00:00Sumantala, balikan natin ang kaganapan mula sa Timor-Leste hanggang sa pagbabalik sa Pilipinas ni dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Tevez Jr. na tinutukan ng inyong pambansang TV.
00:12Yan ang ulat ni Louisa Erispe, exclusive.
00:17Matapos arestuhin si dating Congressman Arnolfo Tevez Jr. sa Dili Timor-Leste, Martes ng gabi,
00:23at naglabas ng pahayag ang gobyerno ng naturang bansa na agaran ng ipadede po si Tevez,
00:29ang pamahalaan ng Pilipinas, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:34agaran ding naghanda para sa deportation at pagkuha kay Tevez mula sa Timor-Leste.
00:40Sa pangunguna ng Department of Justice, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration,
00:46Presidential Communications Office at Philippine Air Force,
00:48Sa Merkules, alas 11 ng gabi, agad na bumiyahe ang pamahalaan para kunin ang puganting sospek.
00:55Nandito tayo ngayon sa loob ng Philippine Air Force C295,
00:59ang aeroplano na susundo, inaasahang susundo kay dating Congressman Arnolfo Tevez Jr. sa Dili Timor-Leste.
01:07Yung upuan na nakikita niyo sa aking likuran, yung blanco upuan na yan,
01:11dyan inaasahan na uupo mamaya si dating Congressman Tevez para inuwi na siya sa Pilipinas.
01:17Sa aeroplano ito naman, ang kasama natin sa ngayon ay ang mga opisyal at mga tauhan
01:23ng National Bureau of Investigation, Department of Justice, Bureau of Immigration,
01:28at Presidential Communications Office.
01:30Mula Villamore Air Base, nakarating ang Philippine Air Force C295 sa Dili Timor-Leste,
01:35mag-aalas 12 ng tanghali, Webes, oras sa Pilipinas.
01:39Sinalubong agad ang delegasyon ng mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa Timor-Leste.
01:44Nandito na tayo ngayon sa loob ng airport ng Dili Timor-Leste
01:48at makikita niyo sa aking likuran, nag-uusap-usap na yung mga opisyal
01:52ng pamahalaan ng Pilipinas at opisyal ng gobyerno ng Timor-Leste.
01:57Ngayon ay may inaayos lang ng mga dokumento o mga papeles
02:01at kung maayos na yan ay inaasahang dadalhin si Tevez doon sa aeroplano
02:05at saka siya isasakay doon para nga ipadeport pabalik ng Pilipinas.
02:09Matabos maayos ang mga dokumento sa paglipat ng kustodya o turnover kay Tevez sa Pilipinas,
02:15agad siyang pinuntahan ng mga NBI personnel at ng DOJ.
02:20Kinapkapan si Tevez.
02:21At saka siya pinalakad papunta sa aeroplano.
02:24Habang naglalakad si Tevez, nakaposas na may kadena ang kanyang kamay at paa.
02:30Pero bago isakay sa aeroplano,
02:32nakiusap si Tevez na tanggalin ang kanyang posas
02:35dahil hindi naman umano siya tatakas.
02:38Pumayag naman ang Pilipinas na tanggalin ang posas.
02:43Pero pagakyat ng aeroplano, muli siyang pinusasan sa kamay.
02:47Paliwanag ng NBI, protocol kasi na posasan si Tevez dahil wanted siya sa Pilipinas.
02:53May turnover siya sa atin ng Timor-Leste authorities,
02:59nakaposas siya at pati sa paa nakaposas.
03:04So, hindi naman tayo masyadong cruel.
03:07Pinusasan lang natin siya sa kamay.
03:10But that is protocol.
03:11Talagang ganun.
03:12Pagka ang tao ay arestado, kailangan nakaposas.
03:16Nang makaakyat si Tevez sa aeroplano at makaupo,
03:19binasahan na siya ng Miranda Rights.
03:21Ginoong Arnolfo Tevez Jr., kayo po yun sir.
03:25You are under arrest by virtue of the warrant of arrest issued by Manila Court on September 2023
03:32for 10 counts of murder, 12 counts of frustrated murder, 4 counts of attempted murder.
