Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Hihilingin ng mga prosecutor na linawin ng Senate impeachment court ang mga utos nito sa Kamara, kabilang ang pagbabalik sa articles of impeachment na anila’y kalabisan o grave abuse of discretion.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hihilingin ang mga prosecutor na linawin ng Senate Impeachment Court ang mga utos nito sa Kamara,
00:07kabilang ang pagbabalik sa Articles of Impeachment na anilay kalabisan o grave abuse of discretion.
00:15Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
00:21Grave abuse of discretion, yan ang tingin ng bagong talagang tagapagsalita ng House Prosecution Panel
00:27na si Atty. Antonio O. Dibukoy sa ginawang pagremand ng Senate Impeachment Court sa Impeachment Complaint
00:33laban kay Vice President Sara Duterte.
00:36Ko po ay sumasangayon sa sinabi ni Chief Justice Renato Puno.
00:42Sapagkat ang mga naging actuation and ruling ni Senate President Chis Escudero
00:54as the presiding officer of the Impeachment Court.
00:58Ay wala ho sa saligang batas yan.
01:01Kagaya po ng pagremand.
01:03Galing sa UP College of Law si Bukoy na may mahigit na apat na pong taong karanasan sa paglilitis.
01:09Miembro siya ng Free Legal Assistance Group at Mabini,
01:13mga samahan ng mga abogadong nagtatanggol sa karapatang pantao at interes ng publiko.
01:18Kinontre ni Bukoy ang pahayag ni Senate President Chis Escudero
01:22na walang limitasyon ng Senate Impeachment Court sa pwede nitong gawin.
01:27Ang limitasyon ay ang ating saligang batas at ang kanilang sariling impeachment rules.
01:34Hindi po pwedeng, porque you are three generis, pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo.
01:41Hindi po pwedeng bardagulan to.
01:43Hindi pwede na kung anong gusto, yun ang gagawin. May limitasyon.
01:47Kinukunan pa namin ang pahayag si Escudero.
01:50Pero may aksyon ba ang House Prosecution Panel?
01:53Kognize sa umunay kalabisan ng Senate Impeachment Court?
01:56Kung meron pong pagmamalabis under the expanded jurisdiction of the Supreme Court,
02:03sila ang pwedeng mag-awat.
02:05Subalit, hindi po garantisado na ang Supreme Court will assume jurisdiction.
02:10Ang nagipong kalakaran, the Supreme Court will respect the internal rules
02:16and yung kalakaran ng Senado as an impeachment court.
02:21Panging ang Supreme Court po kung merong dudulog sa kanila.
02:25Ayon sa tagapagsalita ng House Prosecution Panel,
02:28sa mga susunod na araw ay maghahayin ang mga prosecutor
02:31sa Senate Impeachment Court na mga motion at manifestation.
02:35Tiniyak niyang hindi ito magiging sanhinang delay sa impeachment proceedings.
02:40Kasama rito ang paghingi ng paglilinaw sa mga utos ng Senate Impeachment Court sa Kamara.
02:46Ilan na rin ang pumuna sa umunay pagkiling ng ilang senator judges
02:50kay Vice President Sara Duterte.
02:53Hihingin ba ng Prosecution Panel na mag-inhibit ang mga ito mula sa impeachment trial?
02:58Pinag-uusapan po yan. Subalit, kung ito ay magiging dahilan para maantala,
03:07siguro isang tabi na lang yan.
03:10Anyway, ipilalahad ang ebidensya, ipapakita sa mga hukom, makikita ng publiko,
03:19nasa sa kanila yan. Kung kahit na malakas ang ebidensya, mag-aacquit pa rin sila,
03:23sinong uhusga? Ang bayan.
03:25Samantala patuloy naman ang pakikipag-usap ng Prosecution sa kanilang mga posibling witness.
03:31Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.

Recommended