Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nananatili pa rin sa Israel ang 17 Philippine government official na inibitahan ng gobyerno ng Israel bilang official guests doon.
00:09Ayon po yan kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega.
00:13Ang ating embahada sa Tel Aviv ay kasalukuyan ng nakikipag-ugnayan sa mga Israeli para ligtas silang makauwi sa bansa.
00:21Balak po ng Transportation Department na gayahin ang EDSA busway model sa rutang Espanya patungong Quezon Avenue.
00:32Ayon kay Secretary Vince Dizon, may kakulangan ng bus sa mga naturang lansangan lalo na para sa mga estudyante.
00:38Kasasagawa raw sila ng feasibility study na inaasa matatapos sa susunod na taon.
00:44Kumpiyansa naman si Dizon na bago matapos ang termino ni Pauno Marcos, ay may dalawa hanggang tatlong operational stations na sa Metro Manila Subway Project.
00:54Nalutas na raw ang tatlo sa limang major right-of-way issues habang nire-resolva ang dalawa pa.
01:00Nakatanggap na rin daw ang kagawara na hanggang tatlong panukala para sa planong Integrated Terminal Exchange sa Northern Metro Manila na tinatayang matatapos sa 2028.
01:14Nagbabala si PNP Chief, Police General Nicolás Torre III sa mga polis na overweight o sobra sa pimbang.
01:25Pwede raw silang tanggalin sa servisyo kapag hindi sila pumaya?
01:30Yan ang pinusuhan sa Barangay Saksi ni Marisol Abdurama.
01:38Sa pagpupo bilang PNP Chief ni Police General Nicolás Torre III,
01:42isa sa mga unan yung direktiba sa mga polis, dapat physically fit.
01:47Ibig sabihin, hindi dapat malaki ang tiyan.
01:49Kasi kung ang goal nga naman ng polis ay tawag dito ay tumakbo,
01:54ay paano ka nga naman makakatakbo kung halos hindi mo na mabit-bit yung sarili mo.
01:59Dapat daw ay pasado sa kanilang annual physical fitness test o PFT.
02:04Nasa panuntunan din ang PNP na kapag hindi nakapasa ng dalawang beses sa PFT,
02:09makakaapekto sa promosyon.
02:11Halos pumukutok na yung uniforme,
02:13yung physical appearance would somehow make an impression anong klaseng polis tayo.
02:18So dapat, dun pa lang sa physical appearance ng polis nakikita na kaagad yung disiplina.
02:25Muli itong binigyan din ni Torre sa panayam sa kanya ng Superradio DZWB,
02:30ang hindi raw makakasunod matatanggal sa pwesto.
02:33After one year, who's here? May separation from the service.
02:35Pero sa ngayon, ang standing policy, pag hindi ka nakapagbaba ng timbang,
02:40based to the standard na dapat ay timbang mo, tanggal ka sa servisyo pag hindi ka nakasunod.
02:44Sa ilalim ng RA-6975 o DI LD Act of 1990,
02:50hindi dapat lalampas o bababa ng limang kilos ay tinatang standard weight ang mga polis,
02:55na base sa kanyang height, edad at kasarian.
02:59Para naman sa mga polis na may medical condition,
03:01sinabi ni Torre na maaari silang maharap sa complete disability discharge,
03:06hindi kaya ay maaari silang ilipat sa administrative work.
03:09Hindi natin siya dadalhin sa administrative work or whatever.
03:12Um, well, we'll consult with an apple come regarding that matter.
03:17Pwede naman, pwede naman ako.
03:19Tinanong namin ang mga kapuso online kung pabor silang matanggal sa pwesto ang mga overweight na polis.
03:25Sagot ng isa, dapat.
03:27Dahil kung sa training pa lang daw ay kailangang physically fit na,
03:30mas dapat daw ito kapag nasa servisyo na.
03:32Ang sabi naman ng isa, imbis na tanggalin sa tungkulin,
03:36ay huwag na lang siyang payagang mag-duty para hindi maswelduhan.
03:39Pwede rin daw na i-assign nilang ang mga overweight na polis sa mga trabahong
03:43hindi nakikipaghabulan o di kaya ay sa opisina.
03:47Ang dapat daw tanggalin ay ang mga sangkot sa iligal na droga o krimen.
03:51Hindi naman pabor ang isa pa dahil kahit overweight daw ang isang polis,
03:55pero tapat at nagagampan na naman ang tungkulin ay bakit kailangan tanggalin.
03:59Para sa GMA Integrated News.
04:02Marisol Abduraman ang inyong saksi.
04:07Dalawang provincial director naman ang inalis sa pwesto,
04:10matapos silang hindi makasunod sa 5-minute response time ng PNP.
04:15Hindi tinupoy ni PNP Chief Police General Nicolas Torre III
04:19kung saan nakadestino ang dalawang opisyal.
04:23Bago yan, inanunso ng PNP chief na walong chief of police
04:27sa Metro Manila ang tinanggal sa pwesto dahil sa hindi nasunod na direktiba.
04:32Pinapaabaya ni Torre sa mga regional director na gawing nationwide ang polisya.
04:38Sanda ang Chinese national na nahuli sa mga Pogo scam hubs sa bansa at pinadeport sa China.
04:46Mismong China ang nagbayad sa mga pamasahin nila para diretsong China ang deportees at wala ng layovers.
04:52Pero may panawagan ang mga mahal nila sa buhay na may iiwan sa Pilipinas.
04:58Bigyan po sila ng chance.
05:00Kung wala naman pong mga case na kasamkot ng mga illegal gun,
05:06bigyan po ng chance na mapalayaw.
05:10Operasyon ng MRT-3 na antala kaninang umaga
05:14dahil sa nasunog na kable sa pagitan ng Kubaw at Santolan Southbound Stations.
05:18Ayon sa pamunuan ng MRT-3, pinahinto ang lahat ng biyahe sa pinakamalapit na station platform
05:24bilang bahagi ng safety precaution.
05:27Na ibalik naman ang operasyon ng MRT-3 pasado alas 8 ng umaga.
05:31Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa nangyari.
05:35Dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Tevez Jr.
05:40isinugod sa ospital matapos makaranas sa matinding pananakit ng tiyan.
05:44Ayon sa kanyang abogado, kailangan sumailalim sa isang major surgery si Tevez
05:49at inerekomenda raw ng kanyang doktor na ilipat siya sa isang pribadong ospital.
05:54Na ipagbigay alam na raw nila ito sa mga korte kung saan may mga nakabingbing kaso si Tevez.
05:59Ayon sa isang source, sasa ilalim sa emergency appendectomy ang dating kongresista.
06:05Para sa GMA Integrated News, ako si Salimara Fran, ang inyong saksi!
06:14Inularan po na si Sen. Bato de la Rosa kasunod ng kanyang pagbahagi na isang video
06:23na AI-generated kaguna na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
06:28Pero depensa niya, AI man o hindi, mas mahalagaan niya ang mensaheng nilalaman nito.
06:34Saksi si Rafi Tima.
06:36Umanin ang samotsaring reaksyon ng i-re-post ni Sen. Bato de la Rosa sa kanyang personal na Facebook page
06:45ang AI-generated video na ito na nagpapakita ng dalawang estudyanting tutol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
06:53Sabi ng Senador sa pag-share niya ng video,
06:55Buti para o mga bata, nakakaintindi sa mga pangyayari,
06:58sabay banat na dapat makinig ang mga yelo o dilawan at mga komunista.
07:02Noong nakaraang linggo, si Sen. de la Rosa ang nagsusulong ng pagpapadismi sa impeachment complaint
07:12sa Senate Impeachment Court laban sa Vice Presidente.
07:15Ayon sa isang eksperto, bagamat maganda ang pagkakagawa sa AI-video, halatang deepfake ito.
07:21Sinyari, yung mga tricycle, hindi siya Philippine tricycle eh.
07:24Philippine yung mga tuktuk sa Thailand eh.
07:26Yung audio track, dire diretsyo. Pero yung video, butol-butol.
07:32Kasi mo, parang isang tao lang yung magkasalita.
07:34Kung isuzong din sa logo ng uniforme ng estudyante, gibberish o wala itong ibig sabihin.
07:40Tila wala rin maintindihan sa mga nakasulat sa mga karatula sa paligid.
07:44Pero dahil pagaling pa ng pagaling ang AI, sa huli,
07:47sa mensahe pa rin daw mabubuko kung deepfake ang isang video o hindi.
07:51Mabilis rin itinaman ng mga netizen na AI-generated ang video at hindi ito totoo.
07:56Pero sa isang hiwalay na post, sinabi ni De La Rosa na wala siyang pakialam kung AI ito.
08:00Ang mahalagaan niya, ang mismong mensahe.
08:03At kahit flag na bilang false information ng kanyang nirepost,
08:06patuloy ito ipinagtanggol ng senador sa comment section ng kanyang post.
08:10Maaaring delikado mano ang ganitong reaksyon ng senador ayon sa isang AI expert.
08:14The proper thing to do would be to own up, pero ang dating parang nag-double down pa eh.
08:19It doesn't matter kung AI or the important is the message.
08:24So talagang di-double down pa niya na ito talaga yung message na gustod niya.
08:28So I feel that that can be dangerous if people are not critical about the message.
08:36Sinubukan naming kuna ng payag ang senador pero ayon sa kanyang staff,
08:39ayaw muna niyang magbigay ng panayam.
08:41Ang BC Presidente ipinagtanggol ang kanyang kaalyado.
08:44Wala naman problema siguro sa pag-share ng AI video in support sa akin.
08:53Basta hindi ginagawang negosyo.
08:55Kung baga if I were a social media account owner
09:03and gagawa ako ng AI to support a certain personality,
09:08walang problema doon kasi hindi ko naman siya ginagawang negosyo eh.
09:13Hindi ko naman binibenta sa mga tao yung produkto ko eh.
09:18Pero ang malakanya ang sinabing nakakawala ng tiwala
09:21ang aksyon ni Senador De La Rosa.
09:23Ang pag-share ng mga katulad na ganyan muli, disinformation, fake news,
09:30hindi po sana nanggagaling sa mga opisyal ng pamahalaan.
09:36Nakakaduda, mas nakakawala ng tiwala kung mismo sa matataas na opisyal,
09:44nanggagaling ang mga disinformation at fake news.
09:47Aminado ang mga eksperto, darating ang panahon,
09:50hindi na natin malalaman kung AI generated ang isang video o litrato.
09:54Kaya mahalaga raw na i-develop ang ating kritikal na pag-iisip
09:57dahil sa huli, nasa atin ang pagpapasya
10:00kung maniniwala tayo sa ating mga nakikita sa social media.
10:04Para sa GMI Integrated News,
10:06Rafi Tima ang inyo.
10:08Saksi!
10:08Pinakalana na ang mga magiging abogado para sa impeachment trial
10:13ni Vice President Sara Duterte
10:14at ang tagapagsalita naman ng House Prosecution Panel
10:18sinabing may posibleng o posibleng may grave abuse of discretion
10:22sa utos ng Senado na ibalik ang Articles of Impeachment sa Kamara.
10:27Saksi!
10:27Si Tina Panganiban Perez.
10:29Noong 2000 hanggang 2001,
10:35sa impeachment trial ni Nooy Pangulong Joseph Estrada,
10:39isa sa mga tumayong abogado niya,
10:41si Atty. Siegfried Fortun.
10:43Mahigit dalawang dekada pagkatapos niya,
10:45muling haharap sa impeachment court si Fortun
10:48bilang abogado naman ni Vice President Sara Duterte.
10:51Pangungunahan niya ang mga abogado
10:53mula sa Fortun, Narvaza, and Salazar Law Firm
10:56na tatayong defense team ng BICEF
10:59batay sa entry of appearance sa impeachment court.
11:03Ilang high-profile case ang hinawakan ni Fortun
11:05gaya ng Maguindanao Massacre at kuratong baleleng case.
11:09Kasama rin sa defense team ang co-founder ng law firm
11:12na si Atty. Gregorio Narvaza II.
11:16Anak ni dating Supreme Court Chief Justice Andres Narvaza
11:19na bahagi rin ng defense counsel noon sa impeachment trial ni ERA.
11:23Kabilang din sa defense team ni Vice President Duterte
11:27si Atty. Michael Powa.
11:29Dating tagapagsalita ng OVP.
11:32Sa ngayon, di pa malinaw kung kailan magsisimula ang impeachment trial
11:35dahil sa pagpapabalik ng Articles of Impeachment sa Kamara.
11:40Ayon kay Senate Minority Leader Coco Pimentel
11:42na isa sa mga bumoto kontra rito,
11:45nagdudulot lang ang utos na mga kwestiyong legal.
11:48Pero kung siya raw ang tatanungin,
11:50dapat huwag na magkaso sa Korte Suprema
11:53na para ba itong consultant
11:55nahihintayin pa kung ano ang opinion nito.
11:57So, ano ma-achieve noon?
11:59Ano lang?
12:00Baka bumalik pa sa Step 1.
12:03Di ba?
12:04Hindi natin alam.
12:05So, huwag na.
12:05Pabayaan na lang yan.
12:06Tapos, by July 29, 30, 31, August 1, yan.
12:14Eh, pwede na.
12:14Pwede na mag-trial yan.
12:17Kasi, ang incoming Senate,
12:20hindi nila pwedeng gamitin ngayon
12:22ang excuse na
12:24meron pa silang rin-rush
12:26ng mga priority laws.
12:29Kasi, ano pa yan eh?
12:30Filing pa lang yan.
