- 5/30/2025
24 Oras: (Part 3) Southwest Monsoon o Habagat season, nagsimula na ayon sa PAGASA; mga nakatira sa drainage sa Makati, inabutan ng tulong ng DSWD sa tulong ni alyas Carla; fierce competition sa beauty industry, matutunghayan sa bagong series na "Beauty Empire"; "T.G.I.S." star Red Sternberg, pumanaw sa edad na 50, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Vistado sa isang kondo sa Paranaque City, ang isa umanong scam hub o pugad ng pang-i-scam.
00:08Aristado doon ang apat na sospek na Chino at kumpiskado ang mga gadget na gamit nila.
00:14Nakatutok si John Consulta, exclusive!
00:22Magsisilbi dapat ng warrant of arrest ang mga ente ng NBI Criminal Intelligence Division sa isang kondo sa Paranaque nitong Merkulis.
00:30Walang nadatnan pagdating sa target na unit, pero may napansin silang kakaiba sa kalapit na unit.
00:41Kita ang kita ng mga ahente ang paghahagis ng ilang Chinese nationals sa bintana ng mga gadgets tulad ng laptop at cellphone.
00:48Umikot yung ibang tropa doon sa may bintana, sa may gilid. Nakita namin may tinatapo ng mga laptop. Kaya nagtaka kami.
00:59Nang mapasok ang ibang kwarto ng unit, tumambad ang iba pang computers na ginagamit umano sa pang-i-scam.
01:09Sa iba ba ng kondo unit, nagkalat ang mga laptop, cellphones at tablets galing sa tinarget na unit.
01:15Paniwala ng NBI, itinapa ng mga gadgets para itago ang kanilang operasyon.
01:20Positive kasi yung mga natirang hindi nila naibato na masira na abuta namin sa loob. They are indeed involved in scam operations.
01:31Yung mga nawasak, kaya pa mag-retrieve tayo ng mga info doon?
01:35Magda-try kami. Kasi kaya naman yun, yung pinaka-hard drive doon, pwedeng kuha na ng information.
01:40Pagka makukuha namin yung mga nando doon, malalaman natin kung sino mga naloko nila at kung ano-ano mga bansa.
01:46Di na nagbigay ng pahayag ang apat na na-restong Chinese nationals na naharap sa kasong Anti-Financial Account Scamming Act o AFASA law na nakakulong sa NBI detention facility.
01:57Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 oras.
02:02Mahigit limampung pamilya ang apektado sa sunog na sumiklab sa dalawang barangay sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
02:11Parehong umabot ang mga yan sa ika-apat na alarma bago na apula.
02:16Nakatutok si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
02:23Mag-aalas 10 kaninang umaga ng sumiklab ang sunog sa barangay Basak sa Lapu-Lapu City, Cebu.
02:28Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, agad itong iniakyat sa ika-apat na alarma.
02:34Mabilis nakarisponde ang mga bumbero, kaya't makalipas lang ang mahigit tatlumpong minuto ay under control na ang sunog.
02:42Ayon sa Lapu-Lapu City DRMO, labing siyam na bahay ang natupok at nasa 25 pamilya o 170 na individual ang apektado.
02:53Patuloy pa ang imbestigasyon sa sanhinang sunog.
02:56Sa inisyal na imbestigasyon ng Lapu-Lapu City Fire District, nagsimula ang sunog sa pangalawang palapag ng isang bahay.
03:03Akong na-interview ng witness, ingon sila, nag-fire to the second floor.
03:07Naglaba ko nun ni si ang katong witness.
03:11Tapos ingon siya, pag tandaon niya, nakasimot siya ganang burag na sunog.
03:18Then pag tandaon niya sa babaw is as soon na niya nakita.
03:20Kabilang sa nasunog ang isang boarding house, na ayon sa may-ari ay nasa 60 ang nakatira.
03:26Ang border na si Junifer Tuwado, walang naisalba.
03:30Nasa trabaho raw siya nang mangyari ang sunog.
03:33Anong importante yung mga documents, mga papilis o mga gamit naman.
03:37Mga certificate po, certification, mga trabaho po.
03:44Ayon sa barangay, mabibigyan ng tulong ang lahat ng naapektuhan ng sunog.
03:50Sa barangay Kanhulaw, 28 bahay ang nasunog.
03:54Matapos ang mahigit isang oras na pag-apula, idiniklara itong far out.
03:58Umabot sa 27 pamilya ang apektado sa sunog.
04:02Ang may-ari ng bahay kung saan sinasabing nagsimula ang sunog,
04:06nagtamu ng paso at kasalukuyang hinahanap.
04:08Ang katong tagbalay na mentally unstable ang giingon is about 40 years old, 40 plus.
04:19So makakunan ito yung more or less ka ng ingon na nagduwa daw or nagdaob-daob.
04:24Then nasa yung mga paso-paso sa iyang lawas.
04:27Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
04:31Nico Sireno, Nakatutok 24 Oras.
04:33Mga kapuso, mararamdaman na ang mas malamig at maulang panahon
04:41ngayong simulanan ng southwest monsoon o habagat season.
04:45Ayon sa pag-asa, ang humihinang efekto ng Easter Lease
04:47ay nangangahulugan pagsisimula ng panahon ng habagat.
04:51Pero hindi pa yan ang opisyal na simulan ng tag-ulan
04:53na sabi ng pag-asa ay posibleng ideklara sa susunod na dalawang linggo.
04:58Dahil sa pagsisimula ng habagat, asakan ang mas madalas na pag-ulan,
05:01lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa.
05:03Sa rainfall forecast ng Metro Weather,
05:06umaga pa lamang bukas ay magiging maulan na sa malaking bahagi ng Luzon
05:09at pagsapit ang tangali ay makararanas ng pag-ulan sa kalos buong bansa.
05:13Sa lindu naman, asakan ang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
05:17Sa kapon, pusibling ulanin ang malaking bahagi ng Luzon
05:20at halos buong bintanaw.
05:22Magiging maulan din ang weekend dito po sa Metro Manila.
05:26Natunto ng DSWD ang iba pang taong naninirahan sa drainage sa Makati
05:31para maabot na ng tulong.
05:33Nagawa nila ito sa tulong ni alias Carla na nag-viral kamakailan
05:38matapos makuha ng lumalabas mula sa Imburnal.
05:42Nakatutok si Oscar Oida.
05:43Matapos mag-viral ng kumalat ang mga kuha sa kanya
05:50habang lumalabas sa Imburnal kamakailan.
05:53Ngayon, mistulang honorary social worker na ng DSWD si Carla.
05:59Hindi niya tunay na pangalan.
06:01Kanina nga, sinamahan pa niya si DSWD Secretary Rex Gatchalian
06:05para matuntun at maabutan ng tulong
06:08ang mga sinasabi ni Carla na tunay umanong naninirahan
06:12sa mga drainage sa Makati.
06:15Pero wala silang inabutan sa nasabing lugar.
06:18Ang explanation niya, pag nabubulabog sila,
06:21nagpupunta sila doon sa South, sa S-Lex.
06:25Kaya kami nagpunta sa S-Lex kanina.
06:28Kasi yung kalahati nung nakatira sa ilalim ng drain,
06:31umaakyat doon, minsan doon sila natutulog
06:34pag nabubulabog yung kinalalagyan nila.
06:37At di naman sila nabigo.
06:39Ilan nga sa mga ito ang natuntun nila?
06:42Malungkot kami.
06:43Kasi 2023, nag-ooperate kami sa kalsada,
06:46sa flyover, sa underpass.
06:50Pero hindi namin sukat akalain,
06:52merong nakatira sa loob ng drainage.
06:54Kaya ngayon, kasama na raw ang mga ito
06:57sa kanilang misyon na mayangat ang kalagayan.
07:01Di naman daw nila ito gagawin ng sapilitan.
07:05Hindi tayo gumagamit ng dahas.
07:07Kasi yung mga hindi sustainable na program,
07:09natatakot yung beneficiaryo eh.
07:11Kasi pag makakita lang sila na naka-uniforme,
07:13kanina tumakbo na kagad, nakita nyo nga.
07:15Na-evaluate namin yung intervention namin.
07:18Kami ang mag-a-adjust kung ano yung pwede pa namin gawin
07:21para hindi na siya bumalik.
