Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/17/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinakalana na ang mga magiging abogado para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
00:05at ang tagapagsalita naman na House Prosecution Panel
00:08sinabing may posibleng o posibleng may grave abuse of discretion
00:12sa utos ng Senado na ibalik ang Articles of Impeachment sa Kamara.
00:17Saksi, si Tina Panganiban Perez.
00:23Noong 2000 hanggang 2001, sa impeachment trial ni Nooy Pangulong Joseph Estrada,
00:29isa sa mga tumayong abogado niya, si Atty. Siegfried Fortun.
00:33Mahigit dalawang dekada pagkatapos niya, muling haharap sa impeachment court si Fortun
00:38bilang abogado naman ni Vice President Sara Duterte.
00:42Pangungunahan niya ang mga abogado mula sa Fortun, Narvasa, and Salazar Law Firm
00:47na tatayong defense team ng BICEF batay sa entry of appearance sa impeachment court.
00:53Ilang high-profile case ang hinawakan ni Fortun,
00:56gaya ng Maguindanao Massacre at kuratong baleleng case.
00:59Kasama rin sa defense team ang co-founder ng law firm na si Atty. Gregorio Narvasa II,
01:06anak ni dating Supreme Court Chief Justice Andres Narvasa,
01:10na bahagi rin ang defense counsel noon sa impeachment trial ni ERA.
01:14Kabilang din sa defense team ni Vice President Duterte,
01:18si Atty. Michael Powa, dating tagapagsalita ng OVP.
01:21Sa ngayon, di pa malinaw kung kailan magsisimula ang impeachment trial
01:26dahil sa pagpapabalik ng Articles of Impeachment sa Kamara.
01:30Ayon kay Senate Minority Leader Coco Pimentel,
01:33na isa sa mga bumoto kontra rito,
01:36nagdudulot lang ang utos na mga kwestiyong legal.
01:39Pero kung siya raw ang tatanungin,
01:41dapat huwag na magkaso sa Korte Suprema
01:43na para ba itong consultant na hihintayin pa kung ano ang opinion nito?
01:48So, ano ma-achieve noon? Ano lang?
01:50Baka bumalik pa sa Step 1.
01:53Di ba?
01:54Hindi natin alam.
01:55So, huwag na. Pabayaan na lang yan.
01:57Tapos, by July 29, 30, 31, August 1, yan.
02:04Eh, pwede na.
02:05Pwede na mag-trial yan.
02:07Kasi, ang incoming Senate,
02:11hindi nila pwedeng gamitin ngayon ang excuse na
02:14meron pa silang rin-rush na mga priority laws.
02:19Kasi, ano pa yan eh?
02:21Filing pa lang yan.
02:22Ayon sa bagong talagang tagapagsalita ng House Prosecution Panel,
02:26na si Atty. Antonio O. Di Bukoy,
02:29may tuturing na grave abuse of discretion,
02:31ang ginawa ng Senado.
02:33Ako po ay sumasang-ayon sa sinabi ni Chief Justice Renato Puno.
02:40Sapagkat,
02:41ang mga naging
02:42actuation and ruling
02:46ni Senate President Chis Escudero
02:51as the presiding officer of the impeachment court,
02:56ay wala po sa saligang batas yan.
02:58Kagaya po ng pag-remant,
02:59ang limitasyon ay ang ating saligang batas.
03:03At ang kanilang sariling impeachment polls.
03:07Hindi po pwedeng,
03:09porque you are sui generis,
03:12pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo.
03:14Kinukunan pa namin ang pahayag si Escudero.
03:17Ayon sa tagapagsalita ng House Prosecution Panel,
03:20sa mga susunod na araw,
03:21ay maghahayin ang mga prosecutor
03:23sa Senate Impeachment Court
03:25na mga motion at manifestation.
03:27Tiniyak niyang hindi ito magiging sanhinang delay
03:30sa impeachment proceedings.
03:33Ilan na rin ang pumuna sa unay pagkiling
03:35ng ilang Sen. Judges sa BSE.
03:38Ihingin ba ng prosecution panel
03:39na mag-inhibit ang mga ito
03:41mula sa impeachment trial?
03:43Pinag-uusapan po yan.
03:45Subalit,
03:46kung ito ay magiging dahilan,
03:50parang antala,
03:51siguro isang tabi na lang yan.
03:53Anyway,
03:56ipipilalahad ang ebidensya,
03:58ipapakita sa mga hukom,
04:01makikita ng publiko,
04:03nasa sa kanila yan.
04:05Kung kahit na malakas ang ebidensya,
04:06mag-aakuit pa rin sila,
04:08sinong uhusga?
04:09Ang bayan.
04:10Nauno nang sinabi ni Vice President Sarah,
04:12nabigyan ng benefit of the doubt
04:14ang mga Sen. Judge
04:15na gagawin nila ng tama
04:17ang kanilang trabaho.
04:19Kung may mag-inhibit man,
04:20Anya,
04:21dapat kasama lahat ng pabor,
04:23pati kontra sa kanya.
04:25Special mention nga
04:26si Sen. Risa Ontiveros.
04:28Kung ganun ang ating
04:29basihan sa inhibisyon,
04:33ay dapat din natin
04:35ipainhibit
04:35ang mga Senators
04:37na meron ding
04:38bias against
04:39Sarah Duterte,
04:41tulad na lang ni
04:42Sen. Risa Ontiveros.
04:45Tugon dyan ni Sen. Risa Ontiveros.
04:47Ebidensya ang titignan niya
04:48bilang Sen. Judge.
04:50Nung nanumpa kami
04:51bilang Sen. Judge,
04:52naging tungkuli namin
04:54sa Senado
04:55na suriin at bumoto
04:57ayon sa bigat
04:58ng ebidensya,
05:00kakampiman
05:01o kritiko
05:02ng pangalawang Pangulo.
05:03Sinusunod ko po
05:05ang tungkuli na iyan
05:06at inaasahan ko rin ito
05:08sa ibang Senador.
05:09Sabi ni Pimentel,
05:11magiging favorable pa
05:12kay Vice President Duterte
05:14kung may mag-inhibit
05:15na Sen. Judge.
05:17Kailangan kasi
05:18ng two-thirds
05:18o labing-anim na Senador
05:20na magsabing guilty
05:21ang vice
05:21bago siya
05:22makondi.
05:23Binibilang natin dito
05:25yung sinasabi
05:26yung salitang guilty.
05:28Yun po ang bibilangin.
05:29Hindi binibilang
05:30yung nagsabing
05:31not guilty.
05:32Hindi importante yun.
05:33Para sa GMA Integrated News,
05:35ako si Tina
05:36Panghaniban Perez,
05:37ang inyong saksi.
05:38Mga kapuso,
05:40maging una sa saksi.
05:42Mag-subscribe sa
05:43GMA Integrated News
05:44sa YouTube
05:44para sa ibat-ibang balita.

Recommended