State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Inireklamo ang isang two-star general matapos manong pagsamantalahan ang dalawang sundalo.
00:07Nangyari ang umano'y pang-aabuso sa loob ng San Fernando Air Base sa Lipa, Batangas.
00:12Sa kuha ng CCTV noong January 29, bumaba mula sa van ng mga sundalong galing sa Inuman.
00:18Kasama ang inireklamong general na kinailangan pang alalayan papunta sa kanyang quarters.
00:24Makalipas ang ilang oras, nakita ang dalawang lalaking sundalo na nag-iiyakan na.
00:29Pinagsamantalahan daw sila ng general.
00:32Base sa salaysayan ng mga sundalong hiniling na huwag bunang pangalanan,
00:36pinatulog daw sila sa kwarto ng general na nung una raw ay akala nila ay nagbibiru lang.
00:41Dito na raw nangyari ang umano'y pagsasamantala.
00:45Lingit sa kaalaman ng general, kumuha ng video at audio ang isa sa mga sundalo na bahagi ngayon ng kanilang ebidensya.
00:53Taghainan sila ng reklamong rape through sexual assault at attempted rape through sexual assault.
00:58Inalis na sa pwesto ang NASA Restrictive at NASA Restrictive Custody ng Philippine Air Force ang general.
01:05Pero itinatanggi niya ang mga aligasyon.
01:07Inimbisigahan ng AFP ang insidente at hawak niya ni AFP Chief of Staff, General Romeo Browner,
01:13ang Initial Findings.
01:15Yung pong ating accused will face trial under Articles of War 96, no?
01:21Ito pong conduct under the coming of an officer and a gentleman.
01:25And 97, conduct prejudicial to good order and military discipline.
01:30Zero tolerance po tayo for any form of misconduct such as this po.
01:34Wala naman silang ibang gusto makamtahan kundi yung hostisya.
01:38Naniniwala sila na kahit gano'ng pang kataas, kahit gano'ng pang kakapangyarihan yung mga nang abuso sa kanila,
01:46kahit two-star general pa yan.
01:50Hiniling ng isang animal welfare group sa Marikina LGU na ipasara ang isang dog training facility doon.
01:57Yan ay matapos mamatay habang nasa pangangalaga ng pasilidad ang dalawang aso.
02:02May report si Katrina Son.
02:05Viral ngayon ang social media posts ng fur parents na sina Carla at Sandy,
02:10kung saan sinabi nilang namatay ang kanila mga alagang aso habang nasa pangangalaga ng isang dog training facility.
02:18February nang ipatrain ni Carla ang kanyang mga alaga.
02:21March naman ang sa dalawang standard poodle ni Sandy.
02:25Pinatrain po namin yung aso para po saan na matuto magpapati train,
02:30at saka po saan na po matuto ng mga konting tricks na hanap po namin.
02:34Dalawang buwan ang dog obedience training.
02:37Kailangan daw iwan sa training facility ang mga alaga.
02:40Pwede silang dalawin isang beses kada linggo.
02:43Nung una, nag-a-update sa kanila ang may-ari ng facility.
02:47Kalaunan, nahirapan na silang makahingi ng impormasyon.
02:51Hanggang?
02:51Nalaman lang po namin, naka-two weeks na po siguro.
02:55Doon po namin nalaman na nilipat niya po yung aso namin sa Los Baños nang hindi po sa amin sinasabi.
03:02Ang training hanggang April 20 lang dapat sa mga aso ni Carla at hanggang May 6 ang kay Sandy.
03:08Pero panayraw ang hiling ng extension ng may-ari ng pasilidad.
03:12Pinuntahan din daw ng may-ari ng pasilidad si Sandy.
03:15Sinabi sa kanya na patay na ang isa sa kanyang alaga.
03:19Sinanong po namin siya na bakit ngayon mo lang sinabi, ilang days na pala patay,
03:25hindi wala siyang masabi na...
03:26Hindi na po masagot.
03:27Rason, puro sorry lang po yung sinasabi.
03:29Sorry lang po ma'am, yung tao ko po kasi.
03:32Ganun lang lagi niyang sinasabi.
03:34Nilibing na po namin ng tauhan ko po yung mga aso kasi takot na takot daw po siya.
03:40Hindi niya daw po alam kung anong gagawin.
03:42Nalaman din ni Carla na namatay ang isa rin sa mga alaga niya.
03:45Pumunta po siya sa bahay at sinabi po niya yun noong May 17 na po.
03:51And then sinasabi niya po na May 12 daw po namatay yung aso.
03:55Namatay raw sila sa heat stroke.
03:57Pero hindi naniwala si na Carla at Sandy.
04:00Hindi po siya mukhang heat stroke kasi madugo po yung ulo.
04:04Wala na siyang snout. Hindi mo na makita yung ulo ng aso.
04:08Kinonde na ng Philippine Animal Welfare Society of POS ang sinapit ng mga aso.
04:13Ito pang mga actual acts of torture or cruelty, they are already additional violations.
04:20And we are in touch with the owner of the dog.
04:22We are trying to convince her to submit the affidavit as soon as possible so that we can file the charges.
