- 6/11/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Kinoon dinan na ilang grupo ang desisyon ng Senate Impeachment Court na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:09Hati naman ang pananaw ng mga legal experts issue, kabilang ang ilan sa mga nagbalangkas ng saligang batas.
00:16Saksi si Joseph Moro.
00:17Tingin ni Senator-elect Tito Soto, hindi na kinailangang ibalik sa Kamara ng 19th Congress ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Duterte dahil sila naman ang naghahain nito.
00:32Sa halip aniya, pwedeng iratipika ito ng papasok na Kamara sa 20th Congress sa pamamagitan ng isang resolusyon.
00:39Isa si Soto sa mga uupong Senator Judge kapag nagpalit ng Kongreso sa June 30.
00:45Dagdag ni Soto, tanging Korte Suprema ang may kapangyarihan magpas siya kung may paglabag sa saligang batas at hindi ang Senado o Impeachment Court.
00:54Ito rin ang sinabi ni Atty. Christian Monzod, isa sa mga bumalangkas ng 1987 Constitution,
00:59ang naging hakbang daw ng ilang senador tila pagdiskaril sa impeachment proceedings.
01:05These people have another agenda other than obeying the mandate of the Constitution.
01:11Kasi self-execretory yung Constitution.
01:13Nakakalimutan yata nila na they're senators because the people voted them as senators.
01:20They are senators of the people.
01:22They are not senators of Vice President Duterte.
01:26Dapat mag-inhibit themselves if they have any integrity.
01:30Ang ginawa ng Senado ni wala raw sa konstitusyon at wala rin sa sarili ng ilang rules of procedure,
01:35ayon kay UP College of Law Assistant Professor Paulo Tamase.
01:38Insulto rin daw ito sa Kamara dahil ang Kongreso hindi naman katulad ng Korte na may higher at lower court.
01:45Dapat ma-offend yung House.
01:47Yung remand, essentially, second guesses yung House kung ano yung ginawa niya.
01:52And puts them higher.
01:54The Senate, higher.
01:56Co-equal sila, nire-respeto na lang yung isa't isa.
01:59Hindi naman kine-question ng Senado pag ang House nagpapasa ng bill sa kanila eh.
02:03Kung sinunod ba ng House yung proseso nila.
02:06So bakit kine-question ng Senado ngayon kung sinunod ng House yung proseso nila sa pagpapapasa ng impeachment complaint?
02:11Hindi kami magkapantay pagdating sa bagay na ito.
02:15Sa parte ng impeachment, Korte ang Senado, Prosecutor ang Kamara.
02:21Hindi ito parang by cam na kailangan naming mag-agree.
02:23Ito'y kautusan galing sa impeachment court na nakatuon sa Prosecutor na isa lamang partido sa kaso.
02:32Kinundin na ng iba't ibang grupo ang pagbabalik ng impeachment complaint sa Kamara.
02:36Ang utos na ito ng Senado tinawag na isang anyo ng korupsyon ng Movement Against Tyranny.
02:42At ayon naman sa August 21 movement, pagtataksil anila ito sa taong bayan.
02:48Ayon sa grupong bayan, sa halip na mangyari ang paglilitis, lumabas ang anila'y legal gymnastics at mga palusot.
02:54Para sa Management Association of the Philippines, higit pa sa politika, usapin ito ng good governance at pagtataguyod ng batas
03:02na mahalaga para sa pagprotekta ng mga institusyon sa bansa at pagtitayak ng maayos na kondisyon para lumago ang ekonomiya.
03:10Ayon naman kay Retard Associate Justice Adolf Azkuna na isa rin sa nagbalangkas ng saligang matas,
03:15unprecedented o hindi pa nangyayari ang ginawang pagbalik ng impeachment complaint.
03:19Pero pinapayagan ito para masiguro ang malimis na pagtawid ng Articles of Impeachment mula 19th Congress patungon 20th Congress.
03:29Pareho ang pananaw ni Escudero ng questioning ni Sen. Rizonte Veros ang pagbawalik ng impeachment complaint sa Kamara.
03:35Ika nga din ni Justice Azkuna, makabago man, kakaiba man, hindi bawal o iligal dahil sa kapangyarihan ng Senado
03:45to try and decide all impeachment cases.
03:49Ngayon kung sa pananaw at palagay niya ay iligal yan, ginagalang ko ang kanyang karapatan na questioning ito sa Korte Suprema.
03:57At anumang kaudusan ng Korte Suprema bilang abogado, ako'y tatalima doon.
04:01Ang mahalaga raw ayin kay Justice Azkuna ay hindi naman napitigilan yung impeachment process,
04:07kahit pa ni-remand o ibenalik ng Senado ang Articles of Impeachment sa Kamara.
04:11Ang pinaka-importanting elemento raw ay hawak na ng Impeachment Court ang kaso
04:17at maaari ng maisinod ang paglilitis at pagredesisyon ng wala ng delay matapos itong tumawid sa susunod ng Kongreso.
04:25Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong ang inyong saksi.
04:29Hiniling na ilang abogado, kabilang ang makilalang kaalyado ng Maduterte,
04:35napigilan ng Korte Suprema ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
04:40Natanggap naman ang tanggapan ng Vice Presidente ang summons ng impeachment court.
04:45Saksi, si Salima Refran.
04:47Inihain ni Sen. Sgt. at Arms Roberto Angka ng summons para kay Vice President Sara Duterte sa kanyang opisina sa Mandaluyo.
04:59Kalakip ng summons ang kopya ng Articles of Impeachment laban sa bise.
05:04Tatlong dokumento ang pinirmahan ko.
05:06Una ay yung liham sa Kamara na pinagbibigay alam sa kanila ayon sa napagkasunduan sa impeachment court
05:14na hindi na matutuloy ang kanilang presentasyon ng Articles dahil nagawa na yun kahapon na convene na rin ang court.
05:23Sa katunayan, nag-issue na nga ng summons kaya Vice President Sara Duterte ang impeachment court.
05:30Nasa Kuala Lumpur, Malaysia, si D.P. Sara para sa isang personal trip kasama ang kanyang pamilya.
05:36Kinumpirma naman ang kanyang opisina na natanggap na nila ang summons mula sa impeachment court.
05:41Samantala, ilang abogado, kabilang ang ilang kilalang kaalyado ng mga Duterte,
05:47ang nagain ng supplemental petition sa Korte Suprema.
05:50Hiling nila maglabas ng TRO o Temporary Restraining Order ang Korte Suprema
05:54at pigilan ang impeachment trial ng Senado laban kay VP Sara.
05:59Kitang petitioners, imposyde raw na magkaroon ng buo at patas na pagginig sa nalalabing mga araw ng Senado.
06:08Hindi rin daw pwedeng mag-cross over ang trial sa susunod na Kongreso sa Hulyo.
06:13The same states even that all pending matters and proceedings shall terminate upon the expiration of one Congress
06:20but may be taken by the succeeding Congress as if presented for the first time.
06:26The words used, all pending matters and proceedings, we humbly believe include the petition for impeachment filed
06:37against Vice President Sara Duterte. So we feel that the same should be dismissed.
06:46Bukod pa ito sa nauna nilang petisyon na ginigiip na ikaapat na impeachment complaint sa Kamara
06:51na pinangugatan ang impeachment trial ay hindi raw pasok sa constitutional and procedural requirements
06:57at wala umanong valid verification na may dalawang daang kong desistang pumirma.
07:02Para sa GMA Integrated News, sa Nima Refran, ang inyong sexy!
07:09Bababa ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Junyo na halos 11 centavos per kilowatt hour
07:14at sa mga kumukonsumo ng 200 kilowatt hours kada buwan, 22 pesos ang mababawa sa inyong electric bill.
07:22Ang paliwanag ng Meralco dahil ito sa mas mababang generation charge.
07:27Naglutangan ng ilang sasakyan sa Cagayan de Oro matapos matangay ng matinding pagbaha.
07:33Saksi, si Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
07:39Within 5 minutes siguro, Gabi, natin ang pubig.
07:43Rumaragas ang baha ang sumalubong sa mga residente sa parangay Kamamanan, Cagayan de Oro City, Lusami Surrental.
07:49Sa lakas ng Agos ng tubig, inanod ang isang motorela o isang uli ng tricycle at saka bumanga sa isang multi-cab.
08:01Ang pampasaherong jeep na ito na puno ng pasahero, inanod ng baha paatras.
08:06Ang iba pang kalsado doon, nagnistulang ilog na.
08:13Stranded ang maraming motorista.
08:16Pumasok rin ang baha sa ilang bahay, tindahan at bodega.
