Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/15/2025
Aired (June 14, 2025): Sa likod ng ingay ng pedicab at kaluskos ng sirang appliances, may kuwento ng tapang at tagumpay.


Kilalanin si Joanna—isang ina, asawa, at mambabaklas na nagsusumikap para sa kanyang pamilya sa Malabon. Mula sa makikipot na eskinita hanggang sa mga pandaigdigang entablado, bitbit niya ang kuwento ng kabuhayan at katatagan.

‘I-Witness’ is GMA Network's longest-running and most awarded documentary program. It is hosted by the country’s top documentarists— Howie Severino, Kara David, Atom Araullo, Mav Gonzales, and John Consulta. ‘I-Witness’ airs every Saturday, 10:15 PM on GMA Network.

Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Oh, sirang appliances! Binibili!
00:08Mahigit isang tegada ng ginagawa ito ni Joanna.
00:13Kasi ka dyan! Bilin ko na!
00:16Ang magbahay-bahay sa Malabon.
00:20Sakay ng kanyang kolong-kolong para mamili ng sirang appliances.
00:24Ma'am, baka may sila po kayong appliances yan.
00:31Tingnan ko ma'am. Ito po kasi pong computer eh.
00:35Ano yun na natin na 250 para?
00:37Dahil sa kanyang sigasig at pagpuporsige sa mahirap na trabaho,
00:45nakilala siya sa komunidad.
00:47Maka silang appliances! Pinibilis!
00:50Pero sino pa naman ang mag-aakala na ang pagpapadyak at pagbabaklas ni Joanna
00:58giving us voice to speak and to hear what we want to say.
01:06Dadalhin siya sa iba't ibang bansa.
01:12Wow! Sumakses!
01:20Una kong nakilala si Joanna noong 2021.
01:30Naghahanda rin siyang mag-ikot sa kanilang komunidad noon.
01:36Nagsisimula ang araw ni Joanne sa utang.
01:39Ganda ang umaga, madam. Huwag kami puhunan.
01:44Tatlong libo po. Tatlong libo. Tag-isan libo kami.
01:49Ay, wala akong bariya.
01:50Sige, okay lang, ma'am. Kapabarihan na lang namin, te.
01:53Wala lang.
01:56Ba, nakapag-lipip ako, ha?
02:03Pagkatapos, papanik na siya sa pedicab para makipagsapalaran.
02:08Kasama, ang kapitbahay na si Mary Ann.
02:13Mamaya, panabi.
02:19Lock pa na!
02:28Maka sirang TV washing electric pan.
02:31CPU aircon binibili.
02:33Nag-iikot sa paligid si na Joanne para bumili ng sirang appliances at iba pang kasangkapang dekuryente.
02:42E-waste ang tawag dito.
02:46Ate, papasok ako. Nasabi na po ba ni Ate Monette?
02:49Ate, bilhin ko po yung aircon.
02:56Ah, no. Sabi na.
02:57Opo.
02:58Buway naman ang kasangkapan ngayong araw, isang lumang air conditioning unit.
03:02Para hindi pasok.
03:04Ay, para yung ano, pagdala.
03:06Andi, ako na po. Dalawa po kami ni San.
03:08Sige po.
03:09Ayaw po namin.
03:10Alakas ng dalawa.
03:11Opo.
03:15Dukasunan. Baka umano.
03:18Washing electric pan. CPU monitor aircon binibili.
03:25Bilhin ko na. Ayan, set 200. Dapa.
03:28Isang sirang washing machine naman, ang sunod na nabili ni na Joanne.
03:33Aka na electric pan.
03:35May kasama pang ventilador.
03:36Ayan, eh.
03:43Ay, ****.
03:48Ala, baka may baka sira kayo siyang rep.
03:52CPU aircon washing TV, sir. Binibili namin.
03:57Opo.
03:59Ano, sir, meron?
04:01Sa opisina nito, may mga lumang printer at computer naman.
04:06Opo lang.
04:14Boss, baka may sira kang up tayo ang sif yan, boss. Binibili namin.
04:18Salamat po.
04:20Habang dumarami ang naiipong kasangkapan, bumibigat ang pedicab ni na Joanne.
04:25Pero may konting espasyo pang naiwan sa sidecar.
04:45Kaya wala pa rin tigil ang dalawa sa pag-iikot.
05:15Ang naipong appliances ni na Joanne, hindi pa pwedeng ibenta sa junk shop.
05:22Binabaklas muna ito.
05:23So, wala namang sariling pwesto o junk shop yung samahan.
05:36Kaya dito sila nagbabakla sa gilid ng palsada.
05:40Sa ilalim na sikat ang araw at habang ginagandaanan ng mga sasakyan.
05:44Nandito na rin ang iba.
05:50Ang tropa ni Joanne, puro nanay.
05:52Ano po yung binabaklas niyo?
05:56Ano po ito sir, tanso, nakakonekta sa loob?
06:00Ito po yung nagsusuplay ng kuryente.
06:04Nagpapalamig po sa taas.
06:08Kapag nagbabaklas sir, kailangan malinis.
06:12Kailangan wala kang mapiterwisyo.
06:13Lalo po dito sir, kumakita niyo daan ang puto.
06:16Kailangan wala pong masisirang gulong ng sasakyan.
06:19Kaya kailangan yung mga turnillo, isisino po namin siya.
06:23Sige, higakun na, alis mo yan.
06:29Sa lahat daw ng appliances na kailangan baklasin,
06:33pinakamahirap ang mga refrigerator.
06:37Siguro po, mga sampung balding pawis bago mo matapos.
06:44Pero, ang paboritong baklasinin na Joanne, mga aircon.
06:49Kasi po ito, karamihan po dito tanso.
06:54Bira po dito yung sinasabing panapon o yung hindi na nagagamit.
06:59Ang aircon po kasi sir, pag binabaklas mo,
07:01tapos nakikita mo na yung kita, nakawala yung pagod mo.
07:06Ultimo radiator at motor ng aircon,
07:10binibiyak pa para makuha ang tanso at iba pang bakal dito.
07:16Ito na yung mga nakuha natin mula sa isang buong araw ng pagbabaklas.
07:35Tapos, yung mga naibibenta, ito yung pinakamahalaga, yung tanso.
07:41Ito yung mga tubing galing sa aircon.
07:43Tapos, ito yung galing sa makina, no?
07:45Apo.
07:47Tapos, meron tayong mga board, iba-ibang klase.
07:51Anong pinakamahal dito?
07:52Motherboard po.
07:53Ito, kinikilo rin ito, tapos binibenta.
07:55Pero, iba pa siya dun sa board ng galing sa TV.
07:59VHS po.
08:01VHS at ibang mga appliances.
08:03Tapos, yung mga bakal, iba-iba rin yan.
08:06Meron tinatawag na BI daw.
08:08Ito, tapos ito yung bakal.
08:11Ito, aluminum.
08:14Tapos, yung mga plastic, iba-ibang klase rin.
08:19Separate nyo na para ma'am na hindi na natin.
08:22Pero may isang appliance dito na hindi masyadong ginagalaw ng mga nanay.
08:27Yan ang mga lumang telebisyon at monitor na merong cathodrate tube
08:31o yung tinatawag na CRT.
08:34Yan yung mabasaging tubo.
08:35Gaya nito.
08:37Hindi pwede pa kinabangan itong, ano?
08:39Kasi delikado po ito.
08:40Sere, pag binasag po ng mga bata yan,
08:43mapupunta sa mata.
08:45Kasi bubog po yan.
08:48Ang bubog galing sa mga CRT,
08:50hindi lamang nakakasugat.
08:53Naglalaman pa ito ng lead at iba pang kemikal
08:55na lubhang masama sa kalusugan.
08:58Dati, kung saan-saan lamang itinatambak ang mga lumang TV.
09:03Pero ngayon, iniipon na ito ng iba't-ibang samahan
09:11para sa tamang pagdispatsya.
09:15Proyekto ito ng United Nations Industrial Development Organization o UNIDO
09:19kasama ang gobyerno, pribadong sektor, at mga NGO.
09:24Ang kanilang layunin,
09:28bigilan ang lalong pagkalat ng e-waste sa bansa.
09:37Si Hover ng Eco-Waste Coalition,
09:40regular na pumupunta sa Longos
09:42upang bilhin ng naipong CRT
09:44mula sa mga mga ngalakal.
09:48Kwento ni Hover,
09:49kulang pa ang kalaman ng publiko
09:51tungkol sa mahalaga
09:52at masalimuot na proseso
09:54ng e-waste disposal.
09:56Hindi naman ito kilala sa atin eh.
09:58Yung karamihan kapag sinabing nangangalakal,
10:01ang nakapokus tayo dun sa
10:02Jario Botigarapa.
10:03Pero yung hindi nila alam,
10:05may ganitong klase ng hanap buhay
10:07yung pangangalakal mula dun sa mga electronic waste.
10:12Isa lamang ang barangay Longos
10:14sa apat na lugar sa Metro Manila
10:16na sakop ng proyekto.
10:18Tinuturuan at binibigyan nila ng training
10:23ang iba't-ibang samahan ng mga mga ngalakal.
10:30Bukod pa sa support na sa kagamitan
10:32at pinansyal.
10:34Kaya nung nasimulan itong proyekto
10:35at bilang isa sa mga pangunahing programa
10:39ng Eco-Waste dito sa proyekto ito,
10:41ay yung magkaroon ng information education campaign
10:43na huwag nang basagin,
10:45sunugin yung mga e-waste
10:46na nakukolekta nila.
10:48Pero kailangan pa itong palaganapin
10:50sa buong bansa.
10:51Sa Pilipinas,
10:53halos 6,000 tonelada raw ng e-waste
10:55na mula pa lamang sa mga desktop computer at TV
10:58ang naiipon taon-taon.
11:03Marami sa mga ito,
11:04itinatambak lamang sa bahay.
11:12Matapos magligpit ng gamit sa bangketa,
11:14dinalananin na Joanne
11:21ang kanilang kalakal sa junk shop.
11:24Madam, dam!
11:28Alapag po na!
11:29Dahil hindi ko na kaya!
11:31Ito po, IC.
11:35Almas, sabihan mo ko pag-isa lang.
11:37Pag-bakan ka ka lang.
11:39300.
11:40Ay!
11:41Kamusta, Kita?
11:47Bali, kumita po kami ng nasa 1,000 plus.
11:52Happy ka na ba nun sa ganong kita?
11:54Wala po tayong magagawa e.
11:55Ito po yung kinaya ng pagyak namin sa maghapon.
12:09Pero hindi pa rito nagtatapos
12:11ang kwento ng mga e-waste.
12:13Sa isang pasilidad sa Calamba, Laguna,
12:20dinadala ang mga sirang TV mula sa Longos
12:23at iba pang lugar sa Metro Manila.
12:26So basically, ganito,
12:27pagdating ng truck,
12:29ibababa,
12:30then i-wake.
12:32Ipinakita sa akin ng supervisor na si Jonathan
12:34kung paano nire-recycle ang e-waste
12:37sa kanilang planta.
12:38So, ito na yung dismantling area.
12:42So, ito yung,
12:44dito, babakasin yung TV.
12:47So, iniingatan talaga nila yung tube
12:49na hindi talaga mabasag.
12:50So, yung may tanso.
12:51So, yan yung yoke.
12:52Ah!
12:53So, yan yung
12:54pinagkaabalahan ng mga
12:57mababakas.
12:58O, o.
12:59Pero kahit dito,
13:05hindi pa rin ginagalaw
13:06yung mismong picture tube.
13:09Ipinapasa pa ito sa ibang planta
13:11upang i-dispatch siya ng maayos.
13:15Ganun siya kadelikado.
13:18Ang mga PCB
13:19o Printed Circuit Board mula sa TV
13:21may ilang hakbang pa
13:23na kailangan pagdaanan.
13:24So, yung PCB, yung board,
13:33yun po yung ika-crush
13:34after nung ma-dismantle.
13:37Ika-crush natin.
13:38After ma-crush,
13:40dadalhin din dun sa treatment.
13:51Ang durog na TV
13:52isasalang na sa isang malaking
13:54makina na malahorno.
13:57Lulutuin nito
13:58sa mataas sa temperatura
13:59ng ilang oras.
14:02So, ito na yung
14:03last process niya.
14:04Okay.
14:05So, ayan,
14:05kinikilo pa rin
14:07para alam natin
14:08yung ilang kilo yung pumasok
14:09versus dun sa output.
14:11I see.
14:12Ano pa yung main product
14:14na kinukuha natin dito?
14:15Anong main raw material?
14:17Yung copper box.
14:18Copper, tanso?
14:19Tanso, yes.
14:20O, tanso.
14:24Kapag natapos na
14:28ang proseso,
14:29ito
14:29ang resulta.
14:32Ito yung
14:32copper niya.
14:33Ito yung tanso?
14:35O.
14:35So,
14:36mula dun sa mga board?
14:37O, yun yung
14:38na-recover na copper.
14:39Tamang galing,
14:46kaalaman,
14:46at makinarya
14:47ang kailangan
14:48sa e-waste disposal
14:49dahil sa mga panganib
14:51nito sa kalusugan.
14:53Yung plastic casing
14:55ng mga lumang TV?
14:57May mga lason pala
14:58ang mga ito.
15:00Gaya ng
15:00polybrominated
15:01diethyl ethers
15:02o PBDE,
15:04isang flame retardant
15:05na may bromine.
15:06At heavy metals
15:09tulad ng lead,
15:11arsenic,
15:12at chromium.
15:13Gamit ang isang scanner,
15:15pinatunayan nito
15:16ni Jonathan.
15:17So,
15:19ganyan ang pag-test.
15:20Ilalapat lang siya talaga.
15:22Yan.
15:22So,
15:23hintayin ng
15:2410 seconds.
15:26Okay.
15:27Complete.
15:28So,
15:29check natin yung result niya.
15:31Ang bromin
15:31is 148,000?
15:33O,
15:33148,000?
15:36640.
15:36Ah,
15:36640.
15:370.12.
15:38So,
15:38ang acceptable lang
15:39is 1,000 below.
15:40Wow,
15:41hindi yung taas nito.
15:42So,
15:42sobrang taas niya.
15:42Ang tamang disposal
15:47ng e-waste
15:48hindi lamang
15:48para sa kalusugan,
15:50mabuti rin ito
15:51sa kalikasan.
15:52Dahil ang lason
15:53mula sa e-waste
15:54masama para
15:55sa mga halaman
15:56at hayop.
15:58Bukod dito,
16:00malaking tulong
16:00ang pag-recycle
16:01para mabawasan
16:02ang pangangailangan
16:03sa mga
16:04hilaw na materyales,
16:06gaya ng tanso
16:07at ginto
16:07na kailangan minahin.
16:10Para
16:10hindi na
16:11yung iba
16:12nating kababayan
16:13mag-hukay pa
16:14ng ginto.
16:15Kasi
16:15pwede naman
16:16palang
16:17i-recycle
16:17galing sa mga
16:18appliances
16:18na
16:19di na pwedeng
16:20magamit.
16:21Kasi yung
16:22pag-hukay
16:23ng mga metals
16:24may hangganan
16:26din yan,
16:26yung mining.
16:27Oo,
16:28pag naubos,
16:28wala na tayong
16:29minerals
16:30makukuha.
16:37Ang mga nanay
16:38na mambabakla
16:39sa Longos
16:40di lamang
16:41mabigat
16:41na trabaho
16:42ang sinusuong
16:43araw-araw.
16:49Buong tapang
16:50din nilang
16:50hinaharap
16:51ang hamon
16:52ng pagiging
16:52babae
16:53sa ganitong
16:54uri
16:54ng hanap
16:55buhay.
16:59Ang ibang,
17:00katulad din
17:01naming mga
17:01kababaihan,
17:02na pag nakikita
17:03kami,
17:04ano ba yan?
17:05Kababaeng
17:06tao,
17:06ganyan-ganyan,
17:07ganito-ganon.
17:09Mahirap po,
17:09marami po siyang
17:10mukha.
17:13Natutuha ni
17:14Joanna
17:14ang pangangalakal
17:15mula sa
17:16kanyang asawa.
17:18Naisipan
17:19daw niya
17:19itong tulungan
17:20dahil sa
17:21hirap
17:21ng trabaho.
17:22Kasi po, sir,
17:24wala po siyang
17:24katuwang.
17:26Alam niyo,
17:26yung pagdating niya,
17:27makikita mo siya
17:28pagod,
17:29tapos gutom.
17:31Siyempre,
17:31ikaw bilang asawa,
17:32naawa ka sa kanya.
17:34Kaya po,
17:34kailangan talagang
17:35aralin.
17:36Bilang isang nanay,
17:37ano yung pakiramdam mo
17:38na nagagawa mo to
17:39at nakakatulong ka doon
17:40sa kabuhayan
17:42ng iyong pamilya?
17:43Masaya naman po,
17:46pero minsan
17:46pinagawa yan po
17:47naming mag-asawa
17:48kasi
17:49nahihiya po siya.
17:53Bakit siya nahihiya?
17:55Kasi dapat daw po
17:56hindi ako nangangalakal.
17:59Ayaw na ayaw niya po
18:01ako nangangalakal
18:01kasi
18:02dapat daw po
18:04trabaho niya yun eh.
18:06Isuportahan kaming
18:07asawa niya,
18:09mga anak niya.
18:11Siguro,
18:12ako kasi, sir,
18:12hindi ako nahihiya.
18:14Kahit sabihin niya
18:15na dapat siya
18:16dapat siya lahat,
18:18hindi ako nahihiya.
18:19Kasi
18:20pag mahal mo yung pamilya mo,
18:22gagawin mo lahat eh.
18:34Makalipas ang apat na taon,
18:38muli kong binisita si Joanna
18:39sa Malabon.
18:42Hello ate.
18:44Hello po, sir.
18:45Long time no see.
18:46Opo.
18:47Sige, hindi na kita kakamay.
18:49Ang dami lang.
18:49Opo, madumi po yung kakamay.
18:50Madumi yung glass.
18:51Ganda ng bagon yung
18:52lugar ha.
18:53Imbis na magbaklas sa kalsada,
18:58dito na ang bagong pwesta,
18:59dito na ang bagong pwesta ni na Joanna ngayon.
19:03Isa itong community e-waste recycling facility
19:06na pinondohan ng isang international organization
19:10sa tulong ng pamahalaan.
19:11Ano yung gina-baklas mo ngayon?
19:16Ano po, monitor po.
19:19Kung bihasa na noon,
19:21lalo pang naging eksperto si Joanna
19:23sa proseso ng pagre-recycle
19:25ng iba't-ibang klase ng e-waste.
19:26So, alimbawa ito, bakal.
19:28Tapos yung tinatanggal mo ngayon?
19:30Board po.
19:31Yung board.
19:33Kinikilo rin ito e, no?
19:34Apo.
19:36Tapos itong sa harap?
19:37Yan po ay mga tapo na.
19:40Ayan po yung...
19:40Tapo na ito?
19:40Opo.
19:42Ayan po yung mga ano nila.
19:44Ano ito?
19:45Parang ano lang?
19:46Parang backing lang?
19:47O sa screen ito?
19:48Screen po yan, sir.
19:49Lahat po yan.
19:50Hindi naman toxic ito?
19:52Hindi naman po siya ganito toxic.
19:54Usually, sir, ang toxic po kasi yung...
19:56Ito yung mga kaising.
19:59So, pwede ko dilaan ito?
20:00Oo.
20:02Malaki, sir.
20:07Malaking tulong daw kina Joanna
20:08ang pagkakaroon ng maayos na pasilidad
20:11para sa kanilang trabaho.
20:14Lahat po ng gamit namin niya na electronics na...
20:17Ito, no?
20:18Hindi mano-mano.
20:19Hindi na po siya.
20:20Ano ito?
20:21Pinipisi lang?
20:21Opo.
20:22Ayan, ganyan.
20:24Parang itatapat niya lang siya sa turnilyo
20:26tapos...
20:27Mas mabilis ang trabaho.
20:29Tsaka, mas safe po.
20:30Kasi dati, kapag pilip,
20:32talagang pag dumulas,
20:34may tendency na...
20:36Baka matamahan ka.
20:37Tsaka, ang kagandahan nito,
20:39merong bangko.
20:40Opo.
20:40Kaya hindi kayo naka...
20:41Hindi masakit sa likod na nakatuwad kayo.
20:44Opo.
20:44Nung nakita niyo po kami dati,
20:46talaga nakaupo kami sa kalsada.
20:47Tapos pinapalo niyo lang dun sa sidewalk.
20:49Oo, pinapalo po po.
20:50Hahaha.
20:54Kasabay ng pagpapatayo ng center na ito,
20:58binigyan din daw ng karagdagang training ng ilang NGOs
21:02ang mga mambabaklas.
21:08Natutuhan daw ni na Joanna
21:09kung gaano kahalaga ang kanilang trabaho
21:12sa komunidad
21:14at sa kalikasan.
21:15Tinilungan niya po kami
21:19na ipamulat
21:20na okay yung trabaho niyo
21:22pero dapat mas maayos
21:24kasi
21:24bawat
21:26bawat
21:26electronics
21:28na mababaklas niyo
21:29ay may kalakit na panganib.
21:31Ano siya sabi mo
21:32panganib dati?
21:33Ito dati rinirecycle?
21:35Opo.
21:35Pag ito po,
21:36alimbawa po,
21:37ang brome nito is 2,000.
21:39Opo.
21:39Eh,
21:40ang ano po,
21:41is 1,000 pa ba?
21:42500 pa baba.
21:43Yun lang ang pwede dapat.
21:44Pag ito po nasama
21:46sa tunawan
21:47o sa factory,
21:49lulusawin po ulit yan.
21:51So magpuproduce po siya
21:52ng another product
21:53na pwedeng tabo,
21:55pwedeng timba
21:56o hanger
21:57o zipper,
21:58pwedeng kutsara
21:59na
21:59pag nagamit po natin,
22:01makumok po po yung toxic,
22:02mapupunta po sa atin.
22:10Dahil sa kanyang sipag
22:12at galing,
22:12isa pang karangalan
22:15ang dumating
22:15sa buhay ni Joanna.
22:19Ang maging kinatawa
22:21ng Pilipinas
22:22sa ilang mga conference
22:23sa labas ng bansa.
22:25I would like to thank you.
22:27Everybody here,
22:28it's my honor
22:29to be here
22:30and talking about
22:32our son.
22:32Malayo na nga
22:55ang narating ni Joanna.
22:56Mula sa mga eskinita
23:00ng Malabon
23:01hanggang sa mga bulwaga
23:03ng Canada,
23:06Austria,
23:07India
23:08at Thailand.
23:11Pabuhay, welcome to Vancouver.
23:13Lumipad ang team
23:14ni na Joanna
23:15para ibahagi
23:19ang kwento
23:20ng mga
23:20mambabakla
23:21sa Pilipinas
23:21tulad niya
23:22at matuto
23:24sa karanasan
23:24ng iba.
23:26Kamusta yung biyahe
23:26sa ibang bansa?
23:28Kamusta yung experience na yun?
23:29Naku sir,
23:29yung una,
23:30takot na takot po ako.
23:31Grabe yung atog ko.
23:32Pero sa huli,
23:33kamusta yung experience?
23:35Yung po,
23:35ang saya.
23:36Nakakaproud po
23:37talaga na
23:38ito kami,
23:40ito kami dati
23:41hanggang
23:42ito kami ngayon.
23:43Sa kabila ng lumalawak
23:50na mga responsibilidad
23:51bilang leader
23:52ng kanilang samahan,
23:55walang tigil pa rin
23:56si Joanna
23:57sa pagsuporta
23:58sa kanyang pamilya.
24:08Pagkatapos ng kanyang gawain
24:09sa e-waste facility,
24:10nagpupunta naman siya
24:14sa bahay Sandigan,
24:17isang shelter
24:17para sa mga
24:18minorde-edad
24:19at senior citizen.
24:30Nagtatrabaho siya rito
24:32bilang isang house parent.
24:33Di tulad noon,
24:38hindi na raw nila
24:39pinag-aawayan
24:40ng kanyang asawa
24:41ang desisyon niyang
24:42magtrabaho.
24:43So ngayon,
24:44okay na kayo?
24:45Ngayon po,
24:46masasabi ko po na
24:47supportado niya na po
24:48ako talaga
24:49at nagkakaintindihan po kami
24:51na
24:52hindi po ako
24:53nagtrabaho
24:54para lang
24:55higitan
24:56yung kakayaan niya.
24:57Kasi partner niya po ako,
24:59sir.
25:00Katulong niya ako
25:01sa hirap,
25:02sa ginawa,
25:04sa lahat ng problema.
25:07Ayon pa ki Joanna,
25:09nadagdagan daw
25:09ang kumpiyansa nila
25:10sa sarili.
25:12Simula nang
25:12maipalabas
25:13ang kanilang kwento noon.
25:15Sandal ka ha?
25:17Alam niyo po,
25:18sir,
25:18mula po
25:18nung mapicture po
25:19yung
25:19ako ang bilang
25:21nangangalakan.
25:22Yung mga kababaiyan po
25:23na dating nangihiya
25:24na nangangalakan.
25:26Ngayon po,
25:26hindi na po sila
25:27nangihiya.
25:28Parang nung
25:30in-interview niyo po
25:31kasi ako,
25:32yung
25:32nararamdam ko
25:34yung
25:34nadidiscriminate po kami
25:35talagang
25:36ababa ng tingin sa amin.
25:37Nung nagpunta po ako
25:38ng Canada,
25:39parang yung
25:40yung luha ko po
25:41talaga na
25:41eto na kami,
25:43hindi na kami
25:43gaano
25:45minamaliit nila.
25:47Pinapakinggan kita ngayon,
25:48parang
25:48ang dami mo na ring
25:49alam
25:50tungkol sa
25:51mas malaking papel
25:52ng mga
25:53nagbabaklas
25:54sa pagpapaunad
25:56ng komunidad
25:57at ng lipunan
25:58dahil dati
25:59parang hanap buhay lang.
26:00Opo,
26:01dati po,
26:01pera lang talaga
26:02yung mga
26:03ngayon po,
26:04sir,
26:05yung responsibilidad
26:06na hindi lang
26:07dapat makita natin
26:09yung pangalakan
26:10ng hanap buhay lang.
26:11Kung di dapat
26:12maging responsable
26:13din po kami
26:13bilang mga ngalakan
26:15na
26:16kung ito yung
26:17hanap buhay namin,
26:17mahalin namin.
26:20At
26:20at the same time,
26:21mahalin din natin
26:22yung kalikasan
26:23at yung nakapaligid.
26:24Humaharap pa rin
26:48sa matitinding hamon
26:49ang mga
26:49mababaklas.
26:50Pero ang mga tulad
26:55ni Joanna
26:55hindi nalilimutang
27:00lumingon
27:00sa pinanggalingan
27:01at magpasalamat
27:08sa layo
27:09ng narating
27:10bago mo rin
27:12sumabak
27:12sa laban.
27:17Magandang gabi.
27:18Ako si Atom Araulio.
27:19At ito
27:23ang Eyewitness.
27:24Maraming salamat
27:44sa panunod
27:44ng Eyewitness,
27:45mga kapuso.
27:46Anong masasabi nyo
27:47sa dokumentaryong ito?
27:48I-comment na yan
27:49at mag-subscribe
27:50sa YouTube channel
27:51ng GMA Public Affairs.
27:52Ako si Atom Araulio.
27:54I-comment,
27:54ma inga
27:55my kya
27:56puja.
27:57Ako si Atom Araalio.
27:57Ma inga
27:58mi-kya.
27:58Ma o kya.
27:58Ako si Atom Araulio.
27:59Ako si Atom Arau.
27:59Ako si Atom Araulio.

Recommended