Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/19/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Makaiga, nakatanggap ba kayo ng mga chat mula sa hindi nyo kilala?
00:04At sinabing employer sila.
00:06Tapos ang alok eh, simpleng task daw kapalit ng pera.
00:10Babala.
00:11Yan po ay scam.
00:13Kung paano hindi mga biktima, alamin sa unang balita ni Darling Kai.
00:19Work from anywhere ang alok ng nagpakilalang staff ng isang digital marketing agency na minsan nag-message kay Bea.
00:26Ang kikitain sa simpleng pag-like lang ng mga produkto sa shopping apps, abot hanggang halos siyam na libong piso kada araw.
00:34May pinagawa siya sa isang shop na ehart po. Ehart po yung parang product.
00:41Kada po may pinapagawa silang ganun na ehart, nagbibigay naman po sila ng 160 hanggang tatlong beses po.
00:48Pero kasunod nito, inalok siyang patubuin ang kanyang pera sa isaan niyang investment.
00:54Yung 1 to ko naging 1,560.
00:58Tapos nakalagay naman po doon yung sumod is 3,5 na po.
01:01May binigay po na link na sa parang bitcoin, ganun.
01:06Doon po yung parang mag-i-invest, lalaki daw po yung pera doon.
01:09Dahil malaking tumubo, nangutang na siya para makapaglaan ng mas malaking pera.
01:14Pero di na ito ibinalik at blinak na siya ng kausap.
01:17Natulala po ako nun eh. Natulala po ako kasi yung 6K doon sa 9-8, inutang ko lang din po yun.
01:25Kala ko kikita ako mas nalugi pa pala.
01:28Mahigit 38,000 pesos naman ang naskam mula kay Pearl sa pareho ring modus.
01:34Mas professional sila ma'am Darlene eh. Ang galing nila magsalita.
01:37Kumbaga, madadala ka talaga.
01:40Usap ko ma'am Darlene kasi that time talagang maghanap din ako niyang 5,000.
01:45Nagmakaawa pa siyang maibalik ang 38,000 pesos pero hindi na siya pinansin at blinak.
01:51Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK, task scam ang modus.
01:57Pasasakihin ka eh. Kunyari mga gagawin mo para kumita ka, diba?
02:01Tapos ang mabigat kasi dito, grupo-grupo din yan.
02:05Posibleng nakukuha ang cellphone number ng mga biktima sa pamamagitan ng MC catchers
02:09o mga device sa may kakayahang humigop ng numero, mensahe at ibat-ibang data sa mga smartphone sa paligid.
02:17Kukunin nila yung mga cellphone numbers tapos ititext blast nila ngayon.
02:21Pag nahagip yung phone mo nung mga ads nila na yon at ikaw ay naingganyo,
02:25doon mapapasakay ka na at sigurado madadali ka nila kung tutuloy-tuloy mo yung task scam na ibibigay sa'yo.
02:33Maaari rin nakuha ang mga number mula sa mga dating na-click na phishing websites
02:37ayon sa CICC o Cybercrime Investigation Coordinating Center.
02:42Magbibigay ka ng number mo, pangalan mo, tsaka yung email address mo,
02:45akala mo kumukuha ka na ng promo o ng discount.
02:48Yung pala, kinuha na nila yung details mo para ibenta sa iba.
02:51Patuloy ang investigasyon ng PAOK sa mga scam na posibleng mga Pilipino ang operator.
02:56Para daw sa mga nagahanap o maghahanap ng trabaho,
03:00wala daw sino mang lehitimong employer ang manghihihingi ng pera mula sa inyo kapalit ng trabaho.
03:06Hindi daw nila kayo basta-basta ikokontak sa messaging apps kung hindi ka naman nag-apply.
03:09Ito ang unang balita, Darlene Cai para sa GMA Integrated News.
03:34Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:41para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.

Recommended