Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
-Pagdiriwang ng 127th Independence Day ng Pilipinas sa Luneta, pinangunahan ni PBBM/PBBM: Patuloy na ipaglaban ang kasarinlan dahil ang kalayaan, hindi naman ibinigay sa atin/ PBBM: May banta sa paglaganap ng fake news, misinformation, at herd mentality na bumubura sa ating pamumuhay, kultura, at value system/PBBM: Ang tunay na kalaban ay kahirapan, presyo ng pagkain, mahal na kuryente at iba pa/ Sabayang flag-raising at wreath-laying ceremonies, isinagawa sa iba't ibang panig ng bansa/ 28 museo ng National Historical Commission of the Philippines, mga LGU, at embahada ng Pilipinas, nakiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan


-MRT-3, LRT-1, at LRT-2, may libreng sakay ngayong Araw ng Kalayaan


-Teaser ng horror film na "P77," inilabas na


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ginugunita ngayong araw ang ikaisandaan at 27 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
00:05Si Pangulong Bongbong Marcos dumalo sa selebrasyon sa Maynila.
00:09May ulat on the spot si Ian Cruz.
00:12Ian?
00:16Yes, Rafi, pinakunahan nga ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagdiriwang ng ikaisandaan at 27 araw ng Kalayaan.
00:24At Rafi, matapos nga yung flag-raising at re-laying ceremony, kasama si ang pinuno ng National Historical Commission na si Regalado Trota Jose Jr.
00:35at AP Chief of Staff General Romeo Briner Jr.
00:38nagtungo sa Quirino Granstan ng Pangulo para nga sa parada ng Kalayaan sa kanyang talumpati, kinilala ng Pangulo ang kabayanihan ng ating mga ninuno.
00:46Mula rin sa sakripisyo nila, umusbong ang Republika na ngayon ay naharap din sa mga makabagong hamon.
00:52Hindi raw kasalanan o mali ang magbigay ng opinion o kritisismo, pagkus ay nagbibigay buhay at kinangdaw ito sa ating demokrasya.
01:00Hamon niya, ipagpatuloy na ipaglaban ang kasarinlan dahil ang kalayaan hindi naman basta ibinigay sa atin.
01:07May bantaraw sa kalayaan sa paglaganap ng fake news, misinformation at herd mentality na bumubura sa ating pamumuhay, kultura at value system.
01:16Tinawag niyang salot ng kalayaan ng mga kasinungalingan, walang katotohan ng balita at maling informasyon.
01:21Ang tunay raw na kalaban na iyang kahirapan, presyo ng pagkain, mahal na kuryente at iba pa.
01:27Kaya dapat daw itong tapatan ng maganda, mabilis ang servisyo sa mga mamamayan at iwas to ang pagkukulang.
01:33Papanagutin din daw, hindi lang ang mga umaabuso sa tungkulin, kundi pati ang mga nagkukulang sa paglilingkod.
01:41Samantala, Rafi, tampok naman sa parada ng kalayaan ang mga kadete, mga sundalo, pulis, mga tropa ng Coast Guard at iba pa.
01:49Ipinakita rin ng ilan sa mga aset ng ating sandatahang lakas at kapulisan.
01:56Tampok din sa parada ang mga karosa at pagtatangahal ng mga mahalagang pangyayari sa ating kasaysayan patungo sa kasarinlan.
02:02Makulay din ang mga tampok na mga festival performance mula sa iba't ibang panig ng bansa.
02:07Kasabay ng pagdiriwang dito sa Maynila, nagkaroon din ang sabayang flag raising at re-playing ceremonies sa iba't ibang panig ng bansa.
02:14May celebration din sa 28 museo ng National Historical Commission sa buong bansa, mga LGU.
02:19Ngayon din sa iba't ibang embahada ng Pilipinas sa iba't ibang mga bansa.
02:23Rafi, sa kasalukuyan ay umuulan dito sa luneta pero tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng ating mga kababayan para bumisita dito ngayong araw ng kalayaan.
02:33Balik sa iyo, Rafi.
02:35Maraming salamat, Ian Cruz.
02:37O sa mga suki naman ng MRT at LRT, samantalahin na po ang Libreng Sakay ngayong Independence Day.
02:44Nagsimula po yan kanina ng 7am hanggang 9am at mauulit mamayang 5pm hanggang 7pm.
02:51Epektibo po yan sa lahat ng istasyon ng tren ng MRT 3, LRT 1 at LRT 2.
02:58Ang Libreng Sakay ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ikasandaan at 27 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
03:07May bagong aabangan this July sa JMA Pictures, ang horror film na P77.
03:19Sino naman sila?
03:21Pinagbibidahan niya ni nagkapuso primetime princess Barbie Forteza at sparkle child star Ewan Mikael.
03:30Sa teaser ng pelikula, ipinakilala ang character ni Barbie na isang cleaner sa isang penthouse.
03:36Kabilang din sa cast ng pelikula ang mga veteranong aktres na sina Gina Pareño at Jackie Lublanco.
03:42Mukapanood na ang P77 sa mga sinihan sa July 13.

Recommended