Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Aminado ang ilang eksperto na pahirap ng pahirap ang pagtukoy sa mga content na gawa sa Artificial Intelligence.
00:07Mungkain ng Department of Information and Communications Technology, DICT, lagyan ng disclaimer ang AI-generated contents.
00:16Panagutin din ang mga umaabuso sa AI. At yan ang unang balita ni Oscar Oida.
00:21Sa ganda ng kalidad na pagkakamalan ng totoo ang mga videong gawa ng Artificial Intelligence o AI kung hindi susuriing mabuti.
00:34At pangamba ng ilang eksperto, baka dumating ang panahon kahit anong suri, hindi na malalaman kung alin ang gawang AI sa hindi.
00:43Kaya may mungkahi ang bagong panumpang Deputy Executive Director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
00:50What I'm advocating for is the correct use of these videos and these platforms.
00:55Huwag natin sisihin ang technology. Andyan yan para pagandahin yung buhay natin.
00:59Pangihimok niya, lagyan na ng disclaimer o pasabi ang post o content na likha gamit ang Artificial Intelligence.
01:07Sa FB, pwede nang i-on ang AI label para dyan pero hindi pa rin ginagawa ng marami.
01:16Pwede rin mag-react ang mga user para mag-tag ng comment sa mga post.
01:21Makikita nyo ngayon may banner na eh. Pag may flinag na tayo na AI generated, naka-banner na yan.
01:25This video is AI generated. Or pag halimbawa verify na siya na deepfake, naka-hide na siya.
01:31Tapos if you want to see the video for reference purposes, at least alam mo na na-flag na siya as deepfake.
01:38Ano't anuman, tututukan anya ng CICC ang pagsugpo sa pang-abuso online, kabilang ang fake news, mga panluloko at trolls.
01:49May mga paraan na rin sila para mag-detect ng mga gawang AI at deepfake.
01:53Ang DepEd naman, gusto rin palakasin ang critical thinking skills ng mga estudyante, bagay na itinuturo na sa ibang bansa.
02:22Kailangan maging mapanuri at yun na ito na gusto namin ituro rin sa eskwelahan.
02:28Tinatrabaho na anya ng DepEd ang pagtatatag ng isang AI research center na tutulong sa mga mag-aaral na makasabay sa mabilis na pagbabago ng digital landscape.
02:40Ito ang unang balita, Oscar Oida para sa GMA Integrated News.
02:45Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.