- 6/9/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Iginit po ng isa sa mga bumalangkas sa 1987 Constitution na labag sa Saligang Batas ang pagbasura sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa pamamagitan lang ng resolusyon ng walang paglilitis.
00:15Ipiniliwanag din niya ang ibig sabihin ng court with na siya mismo ang nagpalagay.
00:20Saksi, si Joseph Moro.
00:22Itigil naan nila ang teka-teka, mismong sa tapat ng Senado ng alampag ang ilang grupo gaya ng tindig Pilipinas.
00:33Ang gusto po natin now na simulan yung impeachment.
00:35Kasama sila sa iba't ibang grupo at institusyon na nananawagang simulan na ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
00:43Kaysa sa panawagan ng ilang religious group at leader gaya ni Linggayan na grupan Archbishop Socrates Villegas na tinawag na kasalanan ng pag-delay o pag-abort ng paglilitis.
00:53Giyit naman ang Makati Business Club magkundin na ang impeachment court dahil kung di raw susundin ng batas, paano mahihikayat ang mga investors sa Pilipinas?
01:02Sa tatlong impeachment complaint na nakatuntong sa Senado sa ating kasaysayan, ngayon lamang susubukan ng ilang senador na ipadismiss ang kaso kahit walang paglilitis sa pamamagitan ng isang resolusyong pagbobotohan ng mga senador.
01:16Ayon kay retired Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna, labag sa konstitusyon ang resolusyon.
01:21It's very clear under the Constitution that the Senators have the power and the duty to try and decide impeachment cases. So they cannot abdicate that duty.
01:36Bilang miyembro ng Constitutional Commission na bumalangkas sa 1987 Constitution, si Azcuna nagpalagay ng katagang forthwith sa Article 11, Section 3.
01:46It can mean immediate. It can also mean without unreasonable delay. Forthwith, in the necessarily right away, there can be some delay as long as it's reasonable.
02:01Nung binabalangkas ang konstitusyon, isinaalang-alang daw nila ang ibang trabaho ng Kongreso tulad ng paggawa ng batas.
02:08Forthwith is a flexible term. There are matters of legislation that are also very important and the confirmation of appointments have to be done.
02:20So the Senate President cannot be totally blamed for seeing that these matters have to be attended to by the Senate before the 19th Congress bows out.
02:32Because otherwise, these will lapse. These are matters that will lapse. Whereas the impeachment does not lapse.
02:41Ayon kay Justice Azcuna, ang pwedeng gawin ng Senado ay simulan ng impeachment process at hayaan ang Senado ng 20th Congress na litisin at desisyonan ito.
02:51Pwedeng gawin niya ng 19th Congress hanggang June 30.
02:53Because it is not a legislative matter. The adjournment is for purposes of legislative matter. What is adjourned is the legislative calendar.
03:06The 19th Congress still exists. There have been Supreme Court decisions saying that after adjournment, sine day, it can continue.
03:15Pero kung halimbawa na mapigil nga ng resolusyon ng impeachment sa 19th Congress, maaari pa rin itong buhayin sa 20th Congress pero ang mga senador lamang na bumoto pabor sa resolusyon ang maaaring gumawa nito.
03:29Bata ito sa parliamentary procedure kung saan ang isang bumoto para sa nanalong resolusyon lamang ang maaaring humingi muli ng botohan sakaling nagbago ang isip nito.
03:39That can happen only if one of those who voted with the majority to dismiss the articles will be the one to ask for a reconsideration.
03:51For someone who is against its dismissal to vote for a dismissal so that he or she, as a surviving member of the Senate, can ask for reconsideration in the 20th Congress.
04:06Kung maharang pa rin ang impeachment complaint sa 20th Congress, maaaring mauwi ito sa isang constitutional crisis.
04:14The only one that can remedy that crisis would be the Supreme Court because one branch of government, Congress, represented by the Senate, refuses to fulfill its constitutional duty, which is part of the checks and balance because this is a check on the executive impeachment of the Vice President.
