Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/29/2025
Inaasahang darating sa bansa ngayong gabi si dating Congressman Arnie Teves na wanted para sa mga kasong murder.’ Yan ay matapos siyang ipa-deport ng Timor-Leste. Pero ang kanyang kampo, kinukuwestiyon ang naturang hakbang.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inasaang darating sa bansa ngayong gabi, si dating Congressman Arnie Tevez na wanted para sa mga kasong murder.
00:08Yan ay matapos siyang ipadeport ng Timor Leste.
00:11Pero ang kanyang kampo, kinequestion ang naturang hakbang.
00:15Nakatutok si Salimaret Frank.
00:17Matapos arestuhin Martes ng gabi ng Immigration Police sa loob mismo ng kanyang bahay sa kabisera ng Timor Leste na Delhi,
00:37dinitain sa Ministry of the Interior ang pinatalsik ng Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Tevez.
00:43Bilang paghahanda ito sa kanyang deportation ngayong araw,
00:47Kanina, dinala na sa airport si Tevez.
00:55Pasado alang una ng hapon ng opisyal na isali ng Timor Leste ang kusodiyan ni Tevez
01:00sa composite team ng DOJ, NBI at BI na pinangunahan ni na NBI Director Jimmy Santiago at Justice Assistant Secretary Eliseo Cruz.
01:10Si Tevez nakasuot ng puting t-shirt at shorts at napaliligiran ng Timorese authorities nang ilabas sa media.
01:20Nakaposes ang kanyang mga kamay habang nakatanikala ang mga paa.
01:25Dahil walang pasaporte, ang embahada na ang nag-issue ng travel document ni Tevez.
01:36Mag-aalas 3 ng hapon, lumipad ang aircraft ng Philippine Air Force, papalik ng Pilipinas.
01:42Sa anunsyo ng Timor Leste, pinatawa nila ng administrative deportation si Tevez,
01:46kasunod ang pananatili sa kanilang bansa, nang walang visa o legal authorization at kansilado pang pasaporte.
01:53Ang pananatili raw ni Tevez sa mahigit dalawang taon doon ay nakaka-apekto na sa bilateral relations ng Timor Leste at ng Pilipinas
02:01at may implikasyon sa kanilang siguridad.
02:04Seryoso at di raw katanggap-tanggap ang presensya sa East Timor ni Tevez na kinasuhan ng ilang mabibigat na krimen.
02:11Sa nakadakdara o napag-anib ng Timor Leste sa ASEAN, nararapat lang daw na makipagtulungan ito sa regional partners sa pagtaguyod ng hustisya.
02:21Iuwi natin siya para maharap niya, maharapin niya lahat ng mga paratang sa kanya na nauukol sa pagpatay kay Gov. Ruel de Gamo at sa labing dalawa pang tao.
02:34He'll be brought to court para ma-arrange siya.
02:36Si Tevez ang tinuturong mastermind sa pagpatay kay dating Negros Oriental Gov. Ruel de Gamo at siyam na iba pa noong 2023.
02:45May tatlo pang kaso ng murder si Tevez para sa tatlong magkakahiwalay na pagpatay noong 2090.
02:51Kunaikwestiyon naman ang legal team ni Tevez ang nangyaring deportation.
02:55Ngayong may nakabingbing pa silang petition for habeas corpus sa korte.
02:59Nag-issue po ng order ang Tribunal de Recusos ng Timor Leste na sinasabing within 48 hours ay iproduce,
03:10iharap sa hukuman si Congressman Tevez upang magpaliwanag ang mga authorities ng Timor Leste,
03:16mga executive authorities kung bakit siya ay inaresto.
03:20Ngunit ito ay magiging moot and academic.
03:23Ngayon pong siya ay ilalabas na ng Timor Leste at ibabalik na po sa Pilipinas.
03:28There's no granting. There's no granting.
03:33Fake use.
03:34Tiniyak naman ni Rimuya na magiging patas ang proseso ng hustisya para kay Tevez.
03:39Para sa GMA Integrated News, Sanima na Fra, nakatutok 24 oras.

Recommended