly believe include the petition for impeachment filed against Vice President Sara Duterte.
02:10So we feel that the same should be dismissed.
02:15Bukod pa ito sa nauna nilang petisyon na ginigiit na ikaapat na impeachment complaint sa Kamara na pinangugatan ang impeachment trial
02:23ay niraw pasok sa constitutional at procedural requirements at wala umanong valid verification na may dalawang daang kongresistang pumirma.
02:33Para sa GMA Integrated News, sa Nima Refran, ang inyong saksi!
02:37Mga kapuso, maging una sa saksi!
02:42Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended