00:00Samantala, naniniwala ang isang House Prosecutor na hindi makaka-apekto sa kanilang impeachment complaint
00:05laban kay Vice President Sara Duterte ang hiwalay na investigasyon ng Office of the Ombudsman sa Vice Presidente at iba pang personalidad.
00:15Yan ang ulat ni Mela Las Moras.
00:19Binigyang diin ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Joel Chua
00:24na hindi dapat madaliin ang Office of the Ombudsman ang kanilang investigasyon ukol sa issue ng umunay-maling paggamit ng pondo ni Vice President Sara Duterte.
00:34Ayon kay Chua, nabahagi rin ang House Prosecution Team sa impeachment case laban sa vice-presidente.
00:41Sa totoo lang, may dati ng Supreme Court ruling na nagsasabing dapat ay makonvict muna sa impeachment court
00:46ang isang impeachable officer bago kasuhan o isa-ilalim sa administrative or criminal proceedings.
00:52Gayunman, welcome development pa rin sa kanila ang naging hakbang ng ombudsman at makikipagtulungan daw sila rito.
00:59Medyo nagulat lang kami but maasahan po ninyo na kami naman ay magko-comply dito.
01:08Kung sakasakali naman pong mag-submit ng kanyang counter-affidavit ang respondent,
01:14kami naman ay humihingi ng ilang palugit para makapagsubmit naman ng aming reply.
01:24So we will cooperate.
01:25Ang kasamang prosecutor naman ni Chua na si House Deputy Majority Leader Lawrence Defensor
01:30naniniwalang hindi makakaapekto ang investigasyon ng ombudsman sa kanilang impeachment complaint.
01:37Kung tutuusin, maaari pa itong makatulong sa kanila.
01:39I don't see any impact on the impeachment complaint.
01:44I'm glad that the ombudsman took action on the recommendations on the Committee on Good Government.
01:51And that's a good sign for us.
01:52Pwede namang sabay. Pwede namang sabay.
01:55Nothing is final yet with what the ombudsman is doing and trial has barely started with the impeachment.
02:02Sa isang pahayag, muling iginigiti Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. na hindi siya makikialam sa impeachment proceedings.
02:10Bagay na si ng ayunan ng House Prosecutors.
02:13Ang impeachment po ay constitutional duty ng Senado at ng Kamara.
02:21Hindi po dito saklaw ang ehekutibo.
02:25So tama po ang ating presidente.
02:28Tama rin na hindi siya ma-involve pa para hindi malagyan ng kulay ang isang impeachment process na ang chief executive or the president himself is involved.
02:40So mas maganda yan.
02:41Sa gitna ng mga isyong ito, kapansin-pansin naman ang sunod-sunod na biyahe abroad ng vice-presidente.
02:48Mensahe ni Chua sa kanya.
02:50Happy trip!
02:50Ano mang mangyari sa huli, umaasa ang mga kongresista na katotohanan at accountability ang mananaig.
02:59Melalas Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.