07:23Ang ipapaabot daw na tulong ay di pare-pareho.
07:27Ibabase raw nila ito sa isinasagawang case management.
07:31Tulad ng ginagawa nila kay Carla
07:33na nakatanggap na umano ng paunang tulong.
07:36It's a gradual monitoring system.
07:39Hand-holding yan.
07:40Ang gagawin ng aming social worker,
07:42una, bibigyan siya ng pauna.
07:44Katulad nga raw kagabi,
07:45nagsimula na sila mamili ng mga ibebenta doon sa tindahan.
07:50Then, ima-monitor natin sila ulit.
07:53Pag nakita natin na maganda yung takbo,
07:56dadagdagan natin ang nadagdagan natin hanggang sa mabuo natin yung 80,000.
07:59Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida nakatutok, 24 oras.
08:09Magandang gabi mga kapuso.
08:11Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
08:14Sa Switzerland, isang village ang nabaon sa yelo, putik at bato.
08:19Ang pagdragasang ito nakunan pa sa video.
08:22Ito ang Blaten, isang village sa Switzerland na ang ganda, bistulang hinugot sa isang postcard.
08:33Pero ito na ang Blaten ngayon.
08:35Nabaon sa yelo, putik at bato na rumagasa mula sa Swiss Alps.
08:39Ang pagdragasang ng yelo, putik at bato, gunso daw ng pagkolapso o pagkabiyak na isang malaking tipak ng glacier sa nasabing mundo.
08:56Dahil sa pangyayaring ito, nakabaon ngayon ng 90% na Blaten.
09:00Mabuti na lang daw na evacuate na ang nasa tatong daag residente nitong mga nakarang linggo.
09:04Pero may isang 64-year-old na matanda nao ang pinaganap ngayon ng autoridad.
09:09Pero alam diba kung anong tawag sa natural disaster na yumanig sa Switzerland?
09:14Kuya Tim, ano na?
09:24Ang nangyari sa Blaten, tinatawag na Glacier Avalanche.
09:28Isa itong uri ng pagguho ng madalaking bas ng yelo, niebe, bato at putik mula sa isang glacier.
09:34May iba't ibang sandy ang Glacier Avalanche.
09:36Kabilang dito, ang patuloy na pag-init ng ating klima, pagbuho ng mga bato, lindol, matinding pagulan o pagkawala ng suporta sa ilalim ng glacier.
09:45Samantala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita, i-post o i-comment lang,
09:49Hashtag Kuya Kim, ano na?
09:51Laging tandaan, ki-importante ang may alam.
09:53Ako po si Kuya Kim, at sagot ko kayo, 24 hours.
10:00More than the drama and laughs,
10:02Snorholes bar na ma-aksyong eksena ang aabangan,
10:06kina Dennis Trillo at Jeneline Mercado,
10:08pwede ni Ren sa ibang sanggang dikit po realcast na ipinakilala kanina.
10:13Makichika kay Nelson Canlas.
10:15Dalawang magkasanggang pulis na hindi magkasundo sa simula,
10:22pero paglalapitin ng unexpected love.
10:26Ganyan ang magiging takbo ng istorya ng sanggang dikit, FR,
10:30ang first action series na pagsasamahan ni kapuso drama King Dennis Trillo
10:35and the ultimate star, Jeneline Mercado.
10:38Sa media conference, ipinakilala ang mga makakasama ng Dengen,
10:43kabilang sina Wancho Trevino, Choros Camboa, Chanty Bidela,
10:48Sam Pinto at si Dumpia Queen, Abby Marquez at marami pang iba.
10:53Dumalo rin sa MediaCon ang GMA Network Executives
10:57sa pangungunan ni OIC for GMA Entertainment Group, Cheryl Ching C.
11:02More than the drama and laughs,
11:04napasabakraw ang Dengen sa no-holds-barred na maa-aksyong eksena.
11:09Ang bago nilang role, maituturing kaya nilang dream come true?
11:14Nung araw!
11:16Hindi kasi ngayon parang medyo challenging siya talaga
11:19dahil hindi na rin ako masyadong bata.
11:22So iba na rin yung kailangan na,
11:26iba yung kinakailangan na energy para dito.
11:29Talagang medyo matindi yung mga physical scenes namin.
11:34Maraming takbuhan,
11:36ang daming fight scenes.
11:38So medyo kinakailangan ng maraming,
11:41medyo kailangan fit ka eh, malakas ka.
11:43Marami raw perks working together.
11:45Kaya raw nilang maging open para mapaganda ang mga eksena.
11:49At sabay din daw silang pumupunta at umuwi from the set.
11:53It's a challenge kapag ano, mabawa,
11:57nag-away kayo, tapos ano mo yan?
12:00In real life.
12:01Oo, nag-away in real life.
12:02Tapos kailangan maging maayos kasi isang eksena.
12:05Yun nga, I was about to ask you.
12:06Hindi may iwasan yun.
12:07Doon mo susubukan yung pagka-professional.
12:09So, dapat talagang iwan yung problema at pagka nagdatrabaho.
12:16Trabaho talaga.
12:17Magkakaroon din daw sila ng tapings sa Europe.
12:20Kaya nagwaworry sila Dennis at Jeneline
12:23para sa kanilang kids na sina Calyx, Jazz at Dylan.
12:26Very close raw ang kanilang pamilya.
12:46Lalo't nagdibinata ang kanilang dalawang older kids.
12:49Wala kami naging problema sa ganung bagay sa pamilya namin.
12:54Kasi nagsimula siya nung mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami.
12:58Si Calyx, lagi ko lang nakakasama.
13:00Si Jazz din, lagi niya nakakasama.
13:02Lumaki sila ng magkakasama.
13:03Sarap din ang buhay kasi syempre si Calyx, dalawa yung mami niya.
13:07Diba?
13:07Nelson Canlas, updated sa Shubis Happenings.
13:12Sinagip mula sa tiyak na kapahamakha ng isang lalaki
13:16ang isang bata sa Quezon City.
13:18Sa kuha ng CCTV,
13:20Kita, ang isang batang nagpadausdo sa bahagi ng barangay Commonwealth.
13:25Kwento ng uploader.
13:27Nag-uusap sila noon ng mapansin
13:29ng isa niyang kaidigan
13:30ang mabilis na takbo ng sinasakyan ng bata.
13:33Hindi raw ito nagatubiling habulin ng bata
13:36para pigilan siyang magdere-derecha
13:38sakaling may mabibilis pa namang mga sasakyan.
13:42Posibleng masagasaan o makatama ang bata
13:45kung hindi ito naagapan.
13:46Hinatulang guilty ng Sandigan Bayan sa kasong graft
13:51si Montenlupa Mayor Rufy Biazon
13:53kaugnay ng tinugreang pork barrel scam noong 2007.
13:58Kasamang nakatulang guilty si Janet Lim Napoles
14:01at apat na iba pang dating opisyal ng gobyerno.
14:05Kaugnay ito ng maanumalyang paggamit
14:07ng Priority Development Assistance Fund
14:10o PDAF ni Biazon
14:11nung nakaupo pa itong kongresista.
14:13Sa desisyon ng Sandigan Bayan,
14:16nakasaad na si Biazon
14:18ang pumili ng foundation ni Napoles
14:20para sa livelihood project
14:22kahit hindi accredited o kwalifikado ang NGO
14:26at nang hindi dumaan sa public bidding.
14:29Base sa court records,
14:31sinabi ng whistleblower na si Ben Hurluy
14:33na nakatanggap si Biazon
14:35ng 1.95 million pesos na kickback
14:39sa pamamagitan ng authorized representative.
14:42Sinintensyan sila ng kulong
14:44na mula 6 hanggang 8 taon
14:47at perpetual disqualification
14:49from holding public office.
14:52Pinawalang sala naman si Biazon
14:53sa kasong malversation.
14:56Sa isang pahayag,
14:57sinabi ng kampo ni Biazon
14:58na i-appela nila ang desisyon.
15:01Hindi rin daw nito apektado
15:02ang kanyang pagkakapanalo muli
15:04bilang alkalde ng lungsod.
15:07Malapit na ang puksaan
15:13sa pinakamagandang labanan
15:15na hatid ng upcoming series
15:16na Beauty Empire.
