00:00Samantala po, puspusa na ang sinasagawang paghahanda para sa hosting ng Pilipinas ng ASEAN Summit sa susunod na taon.
00:08Sa katunayan sa Cebu, hindi lang ang mga pasilidad ang inihahanda kundi maging ang pagkain ng mga delegado.
00:14Si Jesse Atienza ng PTV Cebu sa Sentro ng Balita.
00:20Hindi pa man nangangalahati ang taon, puspusa na ang paghahanda ng Cebu para sa hosting ng Pilipinas ng ASEAN 2026.
00:29Sa katunayan, hindi lang mga pasilidad ang tinututukan kundi maging ang ating mga ipinagmamalaking pagkain.
00:36Sa isa sa mga resort sa isla ng Mactan, sari-saring pagkain Pinoy ang ibibida.
00:42Gaya ng balbakwa, adobo, fresh lumpia, embutido, mga kakanin at hindi rin mawawala ang halo-halo na panghimagas.
00:52Tampok din ng mga pungko-pungko na pagkain sa Cebu gaya ng pritong chicharun bulaklak.
00:57At syempre, ang tanyag na Lechon de Cebu.
01:00Ayon sa management nito, ibibida nila ang mga pagkain Pinoy at pagkain Cebuano para sa pagdaos ng mga aktibidad ng ASEAN sa susunod na taon.
01:11Ikinagalak din nila ang pagbisita ni First Lady Lisa Marcos sa Cebu para sa ocular inspection ng iba't-ibang mga aktibidad.
01:18Definitely, we are going to offer the Cebuano cuisine to let the delegations and the guests have the taste of the unique and distinct flavor of the Cebuano cuisine.
01:33This will make them remember of Cebu when they go back to the respective countries.
01:39Nagsagawa na rin ang inspeksyon sa Department of Transportation, Secretary Vince Dizon sa Mactan Cebu International Airport para matiyak na magiging maayos at komportable ang biyahe ng mga delegado.
01:51Cebu will be one of the major hosts for ASEAN in 2026 and obviously the airport is a critical part of that hosting.
02:04So I just wanted to make sure that everything that the ASEAN Organizing Committee needs will be provided.
02:12Sa pagdaraos ng ASEAN 2026 sa Pilipinas, inaasahang may tatampok nito ang angking ganda ng Pilipinas na makatutulong para magbukas ng mga magagandang oportunidad para sa bansa,
02:25lalo na sa ekonomiya at turismo kung saan maraming Pilipino ang inaasahang makikinabang.
02:31Mula sa PTV Cebu, Jesse Atienza para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.