Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/8/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Arestado ang isang lalaki na umano'y nagbebenta online ng ATM card na in-issue ng mga dati niyang trawako.
00:08Kapalit ng 4,000 piso, may kasama pang registered SIM card ang nilalakoy niyang ATM card.
00:13Nakatutok si Bea Pinla.
00:18Sa unang tingin, tila normal na nag-uusap ang dalawang lalaki nito sa West Grace Park, Kaloocan.
00:24Pero ang lalaki palang nakaitim na t-shirt, nagbebenta pala ng ATM card sa polis na nagpapanggap na buyer.
00:32Maya-maya, lumapit na ang backup na tropa galing PNP Anti-Cyber Crime Group.
00:38Tinabi nila sa gilid ang suspect na patangu-tangu na lang habang hinuhuli at binabasahan siya ng kanyang karapatan.
00:45Ayon sa polis siya, package pa ang alok ng suspect sa social media.
00:49Sa halagang 4,000 pesos, may ATM card na, may kasama pang mobile banking account at registered SIM card.
00:58Yung binibenta niya pong mga accounts ay mismong payroll account niya dati sa mga former jobs niya.
01:04So yung dalawang ATM cards na po na yun ay hindi po na-close ng former company niya.
01:10And since kailangan niya po ng pera sa pag-apply sa bagong job,
01:13pagkaya po naisipan niyang ibenta po ito ka, kasabay na po yung mobile banking account and yung e-wallet.
01:20Babala ng polis siya, delikado ang pagbebenta ng mga ito.
01:25Ito po ay maaaring mapunta sa mga scammers or sa cybercriminals na kung saan maaari din nilang gamitin sa mga illegal online activities.
01:34Once na po, pag na-establish po na under po sa inyo yung mga accounts na ito or yung pag-registered ng SIM card po,
01:42ay maaaring kayo po ang managot sa batas.
01:46Aminado sa krimen ang suspect.
01:48Hindi na po kasi siya kinukuha so parang nagiging savings account pa lang po.
01:53Naisipan ko lang talaga siya yung benta kasi nagipit talaga ako ma'am.
01:56Mahaharap ang suspect sa reklamong paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act at Cybercrime Prevention Act.
02:04Para sa GMA Integrated News, Beya Pinlak, nakatutok 24 oras.
02:11Ang magiging lagay ng panahon sa mga susunod na araw, lalo't may binabantay ang low pressure area,
02:17alamin natin mula kay Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
02:22Amor.
02:22Salamat, Ivan. Mga kapuso, patuloy pong pinalalakas ng low pressure area yung hanging habagat
02:29habang patuloy po itong kumikilos papalapit sa ating bansa.
02:34Huling nakita ng pag-asa, ito pong low pressure area sa line 215 kilometers silangan po ng Balera Aurora.
02:42Ayon po sa pag-asa, posible po itong mag-landfall o kaya naman po ay mag-cross
02:46o tumawid po dito sa may Central Luzon ngayong gabi o kaya naman ay bukas.
02:51Pagkatapos po nitong dumaan dito sa kalupaan at mapunta na po ulit dito sa dagat o dito sa may West Philippine Sea,
02:58saka na po ito posibleng lumakas at mamuo bilang isang ganap na bagyo.
03:02Pero depende pa rin po yan at pwede pang magkaroon ng mga pagbabago sa mga susunod na oras at sa mga susunod na araw.
03:09Samantala, patuloy po nitong palalakasin yung hanging habagat o yung Southwest Monsoon,
03:14kaya po maging handa pa rin ang ilang bahagi po ng ating bansa sa mga posibleng pag-ulan na dadalhin po nito.
03:21Base po sa datos ng Metro Weather, inaasahan po natin ngayong gabi, meron pa rin mga pag-ulan.
03:26Dito po yan sa ilang bahagi ng Pilipinas, kasama po dyan ang ilang lugar dito sa Northern at Central Luzon,
03:32ganyan din dito sa ilang bahagi po ng Southern Luzon.
03:35Meron din mga kalat-kalat na ulan dito po yan sa ilang bahagi ng Visayas at ng Mindanao.
03:41Bukas ng umaga, yung po na inaasahan po natin araw po ng lunes dito po sa bahagi ng Luzon,
03:46halos ganyan din po ang inaasahan nating lagay ng panahon.
03:49Pero pagsapit po ng hapon at gabi, mas mataas na po ang chance ng mga pag-ulan
03:54at meron mga malalakas na buhos dito po yan sa ilang bahagi ng Northern Luzon, Central Luzon,
04:00na Mimaropa at pati na rin po dito sa ilang bahagi ng Calabarzon at ng Bicol Region.
04:05Maging alerto pa rin po sa landslide o mga pagbahagaya po ng naranasan sa Bulacan.
04:11Epekto po yan ang habagat na pinalakas nitong low-pressure area
04:14na patuloy pong kumikilos sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
04:19Posible pa rin po ang mga pag-ulan sa Visayas, lalong-lalo na dito sa western portions,
04:24kasama po ang Negros Island Region.
04:26Sa Mindanao naman, maaliwalas at halos wala pong ulan sa umaga.
04:30Ito po yan.
04:31Pero bandang hapon, may chance na po ng mga kalat-kalat na pag-ulan
04:34kaya dobi-ingat pa rin po ang mga residente.
04:37Sa mga taga-Metro Manila naman,
04:39ngayong gabi po, posible pa rin po yung mga kalat-kalat na pag-ulan sa ilang lungsod.
04:44Mataas din po ang chance ng ulan bukas,
04:46lalo na po yan pagsapit ng hapon at ganun din po pagsapit ng gabi.
04:50Pero mga kapuso, gaya po ngayong araw, meron po tayong mga break
04:54o yung pong pagkakataon na mawawala po yung mga pag-ulan,
04:57kakalma po yung panahon,
04:59pero pagkalipas po ng ilang oras,
05:01ay maaari na namang bunguhos yung mga pag-ulan.
05:04Patulo rin po umantabay sa updates dahil bukod po dito sa low-pressure area
05:08at ganun din sa habagat,
05:10may iba pang mga kumpol na mga ulap na minomonitor ang pag-asa.
05:14At yan po ang latest sa lagay ng ating panahon.
05:17Ako po si Amor La Rosa.
05:18Para sa GMA Integrated News Weather Center,
05:21maasahan anuman ang panahon.
05:25Wagi sa Game 1 ng NCAA Season 100 Men's Volleyball Finals,
05:30ang Arellano Chiefs.
05:32Naka-three sets po sila,
05:34kontra sa isang set lang na naipanalo ng Letran Knights.
05:38One win away na rin ang Benilde Lady Blazers
05:41na nanalo sa Game 1 ng NCAA Season 100 Women's Volleyball Finals.
05:47Nanguna sila sa three sets,
05:50kaya wagi sila sa score na 3-1
05:52kontra Letran, Lady Knights.
05:55Magagana po ang Game 2 ng Men's and Women's Volleyball Finals
05:58sa June 11.
06:11part on important.
06:16plat economy
06:19match
06:20agaco
06:20play
06:21play
06:22play
06:23se
06:24pan
06:24play
06:25play
06:25play
06:26play
06:26play
06:28play
06:28play
06:29play
06:29play
06:30lag
06:31backup
06:36play
06:38play

Recommended