15:18Starring dyan ang real-life CEO
15:20ng face cards na sina Barbie Forteza
15:22at Kylene Alcantara
15:24with the former beauty queen herself,
15:26Rufo Gutierrez.
15:27Na paano kaya inire-relate
15:28ang kanilang personal experience
15:30sa gagampan ng roles?
15:33Itchichike yan ni Aubrey Caramper.
15:35Hello, CEO ng mga mga itatagdahan.
15:43Andito pala ang self-proclaimed CEO.
15:47Sa teaser palang may pasilip na
15:49sa malalang puksa ang magaganap
15:51sa upcoming kapuso series na Beauty Empire.
15:54Oh my God! Stop it! Stop it!
15:57Bago pa mapanood ang pinakamagandang laban,
16:00nakausap ng GMA Integrated News
16:02ang cast ng serye
16:04na collaboration ng GMA Network,
16:06Creation Studios at Vue Philippines.
16:09Tungkol ito sa fierce competition
16:11sa beauty industry,
16:13kung saan magkalaban ang mga karakter
16:15ni na Barbie Forteza at Kylene Alcantara.
16:19Ibang-iba raw sa mga dati
16:20ng karakter ni Barbie si Noreen Alfonso,
16:23ang rags to riches CEO
16:24na maghihiganti
16:26sa mga gumawa sa kanya ng mali.
16:28Pero sure daw na makaka-relate pa rin
16:31ng viewers.
16:31Ang story ako namin ay punong-puno ng puso
16:35at pagmamahal sa pamilya.
16:37With fashion and beauty at its core,
16:40we will tackle murder mystery,
16:43love for family,
16:44revenge.
16:45Si Kylie naman gaganap as Shari De Jesus,
16:49ang matapang na CEO
16:50ng kanyang sariling skin care and beauty brand.
16:52I approach it with a combination of my personal life
16:55and the character's experiences.
16:59Yung heartbreak or yung mga experience sa buhay,
17:01makakadagdag din naman sa pag-atake sa isang karakter.
17:05Mentor naman ang karakter ni Kylene si Velma Imperial,
17:09ang original girl boss
17:11ng Philippine Beauty Industries sa serye,
17:13naggagampana ni Rufa Gutierrez.
17:16As a former beauty queen,
17:18di na raw bago kay Rufa
17:19ang world of beauty and competition.
17:22Kaya nakarelate din daw siya
17:23sa kanyang karakter.
17:24Because Velma is,
17:27you know,
17:27she's a very ambitious
17:28and powerful woman
17:32and yet behind that,
17:34she's very soft,
17:36you know,
17:37nagmahal,
17:38nagkaroon siya ng heartbreak.
17:40And I think me,
17:41as Rufa,
17:41marami na rin ako heartbreak
17:43na pinagdaanan sa buhay ko.
17:45Polis na kababata naman ni Noreen Simigoy,
17:47naggagampana ni Sam Concepcion.
17:50Marami raw siyang na-experience na firsts sa serye.
17:53It's been a really great experience
17:55being here,
17:57working with the team
17:58and working with such
17:59generous and really talented actors.
18:02Kasama rin nila sa serye si Chai Funasher
18:05as Chriselda,
18:06ang trusted assistant ni Velma
18:08at ang content creator na si Aaron Maniego
18:11as Sylvester,
18:13na assistant ni Shari.
18:14She's somebody like I wish,
18:17I wish I had her focus and her grit.
18:20Makalat ito eh.
18:21I'm just so grateful for my co-actors
18:23na sobrang ginag-guide nila ako
18:25every step of the way
18:27and napakabait nila sa akin.
18:29Kasama rin sa cast
18:30si Gloria Diaz,
18:32Sid Lucero
18:32at ang South Korean actor
18:34na si Choe Bomin.
18:36Obri Carampel
18:37updated sa showbiz happenings.
18:40Sa kabila ng mga naitatalang kaso
18:42ng sakit ng MPAX sa bansa,
18:43ang health department sinabing
18:45hindi pa dapat mangambah.
18:47Mild variant lang daw
18:48ng MPAX ang nasa bansa ngayon.
