Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/2/2025
Karamihan ng mga kaso ng rabies sa bansa, bunsod ng kagat o kalmot ng mga aso at pusa. Partikular na problema ang mga aso at pusang gala pati mga alagang hayop na hindi bakunado sa rabies.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Karamihan ng mga kaso ng rabies sa bansa e bunsod ng kagat o kalmot ng mga aso at pusa.
00:06Partikular na problema ang mga aso at pusang gala, pati mga alagang hayop na hindi bakunado sa rabies.
00:14Nakatutok si Mark Salazar.
00:19Pet lovers daw ang mga Pilipino, sabi ng SWS Survey noong 2023.
00:25Dahil 64% ng Pinoy households may pets.
00:28Pero tila marami sa mga nag-aalaga ay hindi naman pamilya ang turing sa pet nila.
00:53Ganyan ang problema ng Quezon City gaya rin ng ibang lugar.
00:57Umaabot nga sa 300 stray animals kada buwan ang nare-restyo nila,
01:02pero hindi pa rin sapat para habulin ang dami at bilis ng panganak ng stray sa kalsada.
01:09Isipin mo namang ang isang babaeng aso ay kayang magsilang ng 30 tuta sa loob ng isang taon.
01:16A normal dog, like a spin dog, is kayang manganak po or mag-litter at least 8 puppies po or more sa kanyang panganak.
01:27And yung dogs po ay nanganganak at least 3 in a year.
01:31Tansya ng Quezon City Veterinary Department, nasa 700,000 ang pets sa syudad.
01:38Pero hindi nila alam kung ilan sa kanila ang lumalaboy sa mga daan.
01:41Sa pagdinig ng Senado nung nakaraang taon, lumabas na mahigit 13 million ang bilang ng mga stray dogs and cats sa buong bansa.
01:51Problema yan, dahil mga aso at pusang gala na hindi bakunado sa rabies ay kasama sa mga nagpapakalat nito.
01:58Kaya mahalaga raw ang responsible pet ownership para makontrol din ang pagkalat ng rabies.
02:04Kailangan din po talaga is ma-educate sila at the same time ma-enforce sila ng isang city na kung paano yung tamang pag-aalaga po ng hayop.
02:13Ang DOH naman, pinaalalahanan ang lahat na huwag baliwalain ang kagat ng aso o kalmot ng pusa, ligaw man o alaga sa loob ng bahay.
02:22Huwag niyo pong paggalitan yung mga anak ninyo kung nakalmot o nakagat ng aso, hindi nila kasalanan yun.
02:27Bagkus ay ating ikonsulta para maiwasan kasi naiiwasan yung paggamatay sa rabies basta tayo ay mabigyan ng bakuna.
02:34Habang nariyan ang problema sa naglipa ng stray animals, sapat daw dapat ang bakuna para protektahan ang tao at hayop sa rabies.
02:42Tungkulinin po ng mga LGU, mga DOH po sa ating mga PHO, mga CHO, dapat po nagpo-procure tayo ng ating mga rabies sa vaccines at gamitin po natin yung PhilHealth Package po natin.
02:54Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.

Recommended