Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/8/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magana hapon po, ramdam pa rin sa iba't ibang bahagi ng bansa ang epekto ng masamang panahon.
00:08At kabilang sa mga pinerwisyo ng matidim pagbaha, ang Bulacan.
00:15Gumaragas ang baha ang naranasan sa ilang bahagi ng San Jose del Monte, Bulacan.
00:19Bunsot po yan ng malakas na pagulan itong weekend.
00:22At sa ilang lugar, umabot pa hanggang dibdib ang baha.
00:26Kasama sa mga inanod ng baha, ang sandamakmak na basura.
00:30Ang iba pang detalye na balitang yan at update sa lagay ng panahon, yahatid namin maya-maya lang.
00:39Nakaranas po ng biglang buhos ng ulan kagabi sa Metro Manila at ibang probinsya.
00:46Gaya po sa Ross Boulevard kung saan nagkaroon ng pagbaha.
00:50Bagya namang sumikip ang daloy ng trapiko sa Quezon City na inulan din kagabi.
00:55Dahil sa walang tingil na ulan, tumaasama ng tubig sa isang ilog sa Zamboanga City.
01:01Halos umabot na ang tubig sa kalsada at mga bahay kahapon.
01:04Lagpas na ang baha sa isang pang barangay.
01:07Ayon sa isang opisyal na barangay, mahigit sampung pamilya ang inilikas.
01:12Patuloy ang rescue operation ng otoridad habang itinaas na sa blue alert status ang Zamboanga City.
01:20Nalunod naman ang isang lalaki habang naliligo sa dagat sa gitna ng masamang panahon.
01:24At sa gitna pa rin ang masamang panahon, kabi-kabilang desgrasya ang naitala sa iba-tabang bahagi ng bansa.
01:34Sa Ormoc City, isang rider ang patay sa salpukan ng dalawang motorsiklo.
01:38Yan at iba pa sa pagtutok ni Chino Gaston.
01:41Nasawi at tumalsik sa puno ng nyog ang isang rider na 22 anyos nang makabanggaan ang isa pang motorsiklo sa Ormoc City kaninang umaga.
01:54Batay sa investigasyon ng mga otoridad, pasuray-suray ang motor ng biktima nang pumasok sa lane ng kasalubong na motorsiklo.
02:02Sugatan ang rider nito.
02:03Nagkalat sa gilid ng kalsada ng Diady Nueva Vizcaya ang mga school supplies na kargan nitong na-disgrasyang truck.
02:13Base sa investigasyon, hindi raw gumana ang preno ng truck.
02:17Kaya sumalpok ito sa puno at bumaligtad sa gilid ng kalsada.
02:21Dinala sa ospital ang sugatang driver at pahinante.
02:23Buti tumama sa gutter.
02:27Sa pagbilaw-quezon, nahulog sa kalsada at bangin ang mga kargang melon ng isang tumagilid na delivery truck.
02:34Ayod sa pulisya, hindi umanot na control ng driver ang manibela dahil sa dulas ng kalsada, bunsod ng ulan.
02:42Ulan din ang dahilan ng karambola ng tatlong sasakyan sa atimo ng Quezon.
02:45Ayod sa pulisya, nang huminto ang isang van para iwasan ang lubak sa kalsada, bumangga sa likod nito ang isang pickup truck na nabunggo naman sa likod ng pampasaherong bus.
02:57Walang naiulat na sugatan.
02:59Nakatakdang magharap sa tanggapan ng pulisya ang mga sangkot na driver na wala pang mga pahayag.
03:06Sa mabinay Negros Oriental, UP ang tatlong kotseng nagkarambola dahil sa isang truck na may gargang waste material ng tubo o sugar cane.
03:14Base sa investigasyon, nakahinto ang tatlong kotse habang naghihintay na makadaan sa one-way lane dahil sa ginagawang kalsada.
03:23Sinubukan daw ng truck na huminto pero dahil sa madulas na kalsada, dumausdos ito hanggang sa bumangga sa kasunod na kotse.
03:30Walang naiulat na sugatan, sumuko sa pulisya ang truck driver.
03:36Nadisgrasya naman ang tatlong bus at isang SUV sa San Enrique Negros Occidental.
03:41Ayon sa pulisya, lula ng tatlong bus ang mga estudyanteng papunta sa retreat sa Silay City.