04:41Sa non-commissioned survey ng OCTA Research, 78% ang naniniwalang dapat humarap si Vice President Duterte sa impeachment trial para linisin ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga akusasyon.
04:55Ayon naman sa defense team ni Vice President Duterte, handa silang humarap sa mga akusasyon laban sa lise na anilay walang basihan.
05:03Nanindigan ang defense team na may kahinaan sa konstitusyon ng impeachment process laban sa kanya.
05:10Di rin daw ito dapat ginagamit para mangaras, patahimikin o alisin ang mga political opponent.
05:15Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
05:19Mag-iit isang dang libo pa rin ang kulang na classroom sa bansa.
05:24Isang linggo po yan bago ang balik at skwela.
05:27At problema naman sa ilang panalan, ang inaanay na kisame at ang kawalan ng tubig sa palikuran gaya po sa panalang binisita ni Pangulong Bongbong Marcos.
05:37Saksi! See yung crew!
05:39Sa pagsisimula ng brigada skwela ngayong araw, binisita ni Pangulong Bongbong Marcos ang Tibagan Elementary School sa San Miguel, Bulacan.
05:51Napansin niya ang ginagawang inanay na kisame ng paaralan.
05:54Ayon sa school principal, sa labing-pitong classroom, labing-apat ang inanay ang kisame kaya pinapalitan na ito ng metal furrings.
06:03Ilang bes ding sinilip ng Pangulo ang CR o palikuran sa classroom.
06:07Ayon sa dalawang guru, malimit na mahina o walang tubig doon.
06:11Minsan po may parent po na nag-UTI niya daw po yung anak niya.
06:16E sabi ko, e minsan po kasi talaga mahira po yung tubig.
06:20Sinabi naman ang Pangulo na importante na ayusin at pagandahin ang mga palikuran.
06:26Titignan namin na mabuti kung saan dapat manggaling yung tubig, bakit walang tubig at nagbabayad naman sila.
06:31Isa pa sa napansin ng Pangulo yung nga patuloy na paggamit nitong Marcos-type building na ipinatayo pa sa panahon ng kanyang ama.
06:39Kaya naman marapat lamang daw na makumpunin na ito.
06:42Pagtitiyak naman ang Pangulo sa dalawang daang bagong hire ng mga guru para sa lalawigan.
06:47Naging teacher kayo para magturo, hindi naman para mag-bookipig.
06:51Sama-sama natin ayusin ito para naman yung ating mga kabataan.
06:55Pagka nag-graduate, talagang graduate. Magaling na magbasa, magaling magmatematics, magaling lahat.
07:00Bago sa San Miguel, unang pinuntahan ng Pangulo ang Barihan Elementary School sa Malolos, Bulacan.
07:06Tumulong siya sa mga gawain para maihanda ang paralan sa pasukan sa June 16.
07:11Tinatayang 27 milyon na estudyante ang magbabalik eskwela ngayong school year 2025-2026.
07:18Yun ang inasahan natin na talagang yung buong komunidad ay nakamobilize para tulungan ang ating mga paralan
07:24at siguraduhin ligtas ang ating mga estudyante pagbukas ng pasukan sa June 16.
07:30I'm very happy that we are doing a better job, I think, in preparing for the school year.
07:38And everybody has already been enrolled into this effort.
07:46Sa Pinyahan Elementary School sa Quezon City, LED Safe at Waste Free na Brigada Eskwela ang panawagan ng Eco Waste Coalition.
07:55Nasa 5,000 miyembro naman ng Pantawid Pamilyang Pilipino Programa 4 Peace sa Dagupan City ang sumani sa Brigada Eskwela.
08:04Kasabay nito, namigay rin ang libreng school supply sa ilang mag-aaral sa lugar.
08:09Nakiisa rin sa Brigada Eskwela sa Kasiguran Aurora ang nasa 60 miyembro ng 4 Peace.
08:15Natagal na naman ang paglinis sa Mambaling National High School sa Cebu City.