08:21Sa taas ng tubig, lumutang na sa paradahan ng isang van at SUV.
08:25Ayon sa LGU, agad ding humupa ang baha.
08:29Nagpadala na rin sila ng tulong sa iba't ibang lugar na naapektuhan.
08:32Wala pa ganit may taas ang tubig, tuwan na sila, nagkulat, nagbantay na sila.
08:37Kung kinsay ang nga yung tagaan o kigayon sa pagtabang.
08:42Naglinis na rin ang mga residente, matapos mapuno ng putik at masura ang ilang bahay dahil sa baha.
08:48Nag-hold ming tawon kayo ang mga gamit, kumama kayo ng aksilong.
08:53And then, nagsigimigin ang pudri kahapon kayo, kasakag, yun siyang kasakag,
08:58ka ng glue sa school, doon naging na siyang mga hurot.
09:02Sa pagadian city sa Buanga del Sur, lubog din sa baha ang ilang kalsada dahil sa pagulan.
09:08Isang spillway sa San Antonio, Quezon ang umapaw.
09:12Bumara sa daanan ng tubig ang mga sanga ng puno.
09:15Agad din itong nilinis ng LGU.
09:17Nakaranas din ng malakas na ulan ang katanduanes.
09:20Ayon sa pag-asa, habagat na pinalalakas ng bagyong nasa labas ng Philippine Aerial Responsibility
09:26ang napapaulan sa bansa.
09:28Para sa GMA Integrated News, ako, si Cyril Chavez, ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
09:39Nag-adjourn si Nadee ang third regular session ng 19th Congress ngayong gabi.
09:44Pero bago po iyan, nagbigay ng valedictory speech ang mga graduating senator.
09:48Saksi si Rafi Tima.
09:50Madamdamin ang pamamaalam ng mga senador na graduate na sa Senado sa huling araw ng sesyon ng 19th Congress ngayong araw.
10:00Si Senadora Nancy Binay, na tumakbo at nanalong mayor ng Makati City,
10:04aminadong naging tampulan ng biro sa itsura at pananamit.
10:07Pero hindi raw siya nagpa-apekto.
10:09Kinilala ang mga staff na labindalawang taon daw tumulong sa kanya para magampanan ng trabaho.
10:14I am glad that I have been able to call upon you.
10:20I am confident that from here on, you will continue to make a difference wherever you choose to serve.
10:28Si Senadora Cincia Villar, naabot na rin ang term limit sa Senado.
10:31Nagpasalamat sa mga kapwa senador.
10:34In this chamber, you fondly call me Mama Bear, a simple moniker.
10:39Bawat one, I took to heart.
10:42To be Mama Bear meant being firstly protective, genuinely caring, and always dependable.
10:50I saw it as a gesture of trust and respect.
10:55Ibininda naman ni Senadora Grace Po ang 300 at 68 batas na kanyang naipasa.
11:00Serving as your senator has been a humbling experience.
11:03The Senate is a chamber where only the prepared, not necessarily the popular, endure.
11:12I have it in your hands and your conscience.
11:15Every moment in these halls has been a teachable moment.
11:18Si Senador Bongribilla, na nakatapos na ng labindalawang taong termino bilang senador mula 2004 hanggang 2016,
11:25inalala ang pagdawit sa kanya sa Pork Battles Camp.
11:27Apat na taong nakulong at noong makalaya noong 2018, tumakbo sa Senado noong 2019 at nakuha ang 11th place.
11:36Muli siyang tumakbo sa nakarang eleksyon pero hindi na nanalo.
11:38The journey back here was not easy.
11:43Nagbalik ako sa Senado.
11:46Hindi lamang nang may karanasan.
11:49Hindi.
11:51May mga pilat ng nakaraan.
11:56With one hand on my chest,
11:58I can confidently say
12:01that we gave them nothing less
12:06than our all.
12:09Si Senador Coco Pimentel,
12:11na naabot din ang two-term six-years limit.
12:13Marami daw natutunan sa labindalawang taon sa Senado.
12:16Marami rin daw siyang nagawang mali.
12:18Sabay-diro, nakasama rito ang nangyari kagabi
12:20sa butuhan ng Senate Impeachment Court.
12:22Paano nyo kami nautakan?
12:26Yes, paano nautakan ng majority ay minority?
12:33Tapos,
12:34actually may pagkakamali kami na
12:37present kami dalawa.
