Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/14/2025
Sa pagpasok sa Senado ng 12 bagong halal at nagbabalik na mga Senador, meron kaya itong magiging epekto sa gagawing impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Music
00:00Sa pagpasok sa Senado ng labing dalawang bagong halal at nagbabalik ng mga Senador,
00:16meron kaya itong magiging epekto sa gagawing impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado?
00:23Yan po ang tinutukan ni Maki Pulido.
00:30Ang resulta ng eleksyon sa Senado ngayon, posibleng may epekto sa mabigat na tungkuling kakaharapin ng mga Senador.
00:37Ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:42Dalawang put-apat ang magsisilbing senator judges at kailangan ng two-thirds na boto para makonvict ang nasasakdal.
00:50Ang ibig sabihin rin, siyam na boto lang ang kailangan ni Duterte para maabswelto.
00:54Sa pahayag mismo ni Senate President Chief Escudero noon, nananawagan siya ng impartiality at objectivity sa lahat ng mga kasamahan sa Senado
01:02dahil alam niyang madalas na isasalarawan ng impeachment bilang isang political exercise.
01:08Kung sisilipin ang nabubuong komposisyo ng Senado, anong posibleng maging epekto nito sa pagliliti sa Vice?
01:13Sabi ni Prof. Aris Arugay ng UPD Liman, maituturing ng pro-Duterte ang tinatawag na Duterten na sina re-electionist Senators Bongo at Bato De La Rosa at Congressman Rodante Marculeta.
01:26Ganito na rin ang turing ni Arugay kina Senador Aimee Marcos at Representative Camille Villar
01:30dahil kapwa inendorso ni Vice President Sara Duterte ilang linggo bago ang eleksyon
01:35pero bahagi rin sila ng aliyansa ng administrasyon na ikinampanya ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:40Darat na ng limang yan ang mga incumbent Senators na itinuturing na pro-Duterte
01:46sina Senators Robin Padilla at dating running mate ng dating Pangulong Duterte na si Alan Peter Cayetano.
01:52Pito na yun. Kung pag-usapan natin ng impeachment, ang magic number kay Sara Duterte ay siyab, diba? For acquitan.
02:00Kapatid ni Cayetano ang re-electionist at pasok sa magic 12 na si Pia Cayetano
02:04pero tumakbo siya sa slate ng Pangulo.
02:07Gayun din si Camille Villar, kapatid ni Senador Mark.
02:10It remains to be seen whether on certain issues, hindi sila boboto ng pareho.
02:18Historically, they tend to, yung mga magkakapatid, lalo na kung full siblings,
02:24ito yung impluensya ng dinastiya sa Senado.
02:27Magiging mahalagaan niya sa Administrasyong Marcos na manatiling kakampi nila
02:31ang ibang papasok na Senador na tumakbo, may iba pa sa labas ng aliyansa at Duterte.
02:35Kabilang ang iba pang may kapatid na Senador o kapatid sa Gabinete.
02:41Mahirap naman tansyahin ang iba pang tumakbo sa ilalim ng Marcos Duterte Unit Team noong 2022.
02:47Nariyan din si Senador J.V. Ejercito.
02:50Sabi ni Arugay, sa sistema naman ng politika sa bansa, wala masyadong timbang kahit magkasama sa partido o sa aliyansa.
02:57Mas kakalkulahin nila, kada suporta sa kahit anong inisyatibo, polisiya ng Marcos administration,
03:04mas titimbangin nila, what will I gain?
03:06At if this is costly para sa akin, kung madedihado ako dito, kakayanin ba ng reputasyon ko?
03:13Lalo na bala kong tumakbo ulit sa 2028?
03:16Kabilang sa iisipin ng mga Senador ang kanika nilang political survival,
03:20lalo na at may full media coverage ang impeachment trial.
03:23Kaya magiging mahalagaan niya ang bigat ng ebedensyang ihaharap ng mga prosecutor sa impeachment trial.
03:30Kasi yung proseso ng trial, pwedeng magkaroon yun ng impact.
03:36Kasi itong mga Senador na ito, hindi lang naman nila iisipin yung kanino ba ako may utang na loob?
03:42Sino ba yung tumulong sa akin manalo?
03:44It's more like, baka pag bumoto ako ng akwital, baka ako naman yung balika sa susunod na eleksyon.
03:52Inaasahang sa July 30 mag-uumpisa ang impeachment trial batay sa naunang inilabas na timetable ng Senado.
03:59Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.

Recommended