08:20Ang ilang magulang kasi walang dalang materials.
08:23Tumulong na rin maglinis ang ibang estudyante na walang mga magulang na makakasama sa Brigada.
08:29Nag-volunteer naman sa Brigada Eskwela ang mga paroli at probationer sa Mandawes City.
08:36Parte ito ng kanilang Community Service Program.
08:39Sa Talisay City, Negros Occidental, pinoproblema ng isang paaralan ang madalas na malalim na maha lalo ngayong tag-ulan.
08:48Dahil sa baradong drainage system sa lugar, isa ito sa mga nilinis sa Brigada Eskwela.
08:53Sa panayam ng Super Radio DZBB, kay Deped o IC Assistant Secretary Jocelyn Andaya, nasa mahigit 150,000 classroom ang kulang.
09:03Ang gagawin po natin ito ay nakipag-partner po tayo sa private, ang tawag po natin public-private partnerships.
09:10And we'll be able to build 105,000 new classrooms. Nakikipag-ordinate closely tayo sa DPWH.
09:17Kung sa classroom, kulang din daw ang mga guru.
09:20Ang current shortage po natin ay 56,000 mahigit. Pero mag-expect po tayo na madidecrease yan by this year because there's 20,000 new items.
09:31Pag ma-fill up po natin yan ngayon, 32,000 na lang mahigit ang ating shortage.
09:36Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
09:41Ngayon pong nalalapit na ang pasukan, mas mainam ipabaon sa mga estudyante ang lutong bahay.
09:46At ayon po sa isang doktor, ito ay para matiyak na maayos ang food preparation at healthy ang baon ng mga mag-aaral.
09:54Saksi, si Nico Wahe.
09:57Handa ng school uniform ng magkapatid na Timothy at Maste para sa pasukan sa lunes.
10:03At bukod sa uniform, nakabili na rin si Mami Jenny ng lunchbox ng dalawang anak.
10:08Mula pa raw noon, nagbabaon ng mga anak at hindi niya binibigyan ng pera.
10:12Siyempre, basta gusto namin lutong bahay. Hindi sa mga katipid. Yung safety ng mga anak mo, yun yung pinaka-importante doon.
10:20Hindi rin basta kung ano-ano lang. Sinisiguro niya raw na healthy ang kakainin ng mga anak.
10:25Healthy, siyempre. Kailangan merong kang gulay. Diba? Meat. Kailangan may protein. Siyempre fruits at water.
10:32Isda raw ang madalas na request ng mga anak. Hindi raw siya nagpapabaon ng processed food.
10:37Pero may mga araw daw na pinapabaonan niya ng sweetened drinks ang mga anak gaya ng orange juice.
10:42Masasabi ko sa mga baon na Mami ko, ano, masarap.
10:46Tsaka alam ko na healthy talaga kasi siya mismo naglutong bahay talaga.
10:49My mom's cook is so yummy because she cooks the best food ever.
10:54Ayon sa isang endocrinologist, mas maiging ang pinapabaon sa mga anak sa eskwela ay magulang ang naghahanda.
10:59Siyempre, alam naman natin na isang studyante nangangailangan ng energy pagpunta sa school.
11:05Unang-una, siyempre ang energy na kailangan, hindi lamang yung physical energy ng mga muscles kung hindi maging yung energy ng utak.
11:13Imbis na biskwit na madalas ay may excess oil at sugar, mas maigi na raw ang tinapay.
11:19At hindi raw kailangan maging magastos. Hindi nga raw maganda ang processed foods.
11:23Actually, alam naman natin yung mga processed foods, Nico, ay mayroong dagdag na alat.
11:30Kaya sila ay preserved din. Kaya sila nagtatagal dahil doon sa salt.
11:35At alam natin na ang salt, kapag ka napasobrahan sa katawan, lalo na kung ito'y dagdag ng dagdag sa katawan natin,
11:41maaari itong magdulot ng mga karamdaman.
11:44At maaaring sa batang edad, maaaring na magkaroon ng hypertension o high blood ang isang bata.