03:43In addition to that, in 2024, a warrant of arrest was also issued against you by the Dumaguete Court
03:52for murder, 4 illegal possession of explosives, 4 illegal possession of firearms,
04:03and 4 the Terrorism Financing Prevention and Suppression Act.
04:07Ginoong Arnolfo Tevez Jr., kayo po ay may karapatan, malaman ang iyong karapatan.
04:14Bukod sa wanted, dahil itinuturong mastermind sa Pamplona massacre o pagpatay
04:19kay dating Negros Oriental Governor Roel de Gamo,
04:22may waranto rin si Tevez sa murder mula sa isang korte sa Dumaguete Court
04:26at sa kasong terrorism financing.
04:29Matapos nito, umalis na ang aeroplano sa Timor-Leste
04:32para maibalik si Tevez sa Pilipinas.
04:34Mag-aalas 3 ng hapon, oras sa Pilipinas,
04:38nakaalis na ang aeroplano ng Philippine Air Force na C-295
04:42mula sa D-Li Timor-Leste.
04:44Kaya sa ngayon ay kasama na natin dito sa loob ng aeroplano
04:47si dating Congressman Arnolfo Tevez Jr.
04:50at doon na siya pinaupo sa unahan
04:52saan tatapingan niya ang Director ng National Bureau of Investigation
04:56na si Director Jaime Sanchago
04:58at sa kamilang banda naman ay si Assistant Secretary Eliseo Cruz
05:03ng Department of Justice.
05:05Dahil nga mabilisan lang yung naging interval ng turnover
05:08kay Tevez mula sa immigration ng Timor-Leste
05:13at sa mga tahohan ng Pilipinas,
05:16ito lang yung nadala ni Tevez sa kanyang biyahe.
05:18Ito ay dalawang paper bag,
05:21isang kulay pula at isang kulay puti.
05:23Ang laman lang nito ay may mga tubig,
05:26shirelas at meron din mga kaunting pagkain.
05:28Pero pagkating naman dito sa aeroplano
05:30ay hindi siya pinapabayaan,
05:31meron mag-inibigay sa kanya na pagkain
05:34at inaalalayan din siya ng mga tahohan ng Philippine Air Force.
05:38Matapos naman ng limang oras,
05:39una-munang tumigil ang aeroplano sa Davao International Airport
05:42para sa refueling at saka ito bumiyahe pavillam or airbase.
05:46Sa aktong 11.18 ng gabi ng Webes,
05:50nakalapag na ang aeroplano na lulan si Tevez sa Villamor Air Base.
05:54Bago sumakay sa sasakyan ng NBI,
05:57ipinasuot siya ng bulletproof vest at helmet.
06:00At saka siya idiniretso sa headquarters ng NBI sa Pasay City.
06:04Dito dumaan sa booking process
06:05kung saan kinuha ang kanyang fingerprint
06:08at nagkaroon din ng medical procedure.
06:10Booking, yung mugshot,
06:13and then medical,
06:17siyempre.
06:19Sabi niya nga sa akin,
06:20marami siyang gamot,
06:21naiwan dito.
06:23So,
06:25magkukonsult siya ulit sa aming doktor,
06:28sabihin niya kung ano nararamdaman niya,
06:30itignan siya ng doktor,
06:32bago namin siya iturnover
06:34sa aming detention facilities.
06:36Nakitaan naman ng ilang galos
06:38at pasa sa katawan si Tevez.
06:40Pero agad din itong ginamot ng doktor sa NBI.
06:43Paliwanag ni Tevez,
06:44ito ay marahil sa pag-aresto sa kanya
06:46sa Dili Timor Leste.
06:48Matapos naman ang medical check-up,
06:50agad siyang kinuha na ng mugshots
06:51at nagkaroon na siya ng pagkakataon
06:54na makita ang kanyang ina
06:55at abogado sa opisina ng NBI.
06:58Sabi ng DOJ,
06:59malaking tagumpay ang ginawang pag-aresto
07:02kay Tevez
07:02dahil sa tulong na rin ng komunikasyon
07:04sa gobyerno ng Timor Leste.
07:07Bagamat agaran ang nangyaring deportation,
07:09matagal na rin naman umanong plano
07:11na pabalikin si Tevez sa Pilipinas
07:13mula pa noong September 2024.
07:15Na-approve na ito last September pa last year.