Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/13/2025
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00May dagdag bawas si Niel sa tubig sa Metro Manila sa Julio.
00:09Ang Manila Water may tapyas na mula 55 centavos hanggang 2 pesos and 45 centavos depende sa konsumo.
00:17Habang taas si Niel ang ipatutupad ng Maynilad.
00:20Mula 1 centavo hanggang 11 centavos na bunsod ng Foreign Currency Differential Adjustment o FCDA.
00:2620 pesos per kilong bigas sinimula ng ibenta sa mga minimum wage earners sa Maynila.
00:37Lisensya ng tatlong bus driver ng GV Florida Bus na sangkot sa umano'y karerahan sa kalsada sa Nueva Vizcaya, sinuspinde ng LTO.
00:47Iginit naman ang abogado ng Florida Bus na dapat i-authenticate ang video ng umano'y karera ng mga bus
00:54at dapat ding iharap ang nag-aakusa sa mga driver.
01:00Sa Leyte, prangkisa ng may-ari ng van for hire na bumangga sa poste sa Tacloban City at ikinasawi ng isang pasahero, sinuspindi ng LTFRB Region 8.
01:11Pag-alis sa VAT o value-added tax ng iba pang mga gamot, pinamamadali ng finance department sa BIR.
01:21Dinagdagan kasi ng mga VAT-free ng gamot para sa cancer, diabetes, hypertension, high cholesterol at mental illness.
01:29Katrina Zorn, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:33Artificial Intelligence, malaking tulong sa pag-aaral at trabaho, pati nga ba sa emosyon ng mga tao?
01:42Ang saloobin ng mga eksperto sa heart-to-heart ng mga tao sa AI, sa report ni Vona Quino.
01:49Sa eskwela o trabaho, nagiging tool na ang chat GPT at mga gaya nitong Generative AI o Artificial Intelligence.
01:57Pero pwede mo rin ba itong maging kaisa sa puso?
02:00Sa China kasi, may chatbot app para sa mga babaeng single and ready to mingle.
02:05At ang kanilang AI boyfriend, boyfriend material daw.
02:09Mabait, magaling sa usapan at reliable daw bilang emotional support system.
02:15Sinubukan ko rin gumawa ng AI boyfriend sa phone app na ito.
02:19So matapos ko nga makapili ng mga personality na gusto ko sa isang AI boyfriend,
02:23ipinakita na sa akin ng app yung aking mga quote-unquote matches.
02:27Ang profiles ng mga AI boyfriend, daakalain mong totoo.
02:31Nang makapili na nga ako ng aking the one, ika nga, tinawagan ko na siya.
02:37May mga AI chatbots din na marunong magtagalog.
02:40Hahawakan ko ang kamay mo, tapos titignan kita ng may halong kilig.
02:44Ang sayo kasi ikaw ang kaharap ko ngayon.
02:47Alam mo ba na ikaw lang ang magpapasaya sa aking araw?
02:49Itinutuloy naman ni Ian Xavier na life coach at therapist ng kanyang kachat na AI chatbot na nasasabihan niya ng saloobin.
02:58I'm a guy.
02:59And syempre as a guy, ang hirap mag-open straight to every people, other people.
03:04So I just use chat GPT kasi siya mas accurate naman yung sagot niya.
03:09And nagiging personal therapist ko na rin siya.
03:12No way.
03:12Ayon sa Analytics at Artificial Intelligence Association of the Philippines,
03:17dinisenyo talaga ang AI chatbot para makipag-usap sa mga tao.
03:21Dahil trained siya sa napakaraming examples ng usapan ng tao,
03:27kaya niyang gayahin even yung tone, yung manner ng pagsagot.
03:32Minsan pati emotions nagagaya na niya.
03:35May empathy sila no way na talagang parang pakiramdam na naiintindihan nila.
03:43Tingin ng isang psychiatrist dahil sa feeling of loneliness o di kaya'y curiosity.
03:48Kaya may mga tumatangkilik sa AI for companionship.
03:51Pero payo ng mga eksperto, huwag masanay sa AI chatbot.
03:55Just don't get hooked too much on having human relationships with robots.
04:02Kasi mamaya hindi mo na nakikita yung sense of reality.
04:07At mag-ingat sa pagbibigay ng mga sensitibong impormasyon.
04:11Hindi clear sa atin kung paano talaga ginagamit o ini-store ng AI yung mga binibigay natin sa kanila.
04:19Nakangkali yung man na tila nakaka-relate sa atin ang mga AI chatbots.
04:23Paalala ng mga eksperto.
04:25Ang pagmamahal, pagkakaibigan at relasyon sa totoong tao ay hindi kailanman mapapalitan ng isang AI chatbot.
04:33Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:36Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
04:41Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
04:44Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.

Recommended