Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/10/2025
24 Oras: (Part 3) Sen. Padilla, tila muntik sugurin si Sen. Villanueva na nag-mosyong i-convene ang impeachment court; LWUA, binigyan ng 48 oras ni PBBM para imbestigahan ang kawalan ng tubig-gripo sa school restrooms; Sanya Lopez, emosyonal sa "Sang'gre" mediacon, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinawalang sala ng korte ang drag personality na si Pura Luca Vega sa isa niyang kaso halos dalawang taon,
00:08matapos ang kontrobersyal niyang pagtatanghal sa awiting Ama Nami.
00:13Ipiragpapasalamat niya ni Pura Luca sa kanyang post online.
00:16Nakatutok si Ian Cruz.
00:21Ito ang nag-viral at pinag-usapang performance ng Pinoy drag queen at social media personality
00:27na si Pura Luca Vega noong 2023 na naging dahilan ng kanyang pagkakakulong
00:32matapos umani ng pamabatikos mula sa iba't ibang personalidad at mga grupo.
00:39Pero matapos ang halos dalawang taon, inabswelto ang drag performer.
00:44Base sa dalawampung pahin ng disisyon ni Manila RTC Branch 184 Judge Charina Zamonte Villanueva,
00:52bigo ang prosekusyon na patunayang nilabag ni Pura Luca o Amadeus Fernando Pagente
00:57sa tunay na buhay ang Article 201 ng Revised Penal Code at Anti-Cyber Crime Law
01:02nang mag-perform ito ng nakabises o Kristo at sumayaw sa saliw ng rock version ng Ama Namin.
01:10Bagamat nabigo ang prosekusyon na patunayang nagkasala si Pura Luca,
01:14pinaalalahanan siya ng hwes na maging maingat sa pagpili ng medium o paksa ng kanyang mga pagtatanghal
01:19bilang isang drug artist at isaalang-alang ang lipunang kanyang kinabibilangan.
01:26Hindi raw ito para pigilan ang kanyang karapatan o umayin sa nakararami,
01:30bagkus para ipakita umano ang kanyang malasakit sa komunidad,
01:34lalo na sa konteksto ng social media na madaling i-record, i-upload at ipalaganap.
01:40Ipinababalik din ng korte ang 72,000 pesos na piyansang ibinayad ni Pura Luca para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
01:49Sa isang pahayag na ipinadala sa GMA Integrated News,
01:52sinabi ni Alex Irasga ng Ijos del Nazareno na isa sa mga nagkaso kay Pura Luca,
01:57iginagalang nila ang pasya ng husgado,
02:00pero nananatilian niya ang pag-asa nila na manaigang respeto at malawak na pangunawa
02:05sa mga banal na paniniwala at tradisyon.
02:08Patuloy daw nilang pinagsusumikapan na ipagtanggol ang kawastuhan ng pananalig kay Ijos Nazareno
02:13na dumaan sa paghihirap at ipinako sa Cruz para iligtas ang sandimutan.
02:20Sasangguni raw sila sa kaparean at abogado sa posibleng susunod nilang hakbang.
02:25Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok 24 oras.
02:30Binigyan ni Pangulong Marcos ng 48 oras ang local water utilities
02:35administration para imbestigahan ang kawalan ng tubig gripo sa palikuran ng ilang paaralan.
02:41Nakatutok si Mariz Umali.
02:46Hindi basta-basta ang problema tumambad kay Pangulong Bumbong Marcos
02:50ng inspeksyonin niyang ilang eskwelahan sa Bulacan kahapon.
02:53Isang linggo na lang bago magpasukan pero walang tubig gripo sa ilang palikuran ng mga paaralan.
02:59Ito ay usapin ng kalinisan, ng kalusugan at ng dignidad ng ating mga estudyante.
03:06Paano sila makakapag-aral ng maayos kung ang mismong eskwelahan ay kulang sa batayang serbisyo?
03:13Kaya utos ng Pangulo sa Local Water Utilities Administration o LUWA
03:16Agad magsagawa ng imbestigasyon.
03:19Sino-sino ang may pananagutan? Bakit walang tubig?
03:25At paano ito'y maibabalik bago magbukas ng klase sa susunod na linggo?
03:29May 48 hours ang LUWA para magsumiti ng initial report.
03:34Siniguro rin ang Pangulo na hindi may sasantabi ang kapakanan at pangangailangan ng mga mag-aaral.
03:39Responsibilidad nating tiyakin na may maayos na pasilidad, sapat na suporta para sa mga guro
03:45at sistemang gumagana dahil yan ang pondasyon ng isang ligtas, maayos at efektibong edukasyon.
03:54Sa Quezon City, isa rin sa tinututukan sa brigada-eskwela ang kalusugan ng mga estudyante.
03:59Lalo ngayong balik sa tag-ulan ang pasukan at tumataas na naman ang mga kaso ng dengue.
04:04Siyempre kahit nalinis natin ito, dapat po tuloy-tuloy kasi ang pinagmumulang po ng dengue, stagnant water.
04:10Pinapayagan po silang magpantalon, magsuot na matataas na at mahahabang medyas para po hindi sila directly exposed para po sa anumang uri ng insekto.
04:23Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali, Nakatutok, 24 Horas.
04:27Tinukoy ng PIDEA ang international syndicate na Samgur bilang nasa likod ng bilyon-bilyon pisong halaga ng shabu
04:35na nalambat sa mga dagat sa Luzon.
04:38Nakatutok si June Veneracion.
04:44Sako-sakong silyadong shabu ang naglutangan sa mga dagat na sakop ng Zambales, Pangasinan at Ilocosur nito mga nagdaang araw.
04:51Mahigit isang tunelada na ng shabu ang narecover sa tala ng Philippine Drug Enforcement Agency o PIDEA.
04:57Based on the markings found on the recovered by juice drugs o shabu,
05:03dito makikita na parehas siya dun sa mga nakupuhaw dun sa grupong Samgur.
05:09And ito po ay napuhaw natin base sa mga intelligence reports given by our foreign counterparts.
05:16Sabi ng PIDEA, ang Samgur na siyang nasa likod o bilyong-bilyong pisong drug shipment
05:21ay isang malaking international crime syndicate na may control ng 40-70% ng drug market sa Asia-Pacific.
05:28Samgur is a group operating within the Asia-Pacific region.
05:32Medyo malaki ito and this is an umbrella organization na mayroong iba't-ibang drug groups na connected po rito.
05:39Ang suspecha ng PNP, may mga sako-sako pang shabu na hindi narecover sa dagat.
05:44At posibli umanong inado dito sa iisang shipment na nagkaabirya.
05:48Ang tinitingnan natin dyan is ginagamit pa rin talaga ang Pilipinas bilang transshipment points
05:54at kung babagsak po dito sa atin yan ay i-dedistribute din po yan even outside ng Philippines.
06:00Bilang pasasalamat, binigyan nating isang daang libong piso ng kapetolyo ng bataan.
06:05Ang mga mangisdang nagsuko ng mga natagpuan nilang shabu sa dagat.
06:09May mga sako naman sila ng bigas mula sa PNP.
06:11Sabi ng PNP, may inihahanda na rin pabuya ang mga kapetolyo ng Pangasilan at Ilokosur
06:17sa mga nagsuko rin ng shabu mula naman sa kanila mga probinsya.
06:21Imagine, a small portion lang po nito ay naibaba po sa komunidad.
06:25Napakalaki pong sakit ng ulo po ito sa ating kung ito po ay kumalat po sa ating mga bakabaranggay.
06:31Para sa GMA Integrated News, June Van Arasyon, Nakatutok, 24 Oras.
06:35Pinag-iisipan na rin maglagay ng kamera sa Chino Rosas Avenue para hulihin ang iligal na pumaparada at nagnanegosyo sa mga bangketa.
06:45Sinuyod din nila ang mga pangunahing lansangan para sa clearing operations.
06:50Nakatutok si Oscar Oida.
06:51Napatakbo na lang ang ilang vendors sa May Pedro Hill sa lungsod ng Maynila
06:59nang mamataan ang mga tauha ng MMDA Special Operations Group Strike Force na nag-ooperate sa lugar.
07:06Ang mga vendor kasi sa bangketa na ipinwesto ang kanilang mga paninda.
07:11Bagay na di raw talaga pe pwede ayon sa MMDA.
07:15Mabuhay lay ng naturang kalsada kaya mahalaga ayon sa MMDA na laging matiyak na maluwag itong madadaanan.
07:23Alam naman po natin ang kanto po, ang corner ng mga kalsada.
