Dating POGO worker si “Angel” sa Lucky South 99 Corporation sa Porac, Pampanga, isa sa pinakamalaking POGO hub sa bansa na kalaunan ay naging scam hub ayon sa mga otoridad. Dito niya nakilala ang isa ring POGO worker at Chinese national na si “Chen” at kalauna’y nagkaroon sila ng pamilya.
Pero hindi na rin nasilayan pa ni “Chen” ang pagsilang ng kanilang anak matapos ma-raid ng awtoridad ang kanyang pinagtatrabahuhan. May pag-asa pa kayang mabuo ang kanilang pamilya ngayong nakaamba ang deportation ni “Chen”?
Panoorin ang ‘POGO Babies,’ dokumentaryo ni John Consulta sa #IWitness. FULL EPISODE: https://youtu.be/eOCz2N0cbi0