00:00Samantala, tuloy pa rin ang pasok ng mga estudyante sa San Francisco High School kahit nasunog ang paaralan kahapon.
00:07Si J.M. Pineda sa Detalye Live, J.M.
00:14Ryan, tama ka nga dyan, tuloy pa rin ang klase, pero masaklap nga ang bumungad dito sa San Francisco High School, lalo na sa mga estudyante at guro,
00:21dahil natupok nga kahapon ang isa sa mga gusali sa kanilang paaralan.
00:25Nakasalampak sa covered court ng San Francisco High School ang mga estudyante habang sinasagawa ang kanilang orientation ngayong unang araw ng klase.
00:37Sila ang mga apektadong estudyante sa nasunog na building sa eskwelahan kahapon.
00:42Panandalian muna silang mananatili sa covered court ng paaralan para sa kanilang orientation.
00:47Ang isa pang idinulot ng sunog ay ang pagkaantala ng face-to-face classes ng mga estudyante ngayong araw
00:52at hangin sa learning module muna sila mag-aaral.
00:55Pero sabi ng pamunoan, may nakahandang bakanteng gusali para sa mga estudyante.
01:00Nililinis na ngayon ang Quezon City Sanitation Department ang mga classroom para magamit,
01:04kinabukasan at makapag-face-to-face class na.
01:07Ayon pa sa eskwelahan, pagtapos ang sunog kahapon ay gumawa na agad ng action plan ng pamunoan
01:12para magawa ng paraan na makapag-aaral pa rin ang mga estudyante.
01:15Walong seksyon sa umaga ang naapektuhan sa eskwelahan habang may ilang seksyon din muna mula sa grade 9
01:22ang apektado sa hapon.
01:26Ryan, kung nakita niyo sa aking likwaran, ito yung covered court o yung gymnasium
01:30na ang paaralan na nag-stay muna o nananatili yung mga estudyante.
01:35At sa ngayon nga, ongoing pa yung orientation ng mga estudyante dito sa paaralan.
01:39Pero ang sabi ng mga principal ng San Francisco High School ay bibigyan lang sila ng mga module
01:45o mga learning materials para mayanda sila para bukas.
01:49Dahil bukas daw ay posibleng magsimula na yung class, yung face-to-face na class ng mga estudyante ito.