Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/29/2025
Natunton at nakilala na ng mga awtoridad ang babaeng nakunang lumabas mula sa imburnal sa gilid ng kalsada sa Makati. Ayon sa kanya, hindi siya nakatira roon. Bagkus, kinuha lang daw niya ang nahulog niyang gamit.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Natuntun at nakilala na ng mga otoridad ang babaeng na akunang lumabas mula po sa Imburnal, sa gilid ng kalsada sa Macanet City.
00:07Ayon sa kanya, hindi siya nakatira roon bagkos kinuha lamang daw niya ang nahulog niyang gamit.
00:13Nakatutok si Dano Tengkungko.
00:20Siya si Carla, hindi niya tunay na pangalan.
00:23Siya ang nakunan ng litrato kamakailan na lumabas mula sa isang kanal sa Salcedo Village, Makati.
00:28Paliwanag ni Carla, kaya siya napunta sa loob ng drainage ay para kunin ang kanyang cutter na nahulog doon.
00:35Nagulat po ang dami ng tumingin sa akin dahil nga kinabahan ako.
00:39Pinilit ko lang po kasi kunin yung cutter blade ko po.
00:42Ngayong araw, nagmerienda siya kasama si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa kahumarap sa media para linawin ng ilang bagay.
00:49Una, hindi siya nakatira sa kanal. Masyado raw maliit yun para magkasha siya.
00:54Pangalawa, bagamat dating homeless, may tinitirhan siya ngayon sa Makati rin.
00:58Bed spacer raw sila ng kinakasamang nagtatrabaho bilang barker.
01:02Si Carla, nangangalakal ng kable, plastic, bote at iba pa.
01:06Nagtatakbo raw noon si Carla pa uwe dahil sa takot at gulat ng makita ang dami ng mga taong nakamasid sa kanya.
01:13Sa tulong din ang komunidad, natuntun siya ng DSWD at inalukan ng tulong.
01:18Bibigyan siya ng 80,000 pesos na halaga ng livelihood package para masimulan ang pangarap niyang sari-sari store.
01:24Ang kinakasama niya, tutulungang makabili ng welding machine para mas maging stable ang kita.
01:30Babalik din sa pag-aaral si Carla sa pamamagitan ng alternative learning system
01:34para ituloy ang pag-aaral na naudlot sa grade 2 at mapalapit siya sa dati niyang pangarap na maging nurse.
01:40Gusto ko kasi makapagtapos ako ng pag-aaral.
01:44Saka mabago ko yung way ng buhay ko.
01:49Hindi man siya nakatira sa drainage, ikinwento ni Carla na may mga kilala siyang nakatira sa drainage malapit sa isang ospital sa Makati.
01:56Hindi ko nga po gusto kasi ito sa isang kali kasi nga na marami na na nang tarantadong tao.
02:04Meron po kasi isang tropa namin na nababagsakan sa ulo ng bato.
02:11Trip lang po nila.
02:13Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa Makati Police at Barangay para matunto ng ibang mga sinasabing nakatira sa drainage.
02:20If there may mga ganitong report, sisiguraduhin namin na ma-reach out rin namin yung mga iba pang individual na pumapasok dun sa drainage system na yun.
02:30Sana raw sa karanasan ni Carla, hindi mangimi ang ibang katulad niya na tumanggap din ng tulong.
02:36Kaming experience over the past 2 years na na-reach out namin pero ayaw nila sumama sa amin sa iba't ibang rason.
02:43Para sa GMA Integrated News, Dano Tingko, nakatutok 24 oras.
02:50Kami Integrated News, Dano Tingko, nakatutok 24 oras.

Recommended