04:30Ayon sa Animal Kingdom Foundation o AKF, may tuturing na red flag kung pinapaiwan ng mga asong tinitrain.
04:37Dapat daw kasama ang owner para alam mismo kung paano i-execute ang mga command.
04:43Mas sakit din po. I think when we heard about the narrative, kung paano nangyari yun, mas shocking.
04:51Kasi hindi siya basta-basta ang facility. It's an animal facility actually. It's a training facility.
04:58Nakausap daw ng POS ang Bureau of Animal Industry.
05:02Nasa klaw ang mga pet training facility.
05:04At nadiskubre nila.
05:05Hindi siya registered with the Bureau of Animal Industry. So technically, they are already in violation of the Animal Welfare Act.
05:14Dahil dito, hiniling ng POS sa Marikina LGU na agad ipasara ang naturang facility.
05:20Planong maghain ng reklamo si na Carla at Sandy kaugnay sa sinapit ng kanilang mga alaga.
05:26Sinubukan namin kuhanin ang panig ng training facility.
05:29Pero sarado ito at hindi rin sinasagot ang aming tawag.
05:34Katrina Son, nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
05:39Hindi doktor, kundi isang kumadrona o midwife ang nagtuli sa sampung taong gulang na bata na kalauna ay namatay sa Tondo, Maynila.
05:47Dati na rin siyang na-aresto dahil din sa pagpapanggap bilang doktor.
05:51May report si Jomer Apresto.
05:55March 2023, nang-arestuhin sa lying-in clinic na ito sa Tondo, Maynila,
06:00ang babaeng senior citizen na nagpapatakbo ng clinic at nagpapakilala pa raw na doktor.
06:05Ang gamit niya, pangalan at license number ng isang lihitimong doktor na dati na raw niyang nakatrabaho.
06:12Mahigit dalawampung taon na ang nakakaraan.
06:14Sabi ng barangay, nakapagpiansa noon ang sospek na isang totoong midwife o kumadrona.
06:21Kamakailan, nagpakilala ulit siya bilang doktor sa isang lying-in clinic.
06:26Siya ang tumuli sa sampung taong gulang na si McNathan Aqueen itong Sabado na namatay kalaunan.
06:31Ayon sa barangay, walang permit ang clinic.
06:34Walang request, so ang alam namin hindi siya nag-operate.
06:37Ang alam namin, licensed midwife siya. Pero doktor, hindi.
06:41Ayon naman kay Marjorie, nanay ng nasawing bata, sa online niya natuklasan ng clinic dahil assistant daw doon ang isa sa kanya mga kakilala.
06:50Ang sabi pangaraw sa kanya, tatlo na ang natuli sa clinic noong araw na yun.
06:541,200 pesos lang daw ang bayad, kaya napapayag si Marjorie.
06:59Bago tuliin, tinurukan daw ng anesthesia ang kanyang anak na ayon sa assistant sa clinic ay nasa 20cc ang dosage.
07:07Pero ilang minuto matapos matuli, napansin ni Marjorie ang panginginig ng anak.
07:12Napatagal pa po doon dahil ang sabi po sa akin ng doktor normal lang daw po yung kasigrogi.
07:16Nakikita ko na po nangingitin yung anak ko.
07:18Ayun na po, tinakbo na po namin ang kalipin sa ospital. Tapos ayun na po, dead on arrival na po.
07:26Kasunod dito, agad nilang ipinablatter ang babaeng nagtuli sa anak.
07:29Nang dalhin sa MPD, pinauwi rin ang sospek dahil kailangan pa raw i-autopsi ang bata para malaman ang sanhinang pagamatay.
07:36Hindi ko pa po alam kung ipapa-double autopsy ko po. Para po kasing naawa na po ako sa anak ko eh.
07:46Sobrang bata po na anak ko eh. Parang mamatay na dahil lang sa ganyan eh.
07:54Sobrang sakit po sa akin. Pangalay ko po yan eh. Hindi ko po talaga siya mapapatawad.
08:03Sinusubukan pa rin namin makuha ang panig ng nagtuli sa bata.
08:07Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:15Dalawang rider ang patay sa magkahiwalay na aksidente.
08:18Ang isa, labagsakan ng poste sa Negros Occidental.
08:22Yan at iba pang disgrasya sa kalsada sa report ni Mark Salazar.
08:25Derediretsyong pumasok sa main road sa Banga, Aklan.
08:33Ang motorsiklong yan at sumalpok sa patrol car.
08:36Sumemplang ang motorsiklo. Dead on arrival sa ospital ang rider.
08:40Nagkaareglo na ang tauhan ng PNP na nagmamaneho sa patrol car at ang kaanak ng biktima.
08:46Sa Cadiz Negros Occidental, napadaan lang ang rider na yan ang mabagsakan ng poste ng kuryente.
08:52Dead on arrival siya sa ospital.
08:55Ayon sa Northern Negros Electric Cooperative, isang truck mixer ang sumabit sa kable ng poste kaya ito bumagsak.
09:03Nagdulot din ito ng brownout pero agad namang naibalik ang kuryente.
