00:00Welcome development para kay House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Joel Chua
00:06ang biglaang hakbang ng Office of the Ombudsman na magkasana preliminary investigation
00:12hingil sa umuno'y maling paggamit ang pondo ni Vice President Sara Duterte at iba pa.
00:18Pero paano nga ba yan makakaapekto sa impeachment trial?
00:22Ang sentro ng balita mula kay Mela Les Moras live.
00:25Naomi, kanina may binanggit si Congressman Joel Chua na dapat ay mauna muna ang impeachment trial
00:34kesa sa ombudsman proceeding pagdating nga dito sa sinasabi niya na mula sa isang Supreme Court ruling.
00:41Gayunman, Naomi, nakatitiyak naman si Congressman Chua na kahit anumang mangyari ay magiging patas ang dalawang procedures.
00:49Itinuturing na welcome development ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Joel Chua
00:57ang biglaang hakbang ng Office of the Ombudsman na magkasanang preliminary investigation
01:03hingil sa umuno'y maling paggamit ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte at iba pa.
01:09Anya patunay ito na matibay at may integridad na ang nabuo nilang committee report na galing sa kanilang mga committee hearing.
01:17Pagtitiyak ni Chua, handa silang makipagtulungan sa ombudsman ukol sa issue.
01:22Gayunman, natanong din ang media kung paano ito makakaapekto sa paghahanda ng House Prosecution Team para sa impeachment trial ng Vice Presidente.
01:31Sabi ni Chua, sa totoo lang, may Supreme Court ruling na nagsasabing dapat mauna ang impeachment trial kesa sa ombudsman investigation para sa mga impeachable officer.
01:40Pero tiwala naman sila na magiging patas ang takbo ng dalawang proceedings kahit pa may mga kumukwestiyon kay ombudsman Samuel Martires na isang Duterte appointee at magtatapos na rin ang kanyang termino sa susunod na buwan.
01:54Mahirap naman po yatang madaliin yung nasa Office of the Ombudsman dahil unang-una marami po yung respondent, yung mga participation po nila, yung ebidensya.
02:09So, medyo mahirap naman na hindi mo may scrutinize isa-isa yun at kumamadaliin mo.
02:18Kaya, e sa impeachment po, medyo dito, mailalabas po, marami pong mailalabas dito.
02:25So, mas maganda rin, makakatulong po sa kanilang pag-decision dahil siyempre inaasahan naman po natin na magiging fair para at least maging patas sa parehas na panig.
02:43Naomi sa ngayon, tuloy-tuloy lang ang paghahanda ng House Prosecution Team para sa impeachment trial.
02:49At kasabay niyan, ay pinaghahandaan din ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang magiging usad sa Ombudsman.
02:57Naomi?
02:58Mela, paano kung idismiss agad ng Ombudsman ang reklamo laban kay Vice President Sara Duterte bago pa man magsimula ang impeachment trial?
03:06Hihi na ba yung laban ng prosekusyon dito?
03:12Naomi, sa press conference nga kanina, isa yan dun sa mga naitanong.
03:16Kasi talagang kung may dalawang proceedings na magkasabay dito nga sa kaso ni Vice President Sara Duterte,
03:23hindi maiwasan na maipagkumpara yan o maipagtulad yung magiging resulta niyan.
03:28At sabi naman ni Congressman Chua Naomi ay talagang magkaiba naman yung tatalakain like sa impeachment trial.
03:36Seven, yung articles of impeachment na kanilang sinusulong.
03:40At dito naman sa Ombudsman, magkahiwalay na investigasyon at kaso naman yan.
03:44Kaya't umaasa si Congressman Joel Chua na ito ay hindi naman makaka-apekto.
03:50Gayunman, aminado sila na maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba sa public opinion.
03:55Pero ang talagang pinaglalaban nila ay mabigat naman yung kanilang ebidensya.
04:00At dito nga sa impeachment trial, umaasa silang mabubusisi ng mabuti yung kanilang articles of impeachment.
04:06At sa huli, mananai kung ano yung pinakakarapat dapat.