00:00Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kayang ipagpatuloy ng pamahalaan
00:05ang 20 bigas meron na program na ilulunsad na rin para sa minimum wage earners sa Junio.
00:11Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:14Kumpiansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kayang ipagpatuloy ng pamahalaan
00:20ang programang 20 bigas meron na itong kanyang tugon sa kanyang mga kritikong
00:25pampapogi lang at hindi tatagal ang nasabing programa.
00:28Hamon ng Pangulo, panoorin nila kung paano niyang mapapaabot hanggang 2028 ang programa.
00:35Dagdag nito, may malinaw ng sistema at paraan kung paano ito maisa sa katuparan.
00:39At sa susunod na buwan, ilulunsad na ang 20 bigas meron na program para sa minimum wage earners.
01:08Inuutos mismo ng ating Pangulo na i-expand ang coverage nitong 20 pesos meron na program or P20.
01:18So, nakita ni Secretary Laguesma at saka ni Sec. Kiko yung opportunity na,
01:25kasi after the vulnerable, yung mga minimum wage earners, yung mga may hirap, kasi kailangan targeted eh.
01:32Base sa listahan ng DOLE, nasa halos 120,000 katao mula sa ibat-ibang rehyon ang targeted na minimum wage earners.
01:41Kailangan natin ma-insure na yung mas nangangailangan, yung dapat makinabang dito sa murang bigas, yun yung unahin natin.
01:49And of course, with the limited resources meron din sa NFA, kailangan talaga very targeted yung beneficiaries natin.
01:56At syempre, yung mga minimum wage earners, dahil malit lang yung kita nila, every peso counts for them.
02:04Pwedeng bumili hanggang 10 kilo ng bigas kada buwan ang bawat kwalipikadong minimum wage earner.
02:11Para mas mabilis ang bilihan, ang mga kumpanya mismo ang bibili mula sa FTI na kanila namang ipapamahagi sa kanilang mga opisina.
02:20Alam na natin kung sino-sino na yun sa mga kumpanya.
02:24So, mas madali na pwedeng yung kumpanya na kumuha sa FTI o sa NFA, dadalihin dun sa opisina nila para i-distribute.
02:33So, actually, mas madali itong scheme na ito para sa amin, the way we see it.
02:39Mahigpit namang ipinagbabawal ang DA sa mga kumpanyang kasali sa listahan na patungan ang presyo ng 20 pesos na bigas para sa mga minimum wage earner.
02:49Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.