00:00Puspusan ang bayanihan ng nasyonal at lokal na pamahalaan sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong residente sa Pangasinan dahil sa ulan at baha na dala ng bagyong emong.
00:12Sa ngayon, nakataas ang signal number one sa lalawigan.
00:15Ayon kay Kalasyao MDRRMO Head Freddy Villacorta, dalawang araw nang silang nagsasagawa ng forced evacuation.
00:24Tinatayang nasa higit isang daang pamilya o apat na daang individual na ang namamalagi ngayon sa itinalaga nilang evacuation site.
00:33Tiniyakirin na nakapag-preposition na ang mga relief goods lalo na sa mga matinding tinamaan ng bagyo.
00:40Katungan ang DOH, tinututukan naman anya ng Municipal Health Office ang sitwasyon ng kalusugan ng mga bakwi.
00:48Sa ngayon, pinatay na muna ang supply ng kuryente sa ilang lugar kaya narito ang paalala ng pamahalaan sa mga residente.
00:59Mataas ng mataas po yung tubig at nagkakaroon tayo ng difficulty sa pagpunta sa mga malalalim na lugar
01:07kasi sa ngayon, wala ng kuryente, tinatay na ng ating electricity provider.
01:16So, pahirapan ngayon.
01:17Kaya, yung mga kababayan natin hindi pa namin nakukuha,
01:21ay sana po mag-ingat po tayo at ugaliing maging safety ang inyong sarili habang hindi pa namin po kayo nakukuha.