Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/2/2025
Dumagsa at maghapong pumila ang mga nagpabakuna kontra-rabies sa San Lazaro Hospital sa Maynila ngayong araw. Noong nakaraang linggo pa dinadagsa ang ospital, kasunod ng mga naiulat na nasawi dahil ‘di nagpabakuna o ‘di tinapos ang anti-rabies vaccine matapos makagat o makalmot ng hayop. Mahigpit at paulit-ulit na paalala ng mga eksperto: huwag babalewalain ang rabies dahil ito ay nakamamatay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Dumagsa, maghapong pumila ang mga nagpabakuna contra rabies sa San Lazaro Hospital sa Maynila ngayong araw.
00:13Noong nakarang linggo pa, dinaragsa ang ospital.
00:16Kasunod ng mga naiulat na nasawi dahil hindi nagpabakuna o hindi tinapos ang anti-rabies vaccine matapos makagat o makalmot ng hayop.
00:25Mahigpit at paulit-ulit na paalala ng mga eksperto.
00:29Huwag baliwalain ang rabies dahil ito ay nakamamatay.
00:33Narito ang pagtutok ni Marisol Abduraman.
00:38Kaninang umaga, dinagsa ang San Lazaro Hospital sa Maynila na mga gusto mong paturok ng mga anti-rabies vaccine.
00:45Kabilang ang 6 na taong gulang na bata, nakalmot daw ng alagang pusa ang kanyang gilagid noong biyernes.
00:51Nagtalon-talong siya. Pagtalon po niya sa paupo, dun po siya hinablot sa bibig.
00:56Ay, hinablot siya ng pusa.
00:57Opo.
00:58Nagiyak siya.
00:59Opo. Nung maano na yung dugo, malabas na po.
01:02Sa kamay naman kinagat ng alagaring aso, ang labing isang taong gulang na batang ito.
01:07Siyempre yung aso, hindi mga pigilan. Nagkagat-kagat siya.
01:10Pero hindi naman po madmariin.
01:11Habang nakapila ang mag-ama, para sa second dose ng bakuna ng anak,
01:15nakapila rin sa new cases ang kanyang mag-ina,
01:18matapos makalmot rin ang alagaring aso ang panganay na anak.
01:21Katatapos din lang bakunahan nung nakarang linggo ang isa pa nilang anak na nakagat din ang aso.
01:26Dito po sa binte, medyo may kalaliman kasi, hapdi.
01:30Sa tala ng San Lazaro Hospital, karamihan sa mga nagpupunta rito ay nakagat o nakalmot ng mga alaga nilang aso o pusa.
01:46Karamihan sa mga pasyente ay totoong may kagat o may kalmot nitong mga nakaripas na dalawang linggo.
01:53Pero karamihan din, or meron din kaming prosyento ng mga pasyente na,
01:59oo, dahil sa napanood nila, naalala na lang nila na nakagat sila.
02:03Mag-aalas dos na ng hapon, ganito pa rin kahabang pila dito sa Animal Bite and Treatment Center sa San Lazaro Hospital.
02:09Karaniwan daw na umabot sa 2,000 ang bilang ng mga nagpupunta rito kada araw simula nung nakaraang linggo.
02:16Magkatapos lumabas ng mga kwento sa social media tungkol sa mga rabies deaths na nangyari dito sa ating bansa,
02:23biglaan talagang tumaas ang aming mga animal bite consultations.
02:27Dito lang sa San Lazaro, umabot sa 64 ang kaso ng rabies noong nakaraang taon.
02:33At simula Enero ngayong taon, nasa 15 na ang naitatalang kaso.
02:37Paalala ng mga doktor, magpaturok agad ng anti-rabies vaccine oras na makagat o makalmot ng hayo.
02:42Once na meron ng simptomas yung mga pasyente o nagwawala na sila, takot na sila sa hangin, takot na sa tubig,
02:48wala nang kahit na anong bakuna o kahit na anong gamot na epekto.
02:52Sigurado ang kamatayan.
02:54Malaga rin na bakunado ang mga alagang hayo.
02:56Dapat si Brownie at si Mingming binabakunahan.
03:00Kasi pag ang mga aso at pusa ay bakunado, hindi po yan makakalipat ng rabies.
03:06Libre ang mga bakuna sa mga aso at pusa sa mga LGU.
03:09Pero kung maniningilman yung mga LGU, nababalitaan ko rin yung iba,
03:13nasa 100 pesos lang kada turok once a year.
03:17Tapos yun naman po sa private, hindi lumalampas mga 300, 400 pesos.
03:22So talagang abot kaya yung bakuna sa mga hayo.
03:25Libre din maging anti-ravis vaccine sa tao.
03:29Meron naman daw animal bites package at PhilHealth kung sa mga pribadong ospital magpapaturo.
03:34Paalala na mga eksperto sa pagpapabakuna, tiyaking kumpleto ito.
03:38Para sa GMA Integrating News, Marisol Abduraman, nakatuto 24 oras.

Recommended