State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00Kahit inaawat na ng mga polis, tuloy pa rin sa sabonuta ng apat na kabataan sa kainang ito sa Barotac Nuevo, Iloilo.
00:15Ayon sa mga polis, posibleng nagugat sa selos dahil sa isang lalaki ang pagtatalo ng mga sangkot.
00:21Dati na rin namanong may sama ng loob ang mga babae na nagbatuhan pa ng plato at mangkok.
00:27Nagkaareglo sa barangay ang magkabilang panin, pero ang isang lalaking tinamaan ng plato at nasugatan sa mukha, balak magsampan ang reklamo.
00:37Pinabayaran din ang pamunuan ng kainan ng mga nabasag na gamit.
00:42Isang SUV ang nabagsakan ng malaking tipak ng semento na galing sa Naiya Expressway.
00:48Patay naman ang isang construction worker matapos tamaan sa ulo ng nahulog na tubo sa ginagawang gusali sa Cebu City.
00:55May report si Jamie Santos.
00:57Basag ang windshield ng SUV, nayupi rin ang bahagi ng hood at bubong nito matapos mabagsakan ng malaking tipak ng semento na pinaniwala ang galing sa naiyaks alas 12 ng tanghali.
01:11Ilang saksi ang nakarinig ng malakas na kalabog.
01:14Nakita po na namin yung lalaki po na yung driver po. Yung naano lang po yung ulo niya.
01:19Troma po.
01:19Ang gulat sobra ma'am.
01:22Kasi akala namin patay na po yung ano nasa kaotse po.
01:25Tapos po, bumaba po siya?
01:26Baba po siya mismo.
01:28Sugatan ng driver na isang estudyante.
01:31Sa video na nakuha ng GMA Integrated News, makikitang nakaupo sa sidewalk ang biktima habang ginagamot ng rescue team ang sugat sa kanang bahagi ng kanyang ulo.
01:40Dinala siya sa ospital.
01:42Ang operator ng Naiya Expressway tinawag na freak accident ang pagtama ng hard debris sa sasakyan.
01:49Nakikipagugnayan na raw sila sa pamilya ng biktima para sa anumang maitutulong.
01:53Bagaman isolated case daw ito, nagsasagawa raw sila ng masinsinang inspeksyon para hindi na maulit ang insidente.
02:00Sa Pulanggi Albay naman, pumapalahaw sa sakit ang lalaking yan habang nakaipit sa truck na bumanga sa isa pang truck.
02:13Pahirapan ang pagsagip sa kanya pati sa isa pang pahinante at driver.
02:18Inabot ng apat na oras bago sila nadala sa ospital.
02:21Nasa mabuti na silang lagay.
02:23Inaalam pa ang dahilan ng aksidente.
02:25Sa Cebu City, patay ang isang construction worker matapos mahulugan ng tubo sa pinagtatarabahuang gusali.
02:33Ayos sa Office of the Building Official, sakay ng gondola sa 8th floor ang 26-anyos na biktima.
02:39Nang mabagsakan ng GI pipe mula sa 22nd floor.
02:43Nawasak ang hardhat ng biktima.
02:45Idineklara siyang dead on arrival sa ospital.
02:48Pansamantalang ipinahinto ang construction ng dalawa sa limang gusali.
02:51Napag-alaman ding expired na ang permit sa ginagamit na gondola at tower crane.
02:57Wala pang pahayag ang pamunuan ng ginagawang mga gusali.
03:00Jamie Santos, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:04Bago ngayong gabi, in-adopt ng Kamara ang resolusyon na nagsesertipika na sumunod sa saligang batas
03:18ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
03:22Hindi naman muna nila tinanggap ang binalik ng Senado na Articles of Impeachment.
03:27Ang kanilang paliwanag sa report ni Jonathan Andat.