00:00Humihiling ng Emergency Powers ang Sugar Regulatory Administration upang mapigilan ang pagkalat ng Red Striped Soft-Scale Insects o RSSI
00:10sa mga apektadong mga tanima ng tubo sa Negros Occidental matapos lumobo ng apat na beses ang apektado ng pamemeste sa loob lamang ng walong araw.
00:20Sa pinakahuling tala ng SRA noong May 30, umabot na sa mahigit 400 hectares at mahigit 200 magsasaka ang apektado ng RSSI.
00:30Nanawagan si SRA Administrator Pablo Luis Ascona ng mahigpit na quarantine measures sa paggalaw ng mga tubo at planting materials.
00:39Lumalabas kasi sa mga pag-aaral na ang peste na unang namonitor sa Luzon ay maaaring na ipasok sa Negros.
00:46Kaya kailangan nilang magkaroon ng pulisiya para sa emergency use upang mapabilis ang pagbili at pamamahagi ng pesticides.
00:54Kinakailangan din ang tulong ng Bureau of Plant Industry para hindi pahintulutan ang pagbiyahe ng planting materials sa pagitan ng mga isla at apektadong lugar.
01:04Bilang aksyon, pinasimulan na ng DA ang pag-spray sa mga natukoy na taniman ngayong linggo.
01:10Samantala, nakapagpadala na ang SRA ng liham na humihiling ng 10 milyong pisong tulong mula sa DA.
01:17At positibo itong tinanggap ni Agriculture Secretary Francisco Chulaurin.
01:23Umikot tayo whatever yung pwede namin makuha ng pesticides, pinamigay po natin ito sa farmers.
01:32Other than that, yung technical teams po natin umikot sa farmers, tinuturoan natin sila how to control it.
01:38Um, nagsasuggest po tayo kung ano-anong chemicals yung pwede nilang gamitin, pesticides.
01:45Meron naman po tayong approved pesticides, gumawa tayo ng task force.
01:49And, uh, nagingi po tayo ng emergency powers on the use of certain pesticides.