07:27Unang-una hindi po ito pwede dapat lagyan ng kung ano-ano mga structures.
07:31Hindi po tayo pwedeng magtinda.
07:33Lalong-lala po ito po ay bangketa.
07:34So isa po yan sa mga tinugunan nating complain ngayong umagang ito.
07:38Sa may UN Avenue naman, natikita ng mga rider na nagpaparada sa mga bangketa.
07:43Kung tutuusin, may mga designated parking slots naman sa lugar.
07:48Pero meron pa rin daw talagang nangangahas na basta na lang pumarada kung saan-saan.
07:54Nang muli namang balikan ang Tramo Street sa may Pasay,
07:57ay nabuta ng MMDA ang mga iligal na nakaparada sa two-way na kalsada.
08:03Tuloy, ilang sasakyan ang nahatak.
08:05Ilang sasakyan din ang nato kaninang umaga sa GMA Network Drive.
08:30Pinasadahan din natin kanina ang Chino Ross Extension,
08:34partikular yung boundary ng Makati at Taguig.
08:36At kapansin-pansing nagbalikan na naman ang ilang jeep na nag-i-illegal terminal sa lugar.
08:43Sa may kurbadang bahagi pa nga,
08:45kaabilaan ng kalsada,
08:46pinaradahang muli,
08:48may mga establishmento namang di na umuuko pa sa bangketa.
08:51Pero may ilan namang patuloy pa rin,
08:54gaya ng ilang vulcanizing shop na tila ginawa ng tayyer ang bangketa sa kanilang harapan.
09:12Iniisip tuloy ng operasyon,
09:14baka pwede na rin mag-gamit ang kamera sa panguhuli sa lugar.
09:18Para sa GMA Integrated News,
09:43Oscar Oida Nakatutok, 24 Horas.
09:48Magandang gabi mga kapuso.
09:52Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
09:56Nagliparan ngayon sa social media ang litrato ng paru-paro
09:59na namataan ng isang hiker sa Lake Danao sa Leyte.
10:02Ang kanya raw kasing na videohan isang napakailap na paru-paro sa kanilang bayan.
10:11Habang nagtitrek kamakailan sa Lake Danao sa Ormok City, Leyte,
10:14si na Patrick, bigla daw natikilan sa kanilang naispatan.
10:17Sabi ng kasama ko na, uy, may blue na butterfly.
10:21Isang asul na paru-paro.
10:22Yung wingspan niya is around 5 to 6 inches.
10:26Sa upper wings niya, black pattern with white spots.
10:29Then sa baba, strong blue na color.
10:31At hindi raw pinalagpas ang pagkakataon na malitratuhan.
10:34At ma-videohan ito.
10:35Di lang siya pwedeng masyadong lapitan.
10:37Yung ginawa namin, yung phone ko, zoom ko lang talaga.
10:39Ang kanila kasing nakita, isang napakailap na paru-paro sa kanilang bayan.
10:43Ito ang Lexia Satrapes Ormokana o Ormokana butterfly.
10:46Iconic siya dito sa Ormok.
10:48Sa photos ko lang sa Facebook, nakikita yun.
10:50Iba siya sa actual, mas maganda, mas solemn.
10:53It was amazing na nakita up close.
10:55First time ko nakita ng ganun.
10:57I was happy to share the video sa social media.
11:00I'm proud that Ormok City has that kind of species na sa Ormok lang din makikita.
11:05Pero bakit nga ba may mga hayop, pati na halaman, na endemic o tanging sa iisang lugar lamang nakikita?
11:11Kuya Kim, ano na?
11:12Woo!
11:14May iba't ibang rason kung bakit nagiging endemic ang isang hayop o halaman.
11:19Maari sila ay highly adapted sa niche o environment na yun.
11:21Ang mga hayop ay maaaring kumakain lamang ng isang klase na halaman na doon lamang tumutubo.
11:26O di kaya mga halaman ay maaaring lamang mabuhay o umusbong sa isang partikular na klima o soil type?
11:31Ang mga Ormokana butterfly, na-discovery at endemic lamang sa Ormok City sa Leyte.
11:36Kaya dito hinago ang pangalan nito.
11:37It was discovered by Professor Julian Humalon in 1970 doon sa area ng Ormok.
11:43Ganun yung mga scientist pag nagpapangalan sila ng mga species kung saan nila nakita o kung saan sila galing.
11:50Ang naturong paru-paru, naging simbolo na rin ng Ormok.
11:53Makikita ito sa opisyal na sagisag ng lusod.
11:56Ang sighting kamakailan ng Ormokana butterfly sa Lake Danau,
11:59isa ring magandang sinyalis ng napakayamang kalikasan sa lugar.
12:02It means that yung ekosystem doon sa area ng Lake Danau could be very very good.
12:07Napaka-balance pa niya kaya may nakikitang Ormokana butterfly doon.
12:11Because the presence of these butterflies are indicators of a good thriving ekosystem.
12:17Pero alam niyo ba kung bakit may iba't ibang kulay ang pakpak ng paru-paru?
12:20Ito ang Cetosea biblis or Red Lacewing butterfly.
12:29Isa sa mga paru-paru sa ating bansa na may napakamakulay na pakpak.
12:33Ang makukulay na pakpak ng mga butterfly ay dahil sa presensya ng colored pigment o yung mga kemikal sa kanilang katawan.
12:39At struktura ng mismo nilang mga pakpak.
12:42Nababalod kasi ito ng scales o kaliskis na siya nagre-reflect o nag-iinteract sa liwanag.
12:46Kaya nagiging makintabo iridescent ang mga ito.
12:50Ang mga kulay na ito ginagamit nila bilang camouflage, pandepensa o di kaya'y pang-akit ng kapareha.
12:56Samantala para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita, i-tweet o i-comment lang hashtag Kuya Kim ano na.
13:02Laging tandaan, kimportante ang may alam.
13:04Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24.
13:08Balikan natin ang Senado para sa latest.
13:11Kaugnay ng pinagugulong na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
13:15Gusto ng isang Senador na ibalik ang reklamo sa kamera.
13:18Meron ding tila nanugod ng kapwa Senador.
13:22Nakatutog live si Rafi Tima.
13:24Rafi!
13:28Nagpapatuloy nga imilitong pagdinig ng impeachment court dito sa Senado
13:32at pinag-uusapan pa rin yung motion para i-dismiss ang kaso laban kay Vice President Sara Duterte.
13:38Bago makonbin ang Senado bilang impeachment court ay uminit nga ang eksena sa plenaryo matapos tila muntik sugurin ni Senador Robin Padilla,
13:48ang kapos Senador na si Joel Villanueva.
13:51Si Villanueva ang nagpanukala na agad nang i-convene ang Senado bilang impeachment court
14:06para mapag-usapan ng motion to dismiss ni Senador Bato de la Rosa.
14:10Ayon kay Senador Padilla, ang usapan ay bukas pa i-convene ang Senado bilang impeachment court.
14:15Matapos ay ibang mag-relax dito na uminit ang ulo ni Senador Padilla
14:18pero matapos mag-rule sa Sen. President Chise Scudero na marapat na i-convene ang Senado bilang impeachment court,
14:24ay agad ding namang kinamayan ni Padilla si Villanueva at makikitang nagyakap ang dalawa.
14:30Matapos namang makapanumpan ng mga Sen. Judge, kapuna-puna na ilan sa mga Senador
14:34ang hindi nakasuot ng robes ng impeachment judge.
14:37Yan ay sina Senador Padilla, Senador Cynthia Villar at Senador Aimee Marcos.
14:42Ito ay matapos manumpa sila with reservations.
14:45Sa ngayon nga, pinag-uusapan ang mosyon ni Sen. Bato de la Rosa
14:48na i-dismiss ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
14:52May question daw kasi ito ng horisdiksyon.
14:55Ang naunang mosyon ni de la Rosa sinagundahan ni Senador Bongco
14:57at sinabing ibalik muna ito sa mababang kapulungan ng Kongreso dahil sa mga kwestiyong legal.
15:03Ang isa pang kaalyado ng mga Duterte na si Senador Padilla
15:05sumangayon sa motion for dismissal dahil marami para mas mahalagang panukalang batas na kailangang pag-usapan.
15:11Kaka-resume lang, Emil, nitong pagdinig matapos ang medyo mahaba-habang suspicion
15:15at ngayon nga ay isa-isang nagbibigay ng kanilang mga opinion yung mga Sen. Judges.
15:19Ang aabangan natin ngayon ay kung matutugunan ba yung mosyon ngayong gabi.
