Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/10/2025
Bago pa makapanumpa si Senate President Chiz Escudero bilang presiding officer, pinagdebatehan muna sa plenaryo ng mga senador ang agad na pag-convene ng impeachment court kahit naka-schedule pa bukas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago pa makapanumpa si Senate President J.C. Escudero bilang presiding officer,
00:05pinag-debatehan muna sa plenario ng mga senador
00:07ang agad na pag-convene ng impeachment court kahit nakaschedule pa bukas.
00:12Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:17Matapos ang ilang oras na debate sa mosyon ng Senate Minority Block
00:21na simulan na ang impeachment proceedings laban kay Vice President Saradterte
00:26na nung panakagabi si Senate President J.C. Escudero bilang presiding officer ng impeachment court.
00:34So may nagsasabi nga na itong pag-take na niya ng oath today,
00:38pag-constitute tomorrow is symbolic.
00:41But nasabi nga nung ibang mga senador na it's more than symbolic.
00:45Diba? Kasi once na ma-constitute yan, tuloy-tuloy na.
00:48Bago nito, pinag-debatehan sa plenario ang agad na pag-convene ng impeachment court
00:53bagay na nakaschedule bukas pa, June 11.
00:56Pero ang mga senador, meron pang mga tanong.
00:59Pwede ba tayo magkaroon ng hearing na yung respondent ay hindi pa ready with her reply?
01:06Isa pang tanong ni Sen. Alan Peter Cayetano,
01:09sino ang re-resolve ba kung na-violate ba ng Kamara ang limit na one impeachment per year?
01:14Do we follow first the rules of the Senate or do we go into the impeachment court?
01:19Sino mag-de-decide nung allegations ng defense na na-violate ang constitution sa one impeachment per year?
01:28Lawyers ko, hati din po eh. Sabi nung kalahati, hindi, dapat yung Senate kasi it's treated like any other legislative matter.
01:35Sagot ng minority bloc, pwede namang resolbahin ang mga issue pag convened na ang impeachment court.
01:40Pwede natin kunin at a later point in the impeachment trial.
01:46Ang unang gusto lamang i-activate ng motion ng minority leader ay sa pamamagitan nga ng motion niya to convene at this very moment.
01:55Iginiit naman ni Sen. Robin Padilla, nakaalyado ng mga Duterte, na dapat sa Committee on Rules i-refer ang Articles of Impeachment.
02:04Sa dalawang nangyaring impeachment,
02:10iyan po ay kay Pangulong Estrada at kay Chief Justice Corona,
02:16lagi pong dinadala doon sa Committee ng Rules.
02:21At iyan po ay inaasahan natin sa pagkakataong ito na doon uli makarating.
02:27Bakit naman sa oras na ito tayo gagawa ng isang bagay,
02:31nakatulad din po ng sinabi ni Sen. Bato de la Rosa,
02:35talaga po bang tayo ay gusto nating magkahiwahiwalay na talaga?
02:39Yung po bang bansa natin talaga gusto na nating gutay-gutayin?
02:43Kung meron po tayong gustong baguhin, hindi po dapat siguro yan sa oras na ito, sa panahon na ito.
02:50Si Escudero, bumaba na ng rostrum para sagutin ang ilang isyo ng impeachment.
02:55Oras na pinag-usapan natin ang impeachment, mahaba ang diskusyon.
03:00Hindi ito simpleng 30 minuto lang sa pag-iso ng summons,
03:05dahil kailangan pahintulutan at payagan ang mahaba at malayang debate.
03:11Sinuspindi muna ang sesyon at nagkaroon ng informal na usapan ang mga senador habang naghahaponan.
03:16Sa huli, napagkasunduan ng mga senador na i-refer sa Committee on Rules ang Articles of Impeachment
03:22at panumpain si Escudero bilang presiding officer.
03:26Giit ni Escudero, walang naganap na kokos at wala rin botohan, gaya ng lumabas sa ilang social media post.
03:32Kahit ano mangyayari magkukonvene sa panunoko ang impeachment ko?
03:35Walang kokos.
03:38Hindi ako papayag na magkokos at anumang pagpapasyahan,
03:41dapat pagdibatihan at pagbotoan sa premaryo sa ngalan ng transparency kaugnayin sa bagay nito.
03:49Wala namang nagbago doon.
03:51At wala rin rason para magduda sinuman na hindi mangyayari yung sinabi ko.
03:57Dagdag ni Escudero, sa 20th Congress magsisimula ang impeachment trial gaya ng dati ng schedule.
04:03Nasa bagong set ng mga senador na ang desisyon kung itutuloy nila ang pagliliti sa bise.
04:08Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended