Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/5/2025
Dagsa man ang mga nagpapabakuna kontra-rabies, tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Maynila na sapat ang suplay nila ng bakuna. Kaya ang paalala, kumpletuhin ang anti-rabies shot.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dagsaman ang mga nagpapabakuna kontra rabies,
00:04tiniyak ng lokal ng pamahalaan ng Maynila na sapat ang supply nila ng bakuna.
00:09Kaya ang paalala, kumplituhin ang anti-rabies shot.
00:14Nakatutok, si Sandra Aguinaldo.
00:19Sa Animal Bite Treatment Center sa Manila City Hall,
00:23halos walang patid ang dating ng pasyente ngayong umaga.
00:30Kabilang ang mga minor de edad, tulad ng 6 na taong gulang na batang ito,
00:37pinabakunahan siya ng kanyang ina, matapos makagat ng pusa sa paa.
00:42Kumakain kami, tapos siya lumabas siya kasi kasama niya yung pinsan niya.
00:46Yung pusa po kasi natutulog lang dun sa may labas ng pintuan.
00:50Nagulat na lang kami, bigla na lang sumigaw yung pusa, pati siya sumigaw.
00:55Tapos po sabi niya, pumasok siya sa akin, umiiyak na siya,
00:57tapos pinakita niya yung paa niya, nagduduguna po.
01:00Matyagaring naghintay ng kanyang anti-rabies shot,
01:04ang lolang 66 years old, matapos namang makalbot ng pusa.
01:08Ako mismo, nakita ko doon sa kapitbahay din namin.
01:11Ganyan pala mangyayari pag pinabayaan mo.
01:14Kaya yung anak ko, pinipilit ko siya kahit magpila kami.
01:17Nasa hanggang 150 raw ang pasyente rito araw-araw.
01:22Sa Animal Bites Center sa Tondo, pinabakunahan ng ginang na ito ang mga anak na nakagat ng aso.
01:29Naka-second dose na ang 7 taong gulang at pinabuster shot ang 10 taong gulang na kapwa nakagat ng aso.
01:36Sana kapag nalaman kagad nila na nakagat sila or nakalmot, magpabakuna po kagad.
01:42Kasi sa panahon ngayon, di po natin pwede pagsawalang bahala yung kalusugan ng mga anak natin.
01:48Pinaalalahanan ng center ang mga pasyente na kailangan nilang bumalik para kumpletuhin ang kanilang anti-rabies shots.
01:55Kung positibo sa rabies ang pasyente, kailangan buong pamilya ang magpabakuna.
02:00Nag-positive po yung isang kamembro ng pamilya, like for example, namatay po siya sa rabies.
02:05Yung mga immediate family, kailangan po magpapropylaxis na po sila for protection po nila.
02:11Sapat naman daw ang supply ng vaccine ng Manila LGU dahil inasahan na nila ang pagdami ng pasyente noong taginit.
02:20Idagdag pa rao na may mga kababayan tayong namulat ang mata sa panganib na dulot ng rabies dahil sa ilang trending video na naglabasan.
02:28Dapat po pumunta para sila, lalong-lalong na po kung yung biting animal ay hindi na nila nakikita or suddenly namatay po.
02:36Para mag-consult sila para mabigyan po sila ng proper medication.
02:41Kahit matagal na panahon na rin po.
02:43Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
02:58Sampai jumpa.

Recommended