15:24Yan ang latest mula dito sa Senado.
15:26Emil?
15:27Maraming salamat, Rafi Tiba.
15:29Isang patay habang sampu ang sugatan nang sumalpok ang sinasakyan nilang van sa isang poste sa Tacloban City.
15:38Nakatutok si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
15:41Animo'y nayuping lata ang van na ito na bumangga sa poste ng kuryente sa kahabaan ng San Jose National Highway sa Tacloban City.
15:54Basag ang bintana sa likod kung saan lumusot ang isa sa mga sakay.
15:58Nakahandusay din sa kalsada ang iba.
16:00Sa basang kalsada, mababakas ang tagas ng dugo mula sa mga pasaherong na ipit sa loob.
16:08Ayon sa Tacloban City Police Office, labing isa ang sakay ng van na papunta sa airport.
16:14Isa ang naitalang dead on the spot habang iba pang sakay kabilang ng driver dinala sa ospital matapos magtamo ng injury.
16:22Yung makikita na namin natin sa video ng mga tao na dumanaan doon, mga severely injured yung mga pasahero.
16:34Ayon sa pulisya, posibli umanong madulas ang kalsada noong mangyari ang aksidente.
16:40Pero kanina yung oras ng pagka-aksidente dito sa Tacloban ay malakas yung ulan kanina.
16:49So initially, yun ang siguro sa lakas ng ulan, nag-slide yung sakyan.
16:56Kinumpirma naman ang management na isang van tours na sa kanila ang nadisgrasyang van na nanggaling umano sa Ormoc City.
17:04Ayon pa sa pamunuan, wala umanong nakitang problema sa van maging sa driver nito.
17:11Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga pasahero.
17:14Inaalam din kung bakit rutang pa-airport ang dinaana ng van, gayong hindi naman daw ito ang orihinal na ruta.
17:23Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Nico Sereno, nakatutok 24 oras.
17:30Magkakaalaman na bukas kung may magkakamit ng kampiyonato o may makakabawing kopunan sa Game 2 ng NCAA Season 100 Men and Women's Volleyball Finals.
17:42Nakatutok si Martin Abier.
17:44End or Extend? Yan ang sasagutin sa Game 2 ng NCAA Season 100 Volleyball Finals.
17:56Sa Men's Division, may chance ang umukit ng kasaysayan ang Arellano Chiefs at makuha na ang una nilang kampiyonato kung maipanalo ang Game 2.
18:05Ipilitin namin na tapusin na ng Game 2 kasi mahirap kalaban yung Letran.
18:12Sabik na sabik po kami kasi first championship po ata ng Arellano pag nakuha namin sa Wednesday.
18:17Pero mahahad lang nyan kung makabawi ang Letran Knights.
18:21Gaya ng target nila ayon sa kanilang spiker na si Bemben Bautista.
18:25Sa mga nasuporta, pasensya na po.
18:27Isigurado ko sa inyo na sa Game 2, mananalo kami.
18:32Makikita nyo yung mas masayang team namin.
18:36Sa Women's Division, ready nang kumpletuhin ng Benyield Lady Blazers ang inaasam na 4-peat.
18:43Nakuha nila ang Game 1 sa loob ng 4 sets.
18:47Kahit pa hindi naging madali dahil sa tindi ng bakbakan kontra Letran Lady Knights.
18:53Nag-adjust-adjust lang kami hanggang makuha namin yung momentum and yun nga, nakuha namin yung Finals Game 1 today.
18:59We know naman na babawi rin yung Letran and siguro mas natapangan namin.
19:06Kailangan yan dahil ready nang bumawi sa Game 2 ang Letran sa laban nila bukas, June 11, sa Phil Oil Center sa San Juan City.
19:14Mag-focus lang din sa sistem na pinapagbasa amin ng mocha.
19:18Mapapanood live ang mga Game 2 ng men's at women's sa Heart of Asia.
19:22At may live stream din sa social media accounts ng NCAA Philippines at GMA Sports PH.
19:28Mapapanood din ang presentation ng individual awards pagkatapos ng men's game.
19:33At bago magsimula ang bakbakan sa women's division via live stream.
19:37Para sa GMA Integrated News, ako si Martina Vier, nakatutok 24 oras.
19:48Ivo, libe, Encantadia!
