Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/16/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mababa pa ang chance ang maging bagyo ng namuong low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
00:07Pero nagpabaha ang sama ng panahon sa iba't ibang lugar.
00:11Ating saksi ha!
00:15Dahil sa baha, mapagal ang takbo ng mga sasakyan sa Mindanao Avenue sa boundary ng Quezon City at Valenzuela City.
00:22Bunsod yan ang malakas na ulan kaninang hapon.
00:24Sa Valenzuela rin, nakaranas ng gutter deep na baha sa MacArthur Highway.
00:28Katamtaman hanggang malakas ang pag-ulan sa bahagi ng Barangay South Triangle sa Quezon City.
00:35Sa lawak panggasinan, halos mabali ang punong ito dahil sa malabag yung lakas ng hangin at ulan.
00:41Ang pag-ulan sa mga lugar na yan, dulot ng localized thunderstorms, bunsod ng Easterlies.
00:49Dahil din sa Easterlies, sumabay sa malakas na ulan at hangin ang pagbagsak ng hiel o yelo sa makilala Kutabato.
00:55Matapos ang pag-ulan, tumambad sa mga residente ang mga nabuwal na puno pati na ang kanilang mga tanim na saging.
01:04Hanggang bewang na baha naman ang idinulot ng malakas na ulan sa isang barangay sa Sibulan, Negros Oriental.
01:10Dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig, tumawag na ng rescue ang mga residente para ilikas ang ilang senior citizen.
01:17Rumagasa naman ang tubig sa bayan ng Zamboanggita.
01:20Stranded ang ilang motorista pero may ilang sinuong ang baha.
01:24Sa Panabo City, Davao del Norte, patay ang 13 anyo sa Dalagita matapos anurin ng agos ng ilog.
01:30Ayon sa pag-asa, may bagong low pressure area na nabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
01:35Huli itong namataan sa dagat malapit sa Concepcion, Iloilo.
01:38Kahit mababa ang chance ang maging bagyo sa ngayon, umaabot ang mga kaulapan nito hindi lang sa Visayas kundi pati sa ilang bahagi ng Southern Luzon.
01:46Bukot sa LPA, patuloy rin ang ihip ng mainit na Easter Lees.
01:50Naka-monsoon break din tayo ngayon dahil sa pansamantalang paghinaw pagkawala ng epekto ng Southwest monsoon o habagat.
01:56Ayon sa pag-asa, hindi inaasahang hahatakin o palalakasin ng LPA ang habagat.
02:01Pero maging handa pa rin sa mga pag-ulan lalo na ang mga commuter kabilang na ang mga estudyante na nagbabalik eskwela.
02:07Base sa datos ng Metro Weather, umaga pa lang bukas may chance na ng ulan sa Bicol Region, Aurora, Quezon at Mimaropa.
02:15Pagsabit ng hapon, may mga pag-ulan na rin sa Northern at Central Luzon, ibang bahagi ng Southern Luzon, pati sa halos buong Visayas at Mindanao.
02:23May matitinding pag-ulan pa rin na pwedeng magpabaha o magdulot ng landslide.
02:27Sa Metro Manila, mataas ang chance ang maulit ang mga pag-ulan gaya ng naranasan kaninang hapon.
02:32Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kayang, inyong saksi.
02:37Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:40Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended