Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/13/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pinalawig pa ang mga pwedeng makabili ng 20 pesos kada kilong bigas na programa ng gobyerno.
00:05Mayulat on the spot si Bernadette Reyes.
00:08Bernadette?
00:12Rafi, hindi na lama mga miyero ng 4P, senior citizens, PWDs at mga solo parents ang maaaring makabili ng 20 bigas.
00:20Dahil simulang ngayong araw ay maaaring na rin makabili nito ang mga minimum wage earners.
00:25120,000 na minimum wage earners ang inisyal na target na mabentahan ng 20 bigas.
00:35Ngayong araw, sinimula na ito sa mga minimum wage earners sa Manila Harbor Center.
00:40Inilunsad na rin ito sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:43Ayon sa ilang nakapanayam namin na beneficiaries, malaking tulong daw ito sa kanilang pagbabudget.
00:48Tulad na mga binibenta sa mga kadiwa stores, 25% broken rice din ito na mula rin sa buffer stock ng National Food Authority.
00:56Layon ng programa na maabot ang 14 milyon na mga Pilipino.
01:01Rafi, umaasa ang Department of Labor and Employment na sa paglipas na mga araw ay madadagdagan pa ang mga beneficiaries na masasama sa kanilang listahan.
01:09Pag-aaralan din daw ng Department of Agriculture ang posibilidad na mapalawin pa ang programa para maisama na rin sa mga beneficiaries sa mga nabibilang sa mga lower middle income.
01:19Rafi?
01:20Bernadette, exclusive ba yan para sa empleyado lang ng kumpanyang kasali sa programa o bukas sa lahat ng minimum wage earners?
01:30Rafi, buti na itanong mo yan.
01:32Dahil sa ngayon, meron lang piling partnership ang Department of Labor and Employment at Department of Agriculture doon sa ilang mga kumpanya.
01:40So sa ngayon, kung ano yung mga kumpanyang meron ng kasutuan, sila yung mga minimum wage earners na entitled siyaan.
01:47Ngayon, kung sila ay minimum wage earner pero sila ay nabibilang din doon sa sektor,
01:51kabilang na ang 4P, Senior Citizen, PWD o Solo Parent,
01:55ay maaari pa rin sila magpunta doon sa mga kadiwa centers para maka-avail nitong benteng bigas.
02:00Rafi?
02:01Maraming salamat, Bernadette Reyes.

Recommended