Plano ng House prosecution panel na isumite na ang hinihinging sertipikasyon ng Senate impeachment court. ‘Yan ay kahit para sa ilang proescutor ay walang legal na basehan ang utos ng Senado.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00This is not a case for the House Prosecution Panel.
00:07Plano ng House Prosecution Panel na isumiti na ang hinihinging sertifikasyon ng Senate Impeachment Court.
00:16Yan ay kahit para sa ilang prosecutor ay walang legal na basihan ng utos ng Senado.
00:22Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
00:24Kahit anila wala itong basehan sa konstitusyon o batas, malamang sumunod pa rin ang Kamara sa utos ng Impeachment Court
00:34na magsumite ng sertifikasyong interesado itong ituloy ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:42Ayon yan sa isa sa mga magiging prosecutor.
00:44Pag may order yung korte, kahit na gaano mo ka, no matter how wrong or stupid that order is, you still usually end up complying just to satisfy the court.
01:00May constitutional basis ba or basis in law?
01:03Ako, I find no basis eh.
01:07Kasi once it is filed, it's already there.
01:09Parang it's like, bakit mo pa ipatanong? Eh, we filed it nga eh.
01:15May problema talaga, di ba? Questionable. Wala namang legal basis eh.
01:21Sabi pa ni ML Partylist Representative Laila Delima na inaasahang magiging bahagi ng House Prosecution Panel,
01:28tila tinatrato raw ng Impeachment Court ang Kamara,
01:31na sunod-sunuran lang sa lahat ng iutos nito kahit wala naman daw basehan sa konstitusyon o sa rules.
01:37Para umusad na ang impeachment proceedings,
01:41balak ng House Prosecution Panel na maghain sa Senate Impeachment Court ng mosyon para idaos na ang pre-trial.
01:48Welcome naman para sa Impeachment Court,
01:50ang kahandaan ng Kamara na tumugon sa ikalawang certification na hinihingi nito.
01:56Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.