Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/9/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ngayong tag-ulan, may gagamitin geospatial monitoring system sa Bulacan
00:04bilang bahagi ng kanilang paghahanda at pagbibigay ng babala sa mga residente.
00:09Kung ano yan, alamin sa unang balita ni Darlene Kai.
00:18Mabilis na tumaas ang tubig sa barangay San Rafael Juan sa San Jose del Monte, Bulacan
00:22kasunod ng malakas at tuloy-tuloy na buhos ng ula noong biyernes.
00:27Humuparin naman daw ang baha matapos ang ilang oras.
00:30Pero hindi ito pang karaniwang pangyayari dahil hindi naman daw kasama dati ang San Jose del Monte
00:36sa listahan ng mga lugar sa Bulacan na itinuturing na high risk sa pagbaha.
00:40Ayon sa Bulacan PDRMO, bukod sa San Jose del Monte ay nadagdag na ang mga bayan
00:45ang may kawayan at marilao sa mga binabantayan nilang lugar na may banta ng pagbaha.
00:50Very different ito sa mga experience noon.
00:52Kasi noon, ang inaabangan natin tubig lagi ay nanggagaling sa Pampanga River Basin.
00:59Ngayon, last year, ang higit na nating ikinagulat ng bandanjulay niyan
01:04noong bumaha noong time ng karinan na ang tubig natin ay nanggaling sa Kamanaba.
01:09Bukod sa pagkasira dati ng Navotas Navigational Gate, dahil daw ito sa nagbabagong panahon.
01:15Yung level po niyan ay talagang tumataas na because of the nature.
01:22Sabi nga rin nila at dun sa study naman talaga na nilalabas yung climate change,
01:27yung ating mga human factors na nangyayari, yung silk, yung mga kalat, mga basura
01:34na nandito sa daluyan ng tubig natin na iipon ito para hindi kagad makalabas ang tubig.
01:43Handang-handa na raw sila gaya ng pagbili ng bagong disaster response and rescue equipment at vehicles.
01:49Unang beses din daw magagamit sa panahon ng tag-ulan ng kanilang geospatial monitoring system.
01:53Mula raon sa regular CCTV monitoring system, pagpasok ng rainy season ngayong taon,
01:58ito na raw makabagong geospatial map yung gagamitin ng Bulacan PDR-RMO.
02:04So sa pamamagitan nito, makikita natin yung weather situation sa Pilipinas gamit yung pag-asa radar.
02:10Merong feature dito kung saan makikita yung weather forecast o yung magiging lagay ng panahon sa mga susunod na oras.
02:18At bukod dyan, makikita rin natin yung live situation sa iba't ibang bahagi ng Bulacan,
02:25katulad ng mga ilog, ng mga kalsada, ng mga tulay, na malaki yung maitutulong lalo na kapag kailangan mong malaman kung saang-saang lugar na tumataas yung level ng tubig.
02:40Lagi raw may nakaantabay sa emergency hotlines ng PDR-RMO para sa sino mang mangailangan ng impormasyon o saklolo sa panahon ng kalamidad sa Bulacan.
02:50Yan ang unang balita. Darlene Cai para sa GMA Integrated News.
02:54Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
03:10Gusto mo bang mauna sa mga balita.

Recommended