Mula nang madawit sa pagpatay kay noo’y Negros Oriental Governor Roel Degamo, nanatili na sa Timor-Leste si dating Congressman Arnie Teves na sinampahan ng patung-patong na reklamo at tinukoy pa kalaunan bilang terorista, bago siya tuluyang napa-deport pabalik ng Pilipinas. Sa kabila ng mga ‘yan, patuloy na giit ni Teves-insoente siya.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Mula ng madawid sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel de Gamo,
00:07nanatili na sa Timor-Leste si dating Congressman Arnie Tevez
00:10na sinampahan ng patong-patong na reklamo at tinukoy pa kalaunan bilang isang terorista
00:18bago siya tuluyang napadeport pabalik ng Pilipinas.
00:22Sa kabila ng mga iyan, patuloy nag-iit ni Tevez, inusente daw siya.
00:27Nakatutok si Darling Kai.
00:30Miss Tulang Massacre ang nangyari noong March 4, 2023 sa bayan ng Pamplona sa Negros Oriental.
00:39Bigayan o ng ayuda sa compound ni Negros Oriental Governor Roel de Gamo kaya maraming tao.
00:45Biglang pumasok sa compound ng mga lalaking nakakombat gear at armado ng matataas na kalibre ng baril
00:51at walang habas na namaril.
00:54Sampu ang patay sa insidente kabilang si Governor de Gamo na siyang target umano.
00:58Labing dalawa naman ang sugatan.
01:01Mula sa Amerika, dumistansya sa pagpatay sinooy 3rd District Representative ng Negros Oriental
01:06na si Arnolfo Arnie Tevez Jr. na kilalang katunggali sa politika ni de Gamo.
01:11Kung may balak man ako o may kakayahan na gawin ito, di sana ginawa ko na ito bago pa mag-eleksyon.
01:20Anong motibo ko ngayon gagawin?
01:25Di ba? Hindi rin magiging binipisyaryo ako at ang kapatid ko.
01:32Dahil kung mawala ang gobernador, ang uupo naman ang vice-governor.
01:36Sa follow-up operation sa mga polis, arestado ang apat na suspect,
01:41mga dating sundalo na dishonorably discharged sa serbisyo.
01:45Pinangalanan ng dalawa sa kanilang isang Congressman Tevez na nagutos umano sa kanilang patayin si de Gamo.
01:51Sa sumunod na mga araw at linggo, naareso ang sampung suspect na bumubuuraw sa assault team.
01:57Ilan sa kanila, itinuro ang isang Kong Arnie, Boss Idol, Big Boss at Kalbo na nasa likod ng pagpatay.
02:04Halos isang buwan pagkatapos ang pamamaslang, deretsahan ang pinangalanan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia si Tevez bilang main mastermind.
02:13Sa sine, Congressman Tevez is the executive producer and the producer, and he is the director and the casting director.
02:24May 17, 2023, sinampahan na si Tevez ang reklamong multiple murder, frustrated murder at attempted murder.
02:52Pero ilang araw lang matapos ito, isa-isang binawi ng mga suspect ang kanilang mga salaysay na nagdadawit kay Tevez.
02:59Hindi na bumalik sa bansa si Tevez, at lumutang sa bansang Timor-Leste kung saan siya nag-apply ng asylum.
03:06Pero tinukoy si Tevez at ilang iba pa bilang terorista ng Anti-Terrorism Council.
03:10Pinatalsik siya sa kamera at kinansila ang kanyang pasaporte.
03:14Inilagay din siya sa Interpol Red Notice.
03:17There's no such thing as a Tevez terror, do?
03:20Marso ng nakaraang taon, inaresto ng Timor-Leste polisi si Tevez habang nag-golf.
03:25Tatlong buwan siyang ikinulong bago inilagay sa house arrest.
03:28Inaresto muli si Tevez para sa pilitang ibalik sa Pilipinas.
03:32Mula noon hanggang ngayon, iginigiit pa rin ni Tevez na inosente siya.
03:37I hope that there should always be a level playing field.
03:41Korte ang magdedesisyon kung ililipat ang detention facility si dating congressman Arnie Tevez
03:46at kung sakali ay kung saan.
03:47Habang hinihintay ang commitment order,
03:50dito muna sa Building 14 ng Bureau of Corrections sa Muntinlupa
03:53pansamantalang i-detain si Tevez.
03:56Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.