12:32Ayon sa bagong talagang tagapagsalita
12:34ng House Prosecution Panel
12:35na si Atty. Antonio O. Di Bukoy
12:38may tuturing na grave abuse of discretion
12:40ang ginawa ng Senado.
12:43Ako po ay sumasangayon
12:44sa sinabi ni Chief Justice Renato Puno
12:48sapagkat ang mga naging
12:52actuation and ruling
12:56ni Senate President Chis Escudero
13:00as the presiding officer
13:03of the impeachment court
13:04ay wala ho sa saligang batas yan.
13:08Kagaya po ng pag-remant,
13:09ang limitasyon ay ang ating saligang batas
13:12at ang kanilang sariling
13:14impeachment rules.
13:17Hindi po pwedeng
13:18porque you are sui generis
13:20pwede mong gawin
13:22ang lahat ng gusto mo.
13:23Kinukunan pa namin
13:24ang pahayag si Escudero.
13:26Ayon sa tagapagsalita
13:27ng House Prosecution Panel,
13:29sa mga susunod na araw
13:30ay maghahayin ang mga prosecutor
13:32sa Senate Impeachment Court
13:34na mga motion at manifestation.
13:37Tiniyak niyang hindi ito
13:38magiging sanhinang delay
13:39sa impeachment proceedings.
13:42Ilan na rin ang pumuna
13:43sa unay pagkiling
13:45ng ilang Sen. Judges
13:46sa BISET.
13:47Ihingin ba
13:48ng prosecution panel
13:49na mag-inhibit ang mga ito
13:51mula sa impeachment trial?
13:53Pinag-uusapan po yan.
13:55Subalit,
13:56kung ito ay
13:57magiging dahilan
13:59para maantala,
14:01siguro,
14:01isang tabi na lang yan.
14:04Anyway,
14:05ilalahad ang ebidensya,
14:07ipapakita sa mga hukom,
14:11makikita ng publiko,
14:13nasa sa kanila yan.
14:14Kung kahit na malakas
14:15ang ebidensya,
14:16mag-aakuit pa rin sila,
14:17sinong uhusga?
14:18Ang bayan.
14:19Nauna ng sinabi
14:20ni Vice President Sara
14:22na bigyan ang benefit
14:23of the doubt
14:23ng mga Sen. Judge
14:25na gagawin nila
14:26ng tama
14:26ang kanilang trabaho.
14:28Kung may mag-inhibit man,
14:30Anya,
14:30dapat kasama lahat
14:31ng pabor
14:32pati kontra sa kanya.
14:34Special mention nga
14:35si Sen. Risa Ontiveros.
14:37Kung ganun
14:38ang ating
14:39basihan
14:40sa inhibisyon,
14:42ay
14:42dapat din natin
14:44ipainhibit
14:45ang mga Senators
14:47na meron ding
14:48bias against
14:49Sara Duterte,
14:51tulad na lang
14:51ni Sen. Risa Ontiveros.
14:54Tugon dyan
14:55ni Sen. Risa Ontiveros.
14:56Ebidensya
14:57ang titignan niya
14:58bilang Sen. Judge.
14:59Nung nanumpa kami
15:01bilang Sen. Judge,
15:02naging tungkuli namin
15:03sa Senado
15:04na suriin
15:05at bumoto
15:06ayon sa bigat
15:08ng ebidensya,
15:09kakampiman
15:10o kritiko
15:11ng pangalawang Pangulo.
15:13Sinusunod ko po
15:14ang tungkuli na iyan
15:15at inaasahan ko rin ito
15:17sa ibang Senador.
15:19Sabi ni Pimentel,
15:20magiging paborable pa
15:22kay Vice President
15:23Duterte
15:23kung may mag-inhibit
15:25na Sen. Judge.
15:26Kailangan kasi
15:27ng two-thirds
15:28o labing-anim
15:29na Senador
15:29na magsabing guilty
15:30ang vice
15:31bago siya makonvi.
15:32Ang binibilang natin dito
15:34yung sinasabi
15:35yung salitang guilty.
15:37Yun po ang bibilangin.
15:38Hindi binibilang
15:40yung nagsabing
15:41not guilty.
15:41Hindi importante yun.
15:42Para sa GMA Integrated News,
15:45ako si Tina
15:45Panghaniban Perez,
15:46ang inyong saksi.
15:47Mga kapuso,
15:50maging una sa saksi.
15:51Mag-subscribe sa GMA Integrated News
15:53sa YouTube
15:53para sa ibat-ibang balita.
15:55ang-subscribe sa GMA
15:59sa GMA
16:01na sa GMA

Recommended