19:50Narito ako ngayon sa loob ng kaharian ng Lireo kung saan makikita ang upuan ng hara ng Encantadia na minsang hinawakan ni Amihan.
20:00At sumunod sa kanya si Danaya, Sania Lopez na proud na maging bahagi ng biggest telefantasyon ng GMA.
20:06Anim na araw na lang, masisilayan na raw ng Encantadix ang level up na production, wardrobe at CGI effects sa Encantadia Chronicles Sangre.
20:17Makitsika kay Nelson Canlas.
20:22Maraming salamat po kasi kung hindi dahil sa Encantadia, baka wala po ako dito.
20:27Pero yan na kasi pasyong niya.
20:36Nagawa pang magbiro sa gitna ng pagiging emosyonal ni Sania Lopez sa grand media ko ng Encantadia Chronicles Sangre nitong linggo.
20:44Punura ng pasasalamat si Sania na naging bahagi siya ng biggest telefantasyon.
20:49At gagampanan ang iconic role ni Danaya, ang tagapangalaga ng brilyante ng lupa.
20:56Ngayong ipapasa na niya ang pangangalaga nito sa anak na si Tera.
21:00Mensahe ni Sania kay Bianca Umali, Kelvin Miranda, Angel Guardian at Peeta Silva ang New Gen Sangre.
21:08Dahil nasa inyo na ang mga brilyante, kayo naman magpatuloy na magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan at sa iba pang mga kababayan.
21:17Ivo Libre Encantadia!
21:23Excited na rao si Sania para sa Encantadix dahil simula sa lunes June 16, pina level up na production, wardrobe at CGI effects ang mapapanood.
21:35Nakakatindig balahibo. Hindi siya simple. Siyempre, totoo yun, dugot-pawis yung binigay ng bawat isa doon.
21:43Hindi lang sa mga artista, kundi yung buong production, yung buong team na gumawa ng mga CGI, lahat ng mga effects namin.
21:51And ang ganda, makikita mo, ibang level na talaga. Iba naman ang ibibigay sa ating ngayon 2025 ng Sangre.
21:58Sa ngayon, sa mga gustong mag-alas Sangre, masusubukan sa TikTok ang Encantadix filter.
22:06Sinubukan ito ng dating tagapangalaga ng brilyante ng hangin na si Amihan Kylie Padilla.
22:12Eh si Sania kaya?
22:14Actually, yes. Pero hindi ko pa inilalabas dahil suot ko na ang aking costume doon. Sa abangan nyo, guys.
22:21Bukod sa Encantadix Chronicle Sangre, marami pa raw dapat abangan kay Sania.
22:26Kakatapos ko lang gumawa ng pelikula. Actually, mga pelikula, dalawa na po yung natapos ko. Dalawa rin yung aabangan ninyo, bukod dito sa Sangre.
22:38Hindi rin daw niya malilimutan ang mag-give back sa kanyang fans, ang Sania Warriors.
22:44Maraming salamat dahil siyem na taon na tayo.
22:47Before then, nagawa na namin yung shooting naman. Shooting naman sa amin, as in gun.
22:52And then this time, sabi ko archery, since malapit na ulit ang Encantadia, makikita natin dito na meron ng gumagambit ng archery, which is played by Deya, si Angel Guardian.
23:07So ako naman, sabi ko, why introduce natin yung archery sa mga Sania Warriors?
23:12Kasi it's fun din naman activities. And baka maging hobby din nila.
23:16Pero kahit busy sa kanyang karyer, may time ba ang ating hot Maria Clara to look for Chris Sostomo Ibarra?
23:24Lalo trending muli ngayon ang kanta ni Sania na nirelease noong pang-2022.
23:30Kapag gusto naman talaga natin, we have time. Yes, may time naman.
23:34Nelson Canlas updated sa Showbiz Happenings.
23:40And that's my chika this Tuesday night. Ako po si Ia Adaliano. Miss Pia, Emile.
23:46Thank you, Ia. Salamat, Ia.
23:48At yan, ang mga balita ngayong Martes. Ako po si Emile Sumangil para sa mas malaking misyon.
23:54Para sa mas malawa na paglilingkod sa bayan. Ako po si Pia Arcangel.
23:58Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino. Nakatuto kami, 24 Horas.
24:04Mula sa GMA Integrated News.
24:22Mula sa GMA Integrated News.

Recommended