03:48Nag-overtake umano ang pangatlong bus pero nawala ng kontrol sa manibela ang driver dahil sa ulan at dulas ng daan.
03:55Kaya bumangga ito sa SUV at dalawang naunang bus.
03:59Sugatan ang apat na estudyante sa umu-overtake na bus.
04:03Sugatan din at nasa mabuting kalagayan na ang driver ng pangalawang bus.
04:06Ang driver ng nakadisgrasya bus, nasa kustudiya ng pulisya at nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple injuries and damage to property.
04:17Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katuto? 24 oras.
04:22Sa ibang balita, sumansad ang isang Chinese fishing militia vessel, ilang kilometro ang layo mula sa pag-asa island.
04:30Ang AFP hindi masabi kung sadya itong isinadsad doon o dahil masamasamang panahon.
04:35Nagbabalik si Chino Gaston.
04:41Nitong Sabado, sa gitna ng masamang panahon, namataan ng mga manging isda sa pag-asa island.
04:47Ang fishing vessel na ito, na sumadsad sa mga bahura, wala pang dalawang kilometro mula silangan ng pag-asa island.
04:54Ayon sa Kalayaan Island LGU, low tide noong sumadsad ang barko na sa kanilang pagkakakakilala ay bahagi ng Chinese fishing militia.
05:02Da kung alas 5.30 ng hapon, natanggal din daw ang barko ng hatakin ng dalawang kasamahang fishing vessel.
05:09May mga naiwan pa nga doon na parang total buoy or total anchor na pinatawag nila.
05:15Hindi rin nila magpuntahan ngayon doon nung malakas doon yung alam.
05:17May humilang dalawa na Chinese fishing militia rin.
05:23Tapos ang ano nila ay patrash. Patrash yung hila nila nung nabahurang barko.
05:30Kinumpirma ng Naval Task Force 42 ng AFP ang pagkakasadsad ng barko sa eastern reefs ng pag-asa island.
05:37Hindi masabi ng AFP kung ang Chinese ship ay sumadsad dahil sa masamang panahon o sadyang isinadsad.
05:43Ang residente na si Larry Hugo, ang isa sa mga nag-report tungkol sa Chinese vessel.
05:47Ang picture nito ay kanyang ipinost sa kanyang social media page.
05:51Pangamba niya, baka ginagaya raw ng mga Chino ang sadyang pagkakasadsad ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
05:58Rumisponder rin daw ang PCG sa pag-asa para makumpirma ang ulat mula sa mga residente at kung posibleng tulungan sana ang Chinese ship.
06:08Na-report din po yan ng mga local fisher po sa authorities.
06:13So eventually may naging actions po ang ating poster which is nag-deploy po sila ng course para i-check.
06:24Nag-inspeksyon naman kahapon sa Balabak-Palawan si Defense Secretary Gilbert Teodoro para sa planong pagtatayo roon ng Air Base at Naval Station.
06:33Recognized international sea lane dito.
06:36So minsan dumadaan talaga dito ang mga Chinese vessels.
06:39At ito, pag hindi na dama or hindi nagkaroon ng presence dito, napakadali na abusuhin ng foreign influence and other inappropriate and illegal activities dito.
06:58Isa ang balabak sa mga lokasyon para sa EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement ng Pilipinas at Amerika
07:04kung saan bibigyan ng akses ang mga Amerikano sa mga base militar sa Pilipinas para sa pagsasanay at sa humanitarian and disaster relief effort.
07:14Ang reciprocal access agreement naman sa pagitan ng Japan at Pilipinas, lusot na sa National Diet o Parliament ng Japan.
07:21Sa ilalim ng RAA, papayagan ang pagpapadala ng mga sundalong Japon sa Pilipinas at mga sundalong Pilipino sa Japan para sa Joint Military Drills.
07:31Naunang naaprubahan ng ating Senado noong Disyembre ang RAA na katulad ng VFA o Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at Amerika.
07:40Kabilang amang ito sa mga hakbang para protektahan ang ating soberenya sa gitna ng mga banta sa ating teritoryo lalo sa West Philippine Sea.
07:47Sabi ni PCG Commodore at Spokesperson for the West Philippine Sea, J. Tariela, ipagpapatuloy ng mga susunod na administrasyon ang kasalukuyang paninindigan sa paglaban sa ating teritoryo.