11:49At bukod pa doon, syempre alam din natin na eventually the kidney also is affected kapag masyadong maalat ang kinakain.
11:58Ayon kay Dr. Nico Demus, isang pag-aaral din na nagsasabing mas mababang academic performance
12:03ng mga batang mahilig uminom ng sweetened drinks.
12:06Kaya kasama raw dapat sa itinuturo sa mga bata ay ang pagkain ng wasto.
12:11Para sa GMA Integrated News, ako si Nico Wahe, ang inyong saksi.
12:14Umabot sa halos 7 milyong piso ang halaga ng drogang natagpo ang palutang-lutang sa dagat
12:20na sakop ng Pangasinan at Ilocosur.
12:23Ayon po yan sa Pidea.
12:24At may hit 800 milyong pisong halaga ng shabu naman ang nabisto sa package na galing Amerika.
12:30Saksi, si Marisol Abdurama.
12:36Nakalagay sa mga malilit na kahon at dininaklarang various goods pero nang buksan, shabu pala.
12:41Ito ang nadiskubri ng Pidea, nang buksan ang package na ito na ipinadala sa pamamagitan ng isang forwarding company.
12:48Various goods lang ang nakalagay.
12:50So it's very broad, unlike yung mga iba na nakakunsil sa coffee maker, mga equipment.
12:57Nagpositibo rin daw sa isinagawang field testing ang mga shabu na aabot sa 860 milyong pesos ang halaga at galing Amerika.
13:05Ayon sa Pidea, nakapangalan sa magkakaibang consigning sa iba't ibang lugar sa Metro Manila ang package.
13:10Mukhang dito yan eh.
13:13Ngayon we are now investigating yung mga consignees.
13:18Kasi usually fake names naman ang ginagamit dyan eh.
13:21As to the group, we're still looking into it.
13:23Patuloy rin ang embisigasyon ng Pidea sa mga nakuhang drogang palutang-lutang sa dagat.
13:28Sa loob ng tatlong araw, mula June 5 hanggang 8, umaabot na sa 1,013 kilos ang nakukuha nilang shabu sa coastal areas ng Pangasinan at Santa Cruz, El Ocosur.
13:39Katumbas yan ng P6.88 billion pesos.
13:42Minuksan namin kung ano yung laman, kala namin na dorian. Tapos laman pala, sir, may kayong kristal.
13:48Are there more? I will expect you to know.
13:51We are still scouring the area kung mayroon pang natira. So hopefully may mga recover pa po tayo.
13:58Bago nito, may nakita rin nasa isa't kalahating bilong pisong halaga ng floating shabu sa dagat sa Zambales noong May 29.
14:05Paniwala ng Pidea, galing yan sa tinatawag na Golden Triangle sa Southeast Asia.
14:10Ito yung boundaries of Myanmar, Thailand, and Laos. Diyan mo kasi yung mga malaki ang production ng shabu.
14:17Isang transnational drug syndicate daw ang nasa likod sa mga na-recover na nakalutang ng mga shabu.
14:23Pero hindi na muna nagbigay ng detalyang Pidea, pero malaking grupo daw ito na nag-operate sa Asia, sa Pacific Region, maging sa North America at Europa.
14:32Meron daw umbrella organization ang mga ito at may mga local counterparts sa iba't ibang bansa, kabilang ang Pilipinas.
14:39Sabi ng Pidea, modus-ani na ng grupo na itapon ang mga shabu sa dagat.
14:43They were expecting na yung local contact would come and get this suspected shabu.
14:50Most likely, there are several na may iwan lang sa Philippines and the rest, baka trans-shipment lang po tayo.
14:57Patulol ang embisigasyon ng Pidea sa sinasabing mga floating shabu.
15:01Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman ang inyong sagsin.
15:10Bahura kung saan sumadsad ang isang Chinese militia vessel malapit sa pag-asa island sa West Philippine Sea, i-inspeksyonin.