18:50Pero patuloy daw ang pagbabantay nila
18:52para hindi makapasok
18:53ang mas malubang variant ng sakit.
18:56Nakatutok si Chino Gaston.
18:57Isang residente mula
19:02Mako, Davao de Oro
19:03ang pinakahuling na-detect
19:05na kaso ng monkeypox,
19:07ang nakahahawang sakit
19:08na nagdudulot ng marami
19:10at malalaking butlig sa katawan.
19:12Nakarecover na raw ang pasyente
19:13pero dalawa pang tao
19:15na pinagsususpet siyang may MPAX
19:17ang binabantayan ngayon sa Mako
19:19at karating na bayan
19:20ng nabunturan.
19:21Sa Iloilo Province,
19:22isa pang pasyente ng MPAX
19:24ang idiniklarang
19:25nakarecover na
19:26ng Provincial Health Office.
19:28Samantalang sa Iloilo City,
19:30apat na tao
19:30ang isinasailalim sa isolation
19:32at monitoring
19:34sa hinalang
19:35na hawahan sila ng sakit.
19:37Pero paglilinaw ng City Health Office,
19:40walang community transmission
19:41ng MPAX sa Iloilo City.
19:43Sa Bacolod City,
19:44tututukan ng LGU,
19:46DepEd
19:46at iba pang ahensya ng gobyerno
19:48ang pagbabantay sa mga hotel,
19:50spa,
19:51palengke
19:51at transport terminals
19:52para mapigilan
19:54ang anumang outbreak
19:55ng MPAX.
19:56Hinikayat din nila
19:57ang mga taga-Bacolod
19:58na agad magpa-check up
20:00oras na may makitang
20:01sintomas ng sakit
20:02gaya ng mga rashes,
20:03lagnat,
20:04pananakit ng katawan
20:05at pamamaga
20:06ng lymph nodes.
20:07Sunod-sunod man
20:08ang mga nadetect
20:09na kaso ng MPAX sa bansa,
20:11hindi pa raw dapat
20:12mangamba
20:12ang mga Pilipino
20:13ayon sa Department of Health.
20:15Mild variant lang daw kasi
20:16o ang MPAX-Claid 2
20:18ang mga kasong nakikita dito.
20:20Gayun pa man,
20:21patuloy ang pagbabantay
20:22at pag-iingat
20:23na hindi makapasok
20:25ang mas malubhang
20:26MPAX-Claid 1B variant
20:28sa bansa.
20:29All of them
20:30are MPAX-Claid 2.
20:32Wala pa kaming nakitang
20:33MPAX-Claid 1B
20:34sa Pilipinas.
20:36Yung 1,
20:37yung 2,
20:38ano yun?
20:38Very mild,
20:40self-limiting,
20:41at saka
20:41ang transmission niya,
20:43skin-to-skin contact.
20:45So very important
20:46mag-isolate.
20:47May mga cases tayong nireport
20:49na matay
20:49pero hindi sila
20:50namatay from the MPAX,
20:52namatay sila
20:52from advanced HIV.
20:55Walang gamot
20:55sa MPAX sa ngayon
20:56at isolation,
20:58tamang pag-aalaga lang
20:59at pahinga sa loob
21:00ng dalawa
21:01hanggang apat na linggo
21:02ang treatment
21:03para sa sakit.
21:04Para sa GMA Integrated News,
21:06Chino Gaston
21:07na katutok,
21:0824 oras.
21:09Pumanaw sa edad na 50
21:12si TGIS star
21:13Roderick Red Sternberg.
21:15Nakatutok
21:16si Aubrey Carampel.
21:20Nakilala bilang
21:21ang babyface
21:22na kalog na si Kiko
21:23sa iconic 90s youth series
21:25na TGIS
21:26si Red Sternberg.
21:28Matagal na niyang iniwan
21:29ang showbiz
21:30at mahigit 10 taon na siyang
21:32naninirahan sa Amerika
21:33kasama ang pamilya.
21:35Sa interview
21:36ng Tunay na Buhay
21:36noong 2021,
21:38ikinuwento ni Red
21:39kung ano ang nagtulak
21:40sa kanya
21:41na iwan ang showbiz.
