Ipinaliwanag ni Vice President Sara Duterte kung bakit dapat i-dismiss ang ika-apat na impeachment complaint laban sa kanya. Giit niya, hindi siya guilty sa alinmang ibinibintang.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Not guilty, ito ang sagot ni Vice President Sara Duterte sa summons ng Senate Impeachment Court.
00:29Ang kopya ng 35 pahin ng sagot, ibinigay sa media ng isang partido sa kaso.
00:34Sa kanyang sagot, pinabulaanan ng Vice ang mga aligasyon laban sa kanya na bribery, korupsyon, betrayal of public trust, misuse of funds, contracting an assassin at political destabilization.
00:46Anya, sinampahan siya ng impeachment complaint dahil kumukontra siya sa Administrasyong Marcos.
00:51Dagdag pa ni Duterte, wala o mano siyang kailangan sagutin sa summons dahil wala raw nakasaad na statement of ultimate facts doon.
00:58Kaya maituturing lang daw itong isang pirasong papel.
01:02Giyit pa ni Duterte, walang dahilan para magpalabas ng summons ang impeachment court para pasagutin siya dahil wala na itong hawak na impeachment complaint.
01:10Ipinunto niyang ibinalik na ng korte ang reklamo sa Kamara.
01:13Matatandaang bago nag-adjourn ang 19th Congress, ibinalik ng Senate Impeachment Court ang reklamo sa Kamara para humingi ng sertifikasyon na walang nalalabag sa saligang batas at para tanungin ang Kamara sa 20th Congress kung desidido pa itong ituloy ang kaso.
01:28Pero sabi ngayon ni Duterte, walang probisyon sa 1987 Constitution na nagsasabing pwedeng tumawid ang impeachment trial sa susunod na Senado.
01:37At dahil lahat ng pending sa 19th Congress, kinukonsideran ang terminated, wala ng jurisdiction ang impeachment court sa reklamo sa pagtatapos ng 19th Congress.
01:47Kung itutuloy naman ang 20th Congress ang reklamo, naniniwala ang bise na kailangan itong ihain muli na parang inihahain sa unang pagkakataon.
01:55Pag nangyari, lalabag na umano ito sa one-year bar rule sa konstitusyon.
01:59Sa saligang batas, may probisyong nagbabawal ng paghahain ng mahigit isang reklamo laban sa isang opisyal sa loob ng isang taon.
02:07Sabi ni Duterte, labag dito ang nakahaing reklamo laban sa kanya dahil pang-apat na umano ito. Kaya wala aniya itong visa.
02:16Pagpunto ng bise, may tatlo ng naon ang impeachment complaint laban sa kanya bago ang natransmit na reklamo sa Senado.
02:22Hindi rin aniya sinunod ng Kamara ang rule sa pag-initiate ng impeachment complaint.
02:27Dahil sa mga ipinunto ni Duterte, hinihingi niyang ibasura ang aniya'y ika-apat na impeachment complaint laban sa kanya.
02:34Sa lunes ang deadline ng House Prosecution Panel para tumugo naman sa sagot ng bise.
02:39Sabi ni House Prosecutor Rep. Jerval Luistro, pinag-aaralan ito ngayon ng prosecution team at magre-reply sila sa loob ng limang araw alinsunod sa rules.
02:48Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.