Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Dahil sa masamang panahon, tumaas ang presyo ng isda sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
00:05Ang supply naman ng gulay nagkukulang na.
00:08May unang balita si Bernadette Reyes.
00:16Sa gitna ng malakas na ulan, nagkumahog na isalba ng mga magsasaka ang mga binahang tanim ng palay sa Abra de Ilog Occidental, Mindoro.
00:30Ganyan din ang sitwasyon sa bayan ng Santa Cruz dahil sa magkakasunod na sama ng panahon.
00:36Umabot na sa 323 million pesos ang pinsala sa agrikultura ayon sa Department of Agriculture.
00:43Palay ang karamihan sa mahigit 10,000 metric tons ng produksyon na nasira na posibli pang madagdagan.
00:49Ang pinakamalaking danyos ay sa Mimaropa at 121 million.
00:56Susunod po ang Western Visayas at 70 million.
00:59At pangatlo po ay dito sa Central Mindanao.
01:03At ang pinakamalaki po in terms sa probinsya ay dito po sa Occidental Mindoro.
01:09More than 1.2 billion yung naka-standby natin na pondo para dito sa mga ongoing ngayon natin na calamities.
01:16Ramdam na ang epekto sa mga pamilihan.
01:19Sa balintawak market, kung hindi nagmahal, kakaunti ang supply ng gulay.
01:23Nung hindi pa po dumarating yung bagyo natin, mas mura po.
01:28Isa sa ngayon po. Doble po kasi yung presyo.
01:31Sitaw lalo na sitaw. Ayan ako, konti. Mga maitim pa.
01:36Wala e. Ano nang ulan.
01:38Yung mga okra, dati 30 lang. Ngayon 80, 90, 100.
01:43Dito sa Marikina Public Market, tumaas na ang presyo ng ilang isda.
01:47Bukod dyan, may mga isdang walang dumating na supply tulad ng lapu-lapu at alumahan.
01:51Walang ganong bumiyahe doon sa, umalawot ba dahil sa malakas yung alo.
02:00Sa bigas, sa gulay, marami tayong supply. Kung meron man mga pagtaas, hindi yan dapat taabot hanggang 10%.
02:08Tiniyak naman ang National Food Authority na sapat ang supply ng bigas.
02:12Otos din ang Pangulo na mas paitingin pa ang price monitoring upang maiwasan ang pag-abuso sa presyo,
02:20lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
02:24Ito ang unang balita, Bernadette Reyes, para sa GMA Integrated News.
02:29Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:32Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
02:37Mag-s
02:50Mag-subscribe na sa GMA도 mag-abuso sa kirking.

Recommended