21:42It was a combination
21:44ng burnt out
21:47tatlong TV shows,
21:49bago ako ng dalawang pelikula,
21:50everyday,
21:51trabaho.
21:52Ako yung tipong
21:53I never had a driver,
21:56wala akong PA,
21:58lahat ako.
22:00I just felt na
22:01it was time to move on.
22:05Kanina,
22:06malungkot na ibinalita
22:07ng kanyang misis
22:08na si Sandy Sternberg
22:09na pumanaw na
22:10ang dating aktor
22:11nitong May 27.
22:13Hindi na edinetalyo ni Sandy Sternberg
22:16ang dahilan
22:16ng pagpanaw ng mister.
22:18Pero inilahad niya
22:19sa isang Facebook post
22:20ang hirap
22:21at sakit
22:22na pinagdadaanan,
22:24lalo't magdiriwang sana
22:25ng kanyang 51st birthday
22:27ngayong araw si Red.
22:28Pero para sa kanyang
22:29naulilang pamilya,
22:31siya raw ang kanilang daddy
22:32o dada.
22:33Humihiling ng panalangin
22:34at privacy
22:35ang pamilya ni Red
22:36ngayong panahon
22:37ng kanilang pagluluksa.
22:39Nagpost din
22:39si Direct Mark Reyes
22:40ng tribute
22:41para kay Red.
22:43Nagluluksa raw
22:44ang buong TGIS
22:45barkada
22:46sa kanyang pagpanaw.
22:48Nagpost din
22:48sa kanilang social media pages
22:50ng mensahe
22:51ng pakikiramay
22:52ang TGIS
22:53co-stars niyang
22:54si Angelo De Leon
22:55at Michael Flores.
22:57Do you ever regret
22:58having left
23:00the industry?
23:01No.
23:03Do I miss it?
23:05Yeah.
23:06Do I still wanna do it
23:07in the future?
23:09Maybe.
23:10The acting itself.
23:12Ano ang araw
23:12ng tunay na buhay
23:13ni Red Sternberg?
23:15You make your own destiny.
23:17Para sa GMA Integrated News,
23:19Aubrey Carampel
23:20nakatutok 24 oras.
23:22Mabilis na chikan tayo
23:27para updated
23:28sa Sherbiz Happenings.
23:31Nanalong TV Station of the Year
23:33ang GMA Network
23:34sa 6th VP Choice Awards.
23:36Headliner of the Year
23:37si Marian Rivera
23:38para sa Entertainment
23:39Movie Category.
23:40At nakuha ni
23:41ex-PBB housemate
23:42Michael Sager
23:43ang Daytime
23:44TV Actor of the Year.
23:46Daytime TV Actress
23:48of the Year naman
23:48si Kylene Alcantara.
23:50At si Sparkle Artist
23:51Coco DeSantos
23:52ang Supporting Movie Actor
23:53of the Year.
23:54Breakthrough Star of the Year
23:56si Anna Linvado
23:57ng Bubble Gang.
24:00For sure,
24:01nakkilig-overload
24:02ang grand finals
24:03ng Singkilig
24:04sa All Out Sundays
24:05this weekend.
24:06Are you Team
24:07Dawn and Lime ba?
24:08Mac, Jim and Nami?
24:10Or Nathan and Calista?
24:12Sino kaya sa tatlong duo
24:13ang magwabagi?
24:15Yan ang aabangan natin.
24:17And that ends
24:20our week-long chikahan.
24:22Ako po si Iaraliano.
24:23Happy weekend,
24:24mga kapuso.
24:26Miss Mel,
24:27Miss Vicky,
24:27Emil.
24:28Thank you, Tia.
24:30Salamat, Tia.
24:31Happy weekend, Tia.
24:32At yan ang mga balita
24:33ngayong biyernes.
24:34Ako po si Mel Tianco.
24:35Ako naman po si Vicky Morales
24:36para sa mas malaking misyon.
24:38Para sa mas malawak
24:39na paglilingkod sa bayan.
24:40Ako po si Emil.
24:41Sumangil.
24:41Mula sa GMA Integrated News,
24:44ang News Authority ng Pilipino.
24:46Nakatuto kami 24 oras.
24:48Mula sa GMA Integrated News.