Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagtitiis pa rin sa baha ang mga taga-Ubandobulacan dahil naman sa high tide.
00:06Pinag-iingat ang mga residente sa banta ng leptospirosis.
00:09Saksi Live, si Von Aquino.
00:12Von?
00:16Marie Sky, paano gumanda yung panahon dito kaninang hapon?
00:20Pero baha pa rin dun sa ilang kalsada dito sa Ubandobulacan dahil sa high tide.
00:25Ayon sa PDRRMO, ito na yung high tide na pinakamataas ngayong taon.
00:30Sumigat ng araw at panakanakang ambo na lang ang naranasan sa maghapon sa Ubandobulacan.
00:38Pero ang ilang kalsada sa barangay Katanghalan at Pag-asa, baha pa rin hanggang kaninang hapon.
00:44Ayon sa Ubandol Local Disaster Risk Reduction and Management Office,
00:48dulot ito ng high tide na umabot ng 5 feet, 1244 ng tanghali.
00:53Pinakamataas ngayong taon ayon sa Bulacan PDRRMO.
00:57Ayon yung pinakamataas, 5 feet.
00:59So yun yung nagkos. Tapos nagkaroon rin kami ng mga sira po sa dike.
01:05So upon monitoring po ng mayor po natin, nagkikip po sila.
01:09Maraming nakita ang mga cracks and sira.
01:14Bukod dito, binabantayan din anila ang lamesa dam na nakaka-apekto sa ubando kapag nagpapakawala ng tubig.
01:20Once naman po na naglulotide na, ino-open na po yung mga dike po natin.
01:26Between 1 hour or 2 hour po, nawawala naman na po yung baha.
01:29Sa kabila nito, tuloy ang mga negosyo tulad ng parlor na ito na tatlong araw din daw nagsara dahil sa masamang panahon.
01:37Wala na din kasing panggastos.
01:40Tsaka marami pong kliyente na gusto na din po magpagawa talaga.
01:44Kahit baha, self-care is a must.
01:47Tila biyaya naman ang baha sa mga pedicab driver na may at maya nagsasakay ng mga pasaherong ayaw lumusong sa baha.
01:55Pero ang pedicab driver na si Renato nagbota na dahil inaalipunga na at uminom na rin daw ng prophylaxis bago na masada para iwas leptospirosis.
02:05Pero may inom na gamot, may minibigay.
02:08Yung pang ano nga.
02:10Sino po nagkagawad?
02:12Yung mga nagkagawad, nagbibigay.
02:15Ang Barangay Health Center at Obando Rural Health Unit nagbibigay ng prophylaxis sa mga residenteng lumusong sa baha.
02:23Hindi rin kaya lahat i-cater dito na kunwari pupunta yung mga constituents natin.
02:29So ang ginagawa namin, they go down, they go to the communities para mabigyan sila ng gamot.
02:38Ilang pasyente rin daw ang kumonsulta sa kanila na may ubot sipon at mga batang may pananakit ng tiyan.
02:44Inabuta naman namin ang ilang pasyente na nagpapaturok ng anti-rabies.
02:48Ayon sa doktor, bukod sa infeksyon sa balat, maaari rin magkaroon ng leptospirosis sa paglusong sa baha.
02:55Dala ng mga bakterya na nanggagaling sa mga daga.
02:59Ito ay inahalo sa tubig baha.
03:03At paglalo na pag ikaw ay may sugat o gasgas sa iyong balat,
03:07at pwedeng pumasok itong bakterya sa iyong katawan,
03:09at ikaw ay magkasakit na ang tinatawag natin ay leptospirosis.
03:14Ang prophylaxis pwede anyang inumin sa loob ng 24 oras matapos lumusong,
03:19at pwede rin bago lumusong sa baha.
03:21Depende rin daw ito sa risk at tagal ng paglusong sa baha.
03:24Maaari rin anyang magkaroon ng leptospirosis kung nakainom ng tubig baha.
03:29Maganda raw kumonsulta rin sa doktor bago uminom ng prophylaxis.
03:33Kadalasan, it is really advised na mag-take ng doxycycline,
03:37dalawang capsule, kung 100 mg, 2 capsule as a single dose.
03:43Pero kung halimbawa naman ikaw ay may sugat o may gasgas sa iyong paa,
03:49o inie-extend namin yan to around 3 to 5 days.
03:53Lalong-lalo na yung alam mo ito, yung trabaho, pabalik-balik dun sa baha.
03:57Pari sa mga oras na ito ay nakakaranas tayo ng mahina hanggang sa malakas na pagulan dito sa Umando Bulacan.
04:08Pero mabuti na lamang at low tide ngayong pasado las 10 ng gabi.
04:11At as of 6pm, nasa 140 na pamilya pa rin yung nananatili sa evacuation center.
04:17Sila yung nakatira doon sa mga coastal areas.
04:20At live mula rito sa Umando Bulacan para sa GMA Integrated News.
04:24Ako si Von Aquino, ang inyong saksi.
04:27Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:30Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended