00:00Samantala kumpiansa ang House Prosecution Team na makakuha sila ng conviction sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
00:09Yan ang ulat ni Melalas Moras.
00:14Nasasabik na ang House Prosecution Team sa pag-arangkada ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:20Sa isang liham na ipinadala ni Senate President Francis Escudero kay House Speaker Martin Romualdez,
00:27nakasaad na handa ng tanggapin ng Senado ang Panel of Prosecutors ng Kamara sa June 2.
00:33Sa June 3 naman, magko-convene na rin ang Senado bilang impeachment court.
00:37Ayon kay Speaker Romualdez, formal na nilang natanggap ang sulat ni SPS Escudero at ipapaabot niya ito sa House Prosecutors.
00:46Sabi ni San Juan City Lone District Representative Isabel Zamora na isa sa mga miyembro ng House Prosecution Panel
00:52nasa 90% na ang kanilang kahandaan para sa impeachment trial.
00:57Bagamat maraming isyo ngayon ukol sa impeachment, kumpiya't silang makakamit nila ang hatol na conviction laban sa Vice Presidente.
01:05I understand that there appears to be a lot of pro-Duterte Senators,
01:12but the prosecution is prepared and we have evidence to support the different articles of impeachment.
01:21I think it will be difficult to acquit the Vice President in view of the numerous pieces of evidence that we have.
01:36Kung baga, yung Senators for us, sila yung haharap sa public kapag nag-acquit sila sa dami ng ebidensya na nakalap na namin.
01:47Para naman kay Senadora Nancy Binay, dapat ay maging handa rin ang prosekusyon ngayong marami-raming kaalyado si Duterte na makakapasok sa Senado.
01:56Bagamat naniniwala naman siyang pag-aaralang mabuti ng Sen. Judges ang kaso.
02:00Sa tingin ko, magkakaroon ng malaking impact yun pagdating doon sa bilangan ng numero.
02:08At the end of the day, it's a numbers game.
02:11So if you look at the incoming composition, medyo mas nakakalamang ngayon yung kaalyado ni Dutisa.
02:22Sa naging pulong ng House Prosecution Team, hindi pa muna isinama si na-Congressman-Elect Atty. Laila Delima at Atty. Shel Jocno na una na rin pinangalanan na isasali sa prosekusyon.
02:33Kailangan muna kasi nilang formal na umupo bilang kongresista at idadaan sa sesyon ng Kamara ang pagtatalaga sa kanila sa bagong tungkulin.
02:41Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.