Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/7/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sold under the hammer, ang mga obra at naging gamit ng mga bayani sa idinaos na auction.
00:06Kabilang sa mga yan, ang kopya ng Malolos Constitution at mamahaling painting na ipininta sa tulong ng itlog.
00:12Nakatotok si Nicuahe.
00:16Ang mga painting ng pinakaunang national artist sa bansa na si Fernando Amorzolo.
00:22Pati makasaysayang gamit noon ng ating mga bayani.
00:26Kabilang sa mahigit sandaan at anim na pong obra at koleksyon na isinubasta sa Makati City.
00:32Mayroon tayo ngayon, maraming tayong mga historical artifacts galing sa koleksyon ni Dr. Ambeto Campo.
00:40Marami talaga tayong mga collectors.
00:42So, magkaiba yung classification ng mga namimili natin.
00:46Ang Burning of Manila ni Amorzolo, itinuturing na isa sa pinakamalaking obra niyang ibibenta sa merkado.
00:52Mula sa starting bid na 18 million pesos, naisubasta ito ng 30 million pesos.
00:59Tampok sa obra ang tagko ng pagkawasak ng lungsod ng Maynila ng bombahin noong New Year's Day taong 1942, kasagsagan ng World War II.
01:08Isa sa mga pinagagawan sa actual auction ang 1950 artwork ni Amorzolo na Harvest Winnowing Rice.
01:15Mula sa starting bid ng 6 million pesos, naisubasta ito ng 8.5 million pesos.
01:23Pinakamahal namang in auction ang water carriers o taga-aigib painting ni Anita Magsaysayho na ginamitan ng itlog sa pagpinta.
01:30Ito yung third egg tempera na ginagawa niya.
01:35So, egg tempera ang pinaka-rare sa mga gawa niya.
01:39Probably mga less than 20 yung mga pieces ng egg tempera.
01:4420 million pesos ang starting bid nito, naisubasta yan ng 50 million pesos.
01:51Kabilang din sa mga in-auksyon ng ilang gamit ng mga bayani.
01:55Gaya ng silver belt ni Juan Luna at silver krill o pluma ni Emilio Jacinto.
02:01Isa sa mga isasama sa auction ngayon dito sa Leon Gallery ay ang booklet na ito.
02:06So, pagamat maliit, makasaysayan itong booklet nito.
02:10Ito lang naman yung isa sa dalawang kopya ng Malolos Constitution o yung konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas.
02:18Ang may-ari na ito ay ang historia na si Dr. Ambet Ocampo.
02:23Nagkakahalaga lang naman ito ng 100,000 pesos.
02:26So, yung starting bid niya ay 100,000 pesos.
02:30At kapag ikaw ang nakakuha, kasama sa lot na ito ay ang litrato ng Unang Pangulo ng Pilipinas na si General Emilio Aguinaldo.
02:39Ang 100,000 pesos na starting bid sa Malolos Constitution na bili ng 2.2 million pesos ni Sen. Loren Legarda
02:48na ang lolo raw na si Ariston Gelia ay isa sa signatories ng Malolos Constitution.
02:54Para sa GMA Integrated News, ni Kuahe, nakatutok, 24 oras.
03:09For more information, visit www.fema.org.

Recommended