15:18Ayon sa PCG, sinubukan nilang radyohan ang Chinese vessel na nooy nakasadsad sa pag-asa Reef 1 sa gitna ng masamang panahon.
15:28Pero kalaunan ay nakaalis din ang militia vessel sa lugar.
15:31Aalamin ngayon kung napinsala ang bahura at iba pang yamang dagat.
15:36Wala pang pahayag ang Department of Foreign Affairs.
15:38Bagong PNP Chief, Police General Nicolás Torre III, tiniyak sa Commission on Human Rights na hindi aabot sa pagmamalabis ang agresibong paghuhuli sa mga kriminal.
15:53Wala raw puwang sa kanyang pamumuno ang pangaabuso gaya ng extrajudicial killings.
15:58Pag lumabas tayo sa judicial process, ay ni-kriminal na rin tayo.
16:03Si Torre ang unang PNP Chief na bumisita sa tanggapan ng CHR.
16:07Ayon sa CHR, magandang senyales ito sa mas maayos na pagtutulungan ng mga ahensya.
16:13Kung kailangan po nang bumamit ng pwersa ng kapulisan, pwede naman po yan as long as it is necessary and commensurate to the force being confronted with.
16:24Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
16:31Mga kapuso, kapapasok lang na balita, kinumpirman ni Palas Press Officer Undersecretary Claire Castro na itinalaga ni Pangulo Marcos si Court Administrator Raul Villanueva bilang Supreme Court Associate Justice.
16:45Si Villanueva ang unang appointing ni Pangulo Marcos sa Corte Suprema.
16:49Sa matala, pakalat-kalat po sa bansa at hindi pa na huli ang siyam na libong pogo workers ayon sa PAOK.
16:56At itinigil muna ang panghuli dahil puno na ang hulungan ng PAOK sa Pasay City.
17:03Saksi si Jonathan Andal.
17:04Kalahating taon na mula nang maging efektibo ang pogo ban ng gobyerno at ipadeport ang mga banyagang empleyado ng mga ito.
17:16Pero sa pagdinig ng Quadcom ng Kamara, sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK na siyam na libo pa ang hindi napadedeport.
17:24Yan, pakalat-kalat po ngayon dito sa Pilipinas.
17:26Pag nahuli po natin yan, tayo po ang magpapa...
17:30Kasi wala nga po mga passports na yan, sir.
17:33Merong threat to national security ito.
17:36Assuming they are spies.
17:38You have 9,000 spies in the country roaming around like tourists.
17:42A new problem was created because of the shutdown.
17:50Now we have what we call the spread of illegal individuals.
17:58Nagbabago lang po ng anyo ang pogo.
18:02Kaso lang illegal pa rin po ang pinapasukan nila at nagiging salot pa rin po sila sa ating lipunan.
18:08Pero itinigil muna ng PAOK ang panguhuli sa mga banyagang pogo workers dahil puno na ang ulungan nila sa Pasay.
18:17Many detainees still cannot be deported due to missing passport.
18:21Medical needs are rising with detainees diagnosed with illnesses like tuberculosis, hepatitis B, respiratory infection and even cases of HIV.
18:34Sabi ng PAOK, pwede rin silang habulin ng NBI at PNP.
18:37Most of the time we are being led by PAOK-TF because they are the ones having the machinery, intelligence and most especially of course the funding requirements.
18:49Kung huhulihin lang namin yung Chinese na walang klarong violation, not in the act of doing or engaging in financial scamming activities.
19:00Kung undocumented lang, then we would need the immigration with us.
19:04Sabi naman ng NBI, iniimbisigahan nila ang koneksyon ng pogo at pang-ESP.
19:08Sa Senado, aprobado na ang versyon nila ng anti-pogo bill.
19:12Ang versyon naman ng kamera, nakatakdang isa lang sa ikatlo at huling pagbasa.
19:16Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, ang inyong saksi!
19:34Sabi naman ng pogo bill.
19:35Fuh!
Recommended
11:22
|
Up next
0:34