08:00Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok 24 oras?
08:06Sa Baco or Cavite, may mga residenteng nasunugan pa sa gitna ng mga pagulang.
08:11Aabot po sa 200 pamilya ang nawala ng tirahan.
08:15Nakatutok si EJ Gomez.
08:17Sa gitna ng malakas na ulan, binulabog ng nagnangalit na apoy ang mga residente ng barangay Talabatres, Mako or Cavite, pasado alas 11 kagabi.
08:31Mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa ikalawang alarma.
08:35Ibig sabihin, hindi bababa sa walong firetrucks ang kailangang rumispunde.
08:39Kanya-kanyang silong mula sa buhos ng ulan ang mga nasunugan.
08:43May ilan, sa jeep nagsitakbuhan bitmit ang ilang naisalbang gamit.
08:47Ang iba naman, sa barangay hall nagkumpulan.
08:50Kahit gamit, wala na po. Basta malagay po yung mga bata.
08:53Gaano po ba sa bata ito?
08:55Two months po.
08:56Kahit ang lakas ng apo ng ulan, talagang sumugid kami sa ulan.
09:01Makaliktas lang.
09:03Ilang residente ang nahirapan huminga sa kapal ng usok at nagtamo ng mga sugat.
09:08Nagpubuhos lang po kami, tapos bigla akong nasabugan. Masakit lang po, tas ito lang.
09:13Kwento ng isang residente, isang babae sa kalapit bahay daw nila ang nagsabing sa kanyang tirahan nagsimula ang apoy, na dulot ng sinindihang kandila.
09:22Wala po sa isip niya, nagigib daw po siya ng tubig. Kaya pagbalik daw po niya, lumakas na po yung apoy.
09:28Ayon sa barangay, hindi bababa sa 75 amanasunog na bahay na karamihay gawa sa light materials.
09:35Dalawandaang pamilya raw ang nawala ng tirahan.
09:37Talaga naman medyo masikip, kaya medyo nahirapan. Doon na lang po na pinapasok sa ginagawang kondo.
09:43Yung lahat ng bumbero po, para po maapula yung apoy doon sa zone 6 po.
09:49Mag-aalauna kanina nang tuluyang naapula ang sunog. Inaalam pa ng BFP ang kabuang halaga ng pinsalang dulot nito.
09:56Sa mga capsule tent, nagpalipas ng gabi ang mga apektadong residente.
10:00Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
10:08Naging makulay ang pagpapailaw ng Jones Bridge sa Maynila kagabi, kung saan ipinagdiwang din ang limang dekada ugnayan ng Pilipinas at China.
10:17Nakatutok si JB Santos.
10:18Sa kabila ng masamang panahon, naging makulay at magarbo ang pagpapailaw ng Jones Bridge sa Maynila.
10:30Pinangunahan ito ni na Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos.
10:35Sinaksihan din ito ni Chinese Ambassador Wong Silian, Manila LGU, ilang kinatawan ng Filipino-Chinese community at iba pang grupo.
10:43Ayon sa Pangulo, marami siyang magagandang ala-ala sa Binondo, tulad ng mga Chinese foods and delicacies.
10:50Ang lighting ceremony ng tulay ay bahagi ng ikalimampung anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng Pilipinas.
11:20Kaya binigyang diin ng Pangulo ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China.
11:34Sabi naman ni Chinese Ambassador, sana raw kooperasyon, imbis na alita ng mas mapalalim pa ng dalawang bansa.
11:41Half a century ago, the leaders of our two countries sized up the situation and made the strategic and audacious decision to establish our diplomatic relations.
11:58We have every reason to revisit the original vision of our forefathers and follow the heartfelt wishes of our two peoples to seek cooperation instead of confrontation, dialogue instead of conflicts.
12:19China and the Philippines are close neighbors that cannot be, cannot move apart.
12:27Ang pagpapailaw sa Jones Bridge ay inisyatibo ng gobyerno at private sectors.
12:32Bahagi rin ito ng Pasig Bigyang Buhay Muli o PBBM program na layong pasiglahin ng turismo sa paligid ng Ilog Pasig.
12:41Inaasahan daw nilang darayuhin ang lingguhang lights and sound show sa Jones Bridge.
12:46Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos, nakatutok 24 oras.

Recommended