Mula sa mga news personality, hanggang sa mga artista, walang kawala sa fake news na ginagamitan ng deepfake. Ang isa sa mga nabiktima--- si Michael V. na ginamit ang mukha sa pag-eendorso ng isang produkto kahit hindi naman talaga niya ginawa. Payo ng eksperto, maging mapanuri at magduda para hindi mabiktima.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Mula sa mga news personality hanggang sa mga artista, walang kawala sa fake news na ginagamitan ng deep fake.
00:09Ang isa sa mga biktima, Michael V, na ginamit ang muka sa pag-endorso ng isang produkto na hindi naman niya talaga ginawa.
00:18Payo ng eksperto, maging mapanuri at magduda para hindi mabiktima.
00:24Nakatutok si Rafi Tima.
00:25Ang video ito peke at gawalan ng artificial intelligence o AI sa pamamagitan ng deep fake.
00:35Babalamismo ni kapuso comedy genius Michael V, hindi niya iniendorso ang produktong binabanggit sa advertisement.
00:40Siyempre, alarm ka agad ako. Tsaka alam ko kasi maraming mga netizens, maraming mga mahilig sa social media na baka maapektuhan in a negative way, baka maniwala.
00:51Kaya agad gumawa ng vlog ang comedy genius para pasinwalingan ang kumakalat na video.
00:56Inireport na rin daw niya ang nagpost at blinak ito sa kanyang mga social media pages.
01:00Titignan natin kung ano ang gagawin niya. Kasi pagka-persistent siya, pagka gumawa pa siya ng aksyon at inulit niya, mukhang gagawa na namin ng legal aksyon.
01:11Sa deep fake, pinag-aaralan ng AI ang itsura at tono ng pagsasalita ng isang tao para maghaya ito ng tila totoo.
01:18Ayon sa isang technologist, mas nagiging mahirap na nga daw malaman ang deep fake sa totoong video.
01:24Kaya mga social media users, dapat laging tamang duda.
01:27Pinakamainam pa rin daw na pag-aralan ang mensahe ng video.
01:30Tugma ba ito sa personalidad ng nagsasalita?
01:33At kung personalidad ang nasa video, makikita ba sa ibang platforms tulad ng television at radio ang kaparehong endorsement?
01:39Kung nanonood ka lang, nagbabrowse ka, tapos tinitingnan mo, kung hindi mo naman ine-expect na deep fake siya, hindi mo agad susurihin yung isang video.
01:49Kaya mahirap malaman kung siya ba talaga ay deep fake video or hindi.
01:54Tapos ngayon, kung tingnan mo, ay parang may kakaiba.
01:59Fake din ang mga video ito na ginamit sina 24 Horas Anchors, Mel Tiyanko at Vicky Morales,
02:04para magmukhang nag-i-endorso ng mga investment, kasama ang ilang malalaking pangalan sa pagnenegosyo.
02:10Ang kapuso anchor at reporter na si Maris Umali, ginawan din ng deep fake at pinagmukhang may ibinabalita tungkol sa isang produkto.
02:18Ang doktor na ginamit sa deep fake video, nagsampanan ng reklamo sa NBI laban sa mga nagpapakalat nito sa social media.
02:24Yung mga pasyente ko mismo, naapektuhan din dahil ang feeling nila, yung credibility ko ay puro nagbebenta lang ako ng kung ano-ano.
02:33So naapektuhan yung reputation ko as a doktor.
02:36Natatakot ako na baka pag may nangyari sa nila, eh akong mabuntungan nila.
02:41Ang Department of Information and Technology may ginagawa na raw para labanan ng pagkalat ng deep fake.
02:47Dahil sa mga peking endorsement, marami na raw kasing nagre-reklamo sa kanila na napaniwala at naloko ng mga peking endorsement.
02:55Bukod sa mga telco, tuloy-tuloy daw ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga social media platforms para agad mablock ang mga peking endorsement na ito.
03:02Ang tawag po doon sa mekanismo na yun, geoblocking, geolocking.
03:09Yung same mekanism po ng technology na yan, yun yung sinasabi ko sa mga streaming platform at sa mga social media platform.
03:17Alam nyo, kaya nyo namang i-prevent yan proactively, eh.
03:20Sa bilis ng pag-usad ng teknolohiya, hindi nga raw malayong dumating ang panahon na mga eksperto na lang ang makapagsasabi kung peke o hindi ang isang video o litrato.
03:28Kaya mahalagang suriin at pag-aralan ang mensaheng nakapaloob dito.
03:33Huwag agad maniwala at ugaling i-double check kung totoo o hindi ang inyong nakikita sa social media.
03:39Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.