00:00Handa na ang Department of Justice sakaling ilipat sa Pilipinas ang kustodiya kay dating Congressman Arnolfo Tevez na naaresto sa Timor-Leste kagabi.
00:10Si Luisa Erispe sa Sentro ng Balita, live.
00:16Angelique, inaresto kagabi si dating Congressman Arnolfo Tevez Jr. sa Timor-Leste na wanted ngayon sa kasong murder, attempted murder at frustrated murder dito sa Pilipinas.
00:26Nakahanda naman ang Department of Justice sakaling ilipat na sa kustodiya ng bansa si Tevez.
00:35Bandang alas otso ng gabi sa Timor-Leste, inaresto umano si Tevez ng Timor-Leste authorities.
00:41Sa video na ipinose sa social media ng anak ni Tevez na si Axel, makikita na nakayakap pa si Tevez sa kanyang abogado na si Dr. Jawa Serra habang inaaresto.
00:52Ang mga umaresto naman sa kanya ay nakasuot pa ng vest na may nakalagay na immigration sa likuran.
00:58Tinawag ng anak ni Tevez na kidnap umano ang pangyayari dahil walang kahit anong dokumento ng pag-aresto sa kanyang ama.
01:06They just picked him up without documents, without warrants, or any form of legal documents.
01:21They just came in forcefully. They took him out forcefully.
01:26Sabi ba nga ng anak ni Tevez, may impormasyon silang natanggap na may lalapag umanong eroplano sa Timor-Leste para maglipad kay Tevez pabalik ng Pilipinas.
01:37Gate nila, hindi dapat ma-extradite si Tevez dahil nga binasuran na umano ng Korte ng Timor-Leste ang extradition request ng Pilipinas.
01:46We do not approve of this and we do not want my father to be flown out of Timor-Leste because he has already won in the court that he can stay in Timor-Leste and he cannot be extradited.
02:05Ayon naman sa abogado ni Tevez sa Pilipinas ni si Atty. Ferdinand Topacio, nakadetain ngayon si Tevez sa Ministry of Interior kasama ang kanyang abogado.
02:18Ang Department of Justice naman, sinabing nakahanda sila sakaling ililipat si Tevez sa kustudiya ng Pilipinas.
02:24Pero sa ngayon, wala pa silang natatanggap na anumang komunikasyon o dokumento sa pagkaka-aresto kay Tevez kagabi.
02:30Gayon pa man, bukas sila sa naging pahayag ng Timor-Leste na hindi dapat manatili si Tevez sa kanilang teritoryo,
02:38alinman sa dahilan na siya ay isang undocumented o kaya ay dahil sa extradition request.
02:45Angelica, sa ngayon nga ay inaalampan natin yung status ng ginawang MR o Motion for Reconsideration ng Pilipinas hinggil nga dito sa extradition request
02:54dahil kung matatangdaan ay nitong huli ay tinanggihan o dinismiss nga ng Korte ng Timor-Leste itong request na ma-extradite si Tevez dito sa Pilipinas.
03:04At iyan nga yung inaapela ng Pilipinas.
03:07Wala pang update sa ngayon.
03:09Pero dun sa panig naman ni Tevez, sabi ng kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio sa ngayon ay nagsumite sila ng writ of habeas corpus
03:16para nga hindi muna makauwi sa Pilipinas dito si Tevez.
03:20At hinggil naman dun sa aeroplano na sinasabi nga ng anak ni Tevez na lumapag-umano doon sa Timor-Leste.
03:27Ang sabi lang dito ng DOJ ay fake news na mula ito sa Pilipinas.