12:39Kung absent yung isa,
12:40meron sana kaming parliamentary maneuver na nagawa.
12:45Pero hindi ko na muna i-detalye,
12:47i-kwento lahat ito
12:49kasi ang bala ko isulat ito sa isang libro
12:51para naman meron pang bumili ng libro ko.
12:55Kasama sa hindi na makakabalik sa susunod na kongreso
12:58si Senador Francis Tolentino
12:59matapos matalo noong nakarang eleksyon.
13:02Pero wala siya sa huling sesyon
13:03at nagpabot na lang ng pasasalamat
13:05sa lahat ng kanyang nakatrabaho
13:06sa kanyang isang termino sa Senado.
13:09Para sa GMA Integrated News,
13:11ako si Rafi Tima ang inyo.
13:13Saksi!
13:14Hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
13:18na i-disqualify ang dalawang judge
13:20na humahawak sa kanyang kaso
13:21ibinasura ng International Criminal Court Plenary of Judges.
13:26Ayon sa ICC Plenary of Judges,
13:29unanimous o lahat ng hukomay nagdesisyong
13:31ibasura ang hiling ng dating Pangulo.
13:34Nakadaptaraw ilabas sa mga susunod na araw
13:37ang buong dahilan sa disisyon.
13:39Noong Mayo, hiling ng kampo ni Duterte
13:42na gusto nilang mapalitan si na
13:44Judge Rain Alapini Gansu
13:46at Judge Maria del Socorro Flores Liera.
13:50Git nila na kompromiso na
13:52ang impartiality o pagiging patas
13:54ng dalawang judge
13:55bago pumandingin ang panig
13:57ng dating Pangulo.
14:00Permanenteng solusyon sa energy crisis
14:03sa Siquijor,
14:04ipinagotos ni Pangulong Bongbong Marcos
14:06na ayusin sa loob ng 6 na buwan.
14:09Sa pagbisita ng Pangulo
14:10sa Siquijor Island Power Corporation,
14:136 na araw matapos may deklara
14:15na under state of calamity
14:17ang buong probinsya,
14:19isang generator ang ipinadala
14:20galing sa Palawan
14:21na pwedeng mag-supply
14:23ng 2 megawatts na kuryente.
14:26Asahan daw na magiging normal na
14:28ang supply ng kuryente sa lalawigan
14:30sa katakusan ngayong linggo
14:32o sa susunod na linggo.
14:34So that 6 months from now,
14:36we do not have to resort
14:38to the emergency gensets.
14:41Now we have to think about
14:42fuel supply.
14:43Now we have to think about
14:45the development of
14:46even the transmission lines.
14:49Para sa GMA Integrated News,
14:51ako si Ian Cruz,
14:52ang inyong saksi.
14:54Hindi sapat,
14:55kaya hindi tinanggap ng GMA Network
14:57ang alok na bayad
14:58ng Television and Production Exponents
15:00o Tape Incorporated,
15:02kagnay ng mga utang nito.
15:03Kaya bigo po na may mapagkasunduan
15:06para sa mediation
15:07sa kasong estapa
15:08laban sa tape.
15:10Saksi si Mark Salazar.
15:15Ikalawa at huling
15:17mediation hearing na ito
15:18ng Quezon City Prosecutor's Office
15:20para pagkasunduin
15:22ang GMA Network Incorporated
15:24at Tape Incorporated,
15:25kaugnay ng mga utang
15:26na hindi nabayaran
15:27ng tape sa GMA.
15:30Nag-alok daw
15:30na magbayad
15:31ang Tape Incorporated
15:32pero bigo ang negosasyon
15:34sa kung magkano
15:35ang handa nitong ibayad.
15:36Unfortunately,
15:37hindi siya sufficient
15:39for us to accept
15:40the offer of tape
15:41and how much
15:42they will be paying
15:43a settlement
15:44of all their liability
15:45to GMA.
15:46GMA Network is asking
15:48for a universal settlement
15:50or universal mediation
15:52on the whole collectibles
15:54of GMA
15:55on the full amount
15:59of the airtime fees
16:00na hindi na-collect
16:01na sa Tape Incorporated.
16:03Kaya that hindi naging
16:06acceptable yung offer
16:09to settle yung subject
16:12of the case
16:13kaya nagkaroon ng problema
16:14sa mediation.
16:15Sa partikular na kasong ito
16:17ng estafa,
16:18P37.9 billion pesos
16:21ang sinisingil
16:22ng GMA Network Incorporated
16:23sa mga may-ari
16:24ng Tape Incorporated
16:26para sa mga airtime fees
16:27na hindi na-remit
16:29ng tape sa GMA.
16:30Sa preliminary investigation
16:32daw tatalakayin
16:33kung ito ba
16:33ay tatayong kasong kriminal
16:35o civil case lamang.
16:37They misappropriated
16:38the property,
16:39the funds
16:39that were supposed
16:40to be turned over
16:41to GMA.
16:42The submission
16:43of the respondents
16:45is that it's a liability
16:47of the corporation,
16:48Tape Incorporated,
16:49and it's a civil liability
16:50of the corporation.
16:52So, yun,
16:54that would be part,
16:56of course,
16:56of the defense
16:57during the submission
16:58of the counter affidavit.
16:58Dahil tapos na
17:00ang pagkakataon
17:01ng mediation
17:02para sa settlement,
17:03muling iraraffle
17:04ang kaso
17:05sa isa pang piskal
17:06na siyang magsasagawa
17:07ng preliminary investigation.
17:09Ang piskal na yun
17:10ang magdidesisyon
17:12kung iaakyat
17:13ang kaso
17:13sa korte
17:13o hindi.
17:15Para sa GMA Integrated News,
17:17ako,
17:18si Mark Salazar,
17:20ang inyong saksi.
17:22Nakamit
17:22ng Benio Lady Blazers
17:24ang ikaapat na sarun
17:25na championship
17:26nito sa NCAA Season 100
17:29Women's Volleyball Finals.
17:31Habang ang Arellano Chiefs
17:33naman umukit
17:34ng kasaysayan
17:34para makuha
17:36ang una nilang kampiyonato
17:37sa men's division.
17:40Saksi,
17:40si Martin Javier.
17:44Bam, bam!
17:45Oh, that was out.
17:46Tinataob ng Arellano Chiefs
17:48ang Letran Knight
17:49sa loob ng four sets
17:50para makamit
17:51ang kanilang unang kampiyonato
17:53sa historic Season 100
17:54championship
17:55ng men's volleyball.
17:57Sa pangunguna
17:58ng kanilang setter
17:58na si Adi Villados,
18:00ipinagpag ng Chiefs
18:01ang pagkatalo
18:02sa first set
18:03at umabante
18:04sa tatlong sumunod na set
18:05para kunin
18:06ang championship.
18:07Ang kanilang team captain
18:08na si Carl Bordal,
18:10ang hinirang na
18:11finals MVP
18:12at first year head coach
18:14naman na si
18:14Carl Brian Vitug
18:15ang coach of the year.
18:17Sa women's division naman,
18:19nakumpleto
18:19ng Benio Lady Blazers
18:21ang four feet
18:22o ikaapat na sunod
18:23na championship.
18:24Si Coach Onyok
18:25Gitigan
18:26ang coach of the year.
18:27Sobrang hirap din
18:28ang pinagtaanan
18:29dahil nakatikim din
18:30kami ng talo eh.
18:32So lahat yung
18:33na-overcome
18:34and yun nga,
18:36dahil nga
18:36double round ruby siya,
18:37nakapag-adjust kami.
18:38May mga bago eh.
18:40So nag-step up sila
18:41and deserve
18:41nila talaga to.
18:43Si Mike Ago
18:43ang pinangala
18:44ng finals MVP
18:45at season MVP
18:47para sa season 100.
18:49Yung finals
18:50yung MVP award ko
18:51naman po.
18:51Lahat naman po kami
18:52nagtrabaho dito
18:53para din naman po
18:55sa mga teammates ko.
18:57Dumalo sa awarding
18:58ang mga miyembro
18:58ng NCAA Management Committee
19:00at Policy Board
19:01at si Senior Vice President
19:03and Head of GMA
19:04Integrated News,
19:05Regional TV
19:06and Synergy,
19:07Sir Oliver Victor B. Amoroso.
19:10Para sa GMA
19:11Integrated News,
19:13ako si Martin Javier,
19:14ang inyong saksi.
19:15Mga kapuso,
19:18maging una sa saksi.
19:19Mag-subscribe sa
19:20GMA Integrated News
19:21sa YouTube
19:22para sa ibat-ibang balita.