00:00Sa ating balita, bilang bahagi ng commitment ng pamahalaan na tiyaki ng maayos at ligtas na pagbubukas ng klase sa mga paaralan,
00:08binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Epifanio de los Santos Elementary School sa Malati, Maynila ngayong umaga.
00:15Sa kanyang pagbisita, pinangunahan ng Pangulo ang learning session sa mga estudyante sa grade 1 para sa pagsusulong ng pagbabasa at aktibong partisipasyon.
00:25In inspection din ni Pangulong Marcos Jr. ang pagpapatupad ng seguridad sa paaralan para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.
00:34Kinumusta rin ng Pangulo ang ilang paaralan sa bansa sa pamamagitan ng video call at tinayak ang pagtutulungan ng mga ahensyo ng pamahalaan para sa maayos na pagbabalik-eskwela.
00:44Una nang sinabi ng Department of Education na tinatayang nasa 27 milyong estudyante mula sa preschool hanggang high school ang nagbabalik-eskwela ngayong araw.