Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Baha ang bumungad sa mga estudyante at magulang sa Malabon Elementary School ngayong unang araw ng klase.
00:06Ang sitwasyon doon sa unang balita live ni Bea Pilac. Bea!
00:14Susan, good morning. Mahigit 3,000 mag-aaral ang inaasahan dito sa Malabon Elementary School ngayong school year.
00:21Kanina, ang ilang mag-aaral na maagang pumasok ay sinalubong ng kaunting pagbaha sa harap at ilang bahagi ng loob ng paaralan.
00:30First day of school. Excited ang grade 3 student na si Blesi.
00:38Makatapos po agad ng school. Para po makatulong agad sa mag-aaral.
00:44Maaga siyang hinatid ng kanyang nanay ngayong umaga.
00:48Ang sumalubong sa kanila. Kaunting baha sa labas ng paaralan matapos mag-pump sa kalsada ang tauhan ng Malabon Elementary School ng bahang na ipon mula sa loob ng paaralan.
00:59Ang paalala ng nanay ni Blesi sa kanya...
01:02Antayin niya lang ako huwag siyang lulusong. Basta dahan-dahan sa paglalakad baka mamay madulas eh.
01:08Ang ilang magulang na naghatid ng anak nangangamba rin lalo't tag-ulan na ngayon.
01:13Minsan pinapahatid ko siya sa papa niya nag-i-eatrike lang. Kasi mas malaki yung baha dito sa may anik.
01:19Minsan hanggang dito siya eh. Sa may tuhod.
01:21Pag titiyak naman ang pamunuan ng paaralan, hindi makakaapekto sa pag-aaral ng mga bata ang baha.
01:33Yung area po na may baha ay may mga tubig dyan ay hindi naman po dyan pumupunta yung mga bata.
01:40At saka yung area niyan may daanan po yung mga bata namin na papunta dun sa classroom.
01:46Yung mga classroom po hindi affected kapag nagkakaroon po ng pagbaha.
01:50Meron din silang ginagamit na submersible pumping equipment para mamanage ang baha.
01:55At tumatalima daw sila sa klasuspensyon na ipinapatupad ng Malabon LGU.
02:01Nagsagawa ng pre-opening of classes sa paaralan nitong biyernes para sa 3,200 mag-aaral.
02:08Inaasahan pang tataas ang bilang ng enrollees ngayong taon.
02:11Ngayon sigurado lahat ng bata na naka-enroll last year ay papasok na silang lahat, 100%.
02:18Nag-a-accept pa po kami ng mga enrollees, mga transferred in, galing sa mga ibang paaralan.
02:26Maka hanggang next week, pwede pa po kami mag-tanggap.
02:29Ngayong araw hanggang bukas, sasa ilalim sa reading and math assessment ang mga mag-aaral
02:35para malaman kung sino-sino yung bibigyan ng libring intervention program ng paaralan.
02:40Susan, ayon kay Malabon Mayor Jeannie Sandoval, sira pa rin kasi yung Navotas Navigational Gate
02:52kaya mas nagiging bahain dun sa mga low-lying areas, particular dito sa kinatatayuan ng Malabon Elementary School.
02:59Pagtitiyak niya, nakikipag-ugnayan sila sa mga paaralan sa Malabon para kung sakali ay kailanganin ng isolated class suspension ngayong tag-ulan.
03:08At yan ang unang balita mula rito sa Malabon.
03:11Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
03:14Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:17Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.

Recommended