09:08Sa Santa Ilocosur, bigla namang napunto sa linya ng truck ang kotsing yan.
09:13Kaya nagsalpukan ang dalawa sa lakas ng banggaan na UP ang harapan ng mga sasakyan.
09:19Isinugod sa ospital ang driver ng kotse at kanyang misis na parehong bahagyang nasugatan.
09:25Batay sa investigasyon, madulas ang kalsada dahil sa pagulan.
09:29Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:35Nagpatuli na nagkapera pa ang ilang lalaki sa Lapu-Lapu City, Cebu.
09:40Unang nabigyan ng 10,000 pesos ang 27 years old na lalaki sa libreng operasyon tuli ng lokal na pamahalaan.
09:48May isa pa raw na agad nagpunta para magpatuli ng malamang may cash incentive na matatanggap.
09:54Dayo ng LGU na mahikayat ang mga lalaking may edad na para magpatuli na rin.
09:5910,000 pesos kung nasa edad 20 pataas at 20,000 pesos naman para sa edad 60 o mga senior citizen.
10:09Barbie Forteza at David Licauco, may nakakakilig na treats sa Barda fans.
10:17Yung love language na nare-receive ko galing sa kanya, mas ano, mas words of affirmation,
10:26mass of service, give it, give it, harap lahat naman.
10:30Ang inintay ko na lang talaga yung physical touch.
10:33E, physical touch na.
10:34Oh, hindi mo yung lahat.
10:36Atap ako, makakawak.
10:40At sa kakalalay.
10:42At sa kakalalay.
10:43At sa kakalalay.
10:45Ang galing ko.
10:47Kung gaat sa ganito.
10:48Ang cute mo.
10:52Ex-BBB housemate Josh Ford aminadong hindi pa naka-move on sa nangyaring aksidente.
10:59Kasama ang tatlong kaibigan dalawang taon na ang nakakaraan kung saan siya lang ang nabuhay.
11:04I was probably like bedridden for like a month. I was like, yeah, I couldn't process things at the start.
11:14After two weeks, it was two years ago, so it was still heavy, still heavy with me. You can never move on.
11:21At ngayong nasa outside world na siya, posible raw siyang mapanood buli sa Kapuso Youth Oriented Series na Maka.
11:29Kylie Padilla inalala ang matinding pinagdaanan sa panganganak at postpartum sa pangalawang anak.
11:39Sa Facebook, sinabi ng Encantadia Star na nagkakomplikasyon siya sa panganganak kay Axel.
11:45Sa tinding araw ng stress, anxiety at body pain, tingin daw niya noon, hindi na siya makakarecover.
11:53Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:59Sa telebisyon, radio, online, at maging sa takilya, patuloy ang pananaig ng GMA Network itong 2024.
12:12Yan ang iniulat ni GMA President and Chief Executive Officer Gilberto Ardoavit Jr. sa annual stockholders meeting ngayong araw.
12:19We retained our position as the convincingly dominant TV broadcast network in the country.
12:25Base sa National Urban TV Audience Measurement People Ratings ng Nielsen, nagtala ng average ratings na 5.1 ang GMA, malayo sa 1.9 ng TV5.
12:37Sumunod naman yan ang GTV.
12:38Nanguna rin ang GMA maging sa Fentam o yung Philippine National TV Audience Measurement People Ratings ng Nielsen, na nagtala ng average ratings na 4.7.
12:50Mga programang kapuso rin ang nanguna sa ratings at nananatini rin number one sa radyo sa Mega Manila ang Super Radio DCWB at Parangay LS.
13:02Nanguna rin ang ilan sa mga local radio stations ng GMA sa mga probinsya, pati ang mga newscast ng GMA Regional TV nanguna sa ratings sa iba't ibang probinsya.
13:13Sa digital space, halos buong 2024, hawak ng GMA ang pagiging highest ranking media company sa Southeast Asia sa Tubular Labs' leaderboard for media and entertainment properties.
13:26Ayon din sa Tubular Labs, nagtala ang mga official accounts ng GMA ng 45.5 billion views sa Facebook, YouTube at TikTok.
13:35Tumaas naman ng 14% ang total subscribers, followers at users ng GMA sa lahat ng digital platforms.
13:45Habang hindi lang sa takilya humakot kundi sa mga parangan ang mga pelikulang ginawa ng GMA Pictures.
13:52Pero dahil sa iba't ibang hamon, bumaba ang consolidated revenues at net income ng GMA noong 2024 para mapanatili ang pangunguna ng GMA, patuloy naman ang mga hakbang sa lalo pang pagpapalakas ng network.
14:07As we go forward, no effort is spared towards achieving our objective of value optimization in the broadcast and digital spaces, keeping a keen eye out to ensure our continued leadership and competitiveness in both.
14:24Ang GMA Network Annual Stockholders Meeting ay dinuluhan din ng Board of Directors ng GMA, na sina GMA Chairman of the Board Atty. Felipe L. Gozon, Chairman of the Executive Committee Joel Jimenez, Executive Vice President Felipe S. Yalong, GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez, Judith Duavit Vasquez, Laura Westfall, at iba pang opisyal ng GMA Network.
14:50Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.