Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/21/2025
Sa susunod na linggo ilalatag ng DOTr, MMDA at DPWH ang mga detalye ng rehabilitasyon sa EDSA, kabilang ang rerouting ng mga sasakyan. May mga hakbang na rin para maging maayos ang biyahe sa gitna ng rehabilitasyon. Pero giit ni Transportation Secretary Vince Dizon, hindi ‘yan ang ganap na solusyon sa matinding trapiko.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa susunod na linggo, ilalatag ng DOTR, MMDA at DPWH ang mga detalye ng rehabilitasyon sa EDSA kabilang ang rerouting ng mga sasakyan.
00:11May mga hakbang na rin para maging maayos ang biyahe sa gitna ng rehabilitasyon pero giit ni Transportation Secretary Vince Dizon,
00:20hindi yan ang ganap na solusyon sa matinding trapiko.
00:24Nakatutok si Maki Pulido.
00:25Kung ngayon pa lang e parusa ng dumaan sa EDSA, imaginein na lang kung umarangkada na ang rehabilitasyon ito sa kalagitnaan ng susunod na buwan.
00:38Talagang may perwisyo yan pero kailangan po talagang gawin.
00:42Per segment at per lane ang konstruksyon at uunahin ang Pasay to Show Boulevard, southbound at northbound ayon sa DPWH.
00:50Inasahang makukumpleto ang segment na ito bago matapos ang taon at saka isusunod ang ibang bahagi ng EDSA.
00:56May konstruksyon man, hindi isasara ang EDSA bus carousel.
01:00Pinag-aaralan pa ngang dagdagan ng mga bus habang inaayos ang EDSA.
01:03Kahit naaayusin yung inner lane, ang busway will remain.
01:06Gagabas lang tayo sa next lane.
01:10Sa susunod na linggo pa raw ilalatag ng DOTR, MMDA at DPWH ang mga detalya ng EDSA Rehabilitation.
01:17Kabilang narito ang rerouting ng mga sasakyan.
01:20Isa sa mga inaayos ay kung maaaring makigamit ng Skyway ang mga umiiwas sa EDSA nang hindi nagbabayad ng toll.
01:26At kahit na mababawasan ang mga lane dahil sa rehabilitasyon,
01:29balak nilang magtakda ng specific lane para sa mga sasakyan, motor at bisikleta.
01:34May mga motor vehicles as against yung mga bicycles or motorcycles on lane by lane
01:42para hindi ho magkakalabo-labo and to smoothen the travel along EDSA as we do the rehabilitation.
01:50Iniisip pa lang ng truck driver na si Romnick ang pagtindi ng traffic.
01:54Sumasakit na ang likod niya.
01:56Tapos may ihik ka pa rin. Maraming kung saan kay ihik.
01:59Kasi gano'ng-gano lang yung takbo mo.
02:00Pero higit sa sarili niyang aberya, mas nag-aalala siya para sa pinapasukang hardware store
02:05dahil baka mabawasan ang kita ng kanilang kumpanya.
02:09Kung di alam mong deliver namin kasi maghapon, isang deliver. Ang hirap mabalik.
02:14Maaring tumagal ng isa't kalahati hanggang dalawang taon ng EDSA rehabilitation.
02:19Pero pag natapos yan, di raw ibig sabihin maglalahong parang magic
02:22ang suliranin ng matinding trapiko sa EDSA.
02:25Ang pag-rebuild ng EDSA ay hindi solusyon sa traffic.
02:28Ultimate solution ay mass transportation.
02:30Para sa GMA Integrated News,
02:32Maki Pulido na Katutok, 24 Horas.

Recommended