Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/19/2025
Sinuspende muna ng COMELEC ang proklamasyon ng dalawang party-list group dahil sa mga nakabinbing nilang kaso. 'Yan ay kahit kabilang sila sa limampu't apat na nanalong party-list group sa Eleksyon 2025. May report si Sandra Aguinaldo.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sinuspendin muna ng COMELEC ang proklamasyon ng dalawang party list group dahil sa mga nakabimbing kaso laban sa kanila.
00:07May report si Sandra Aguinaldo.
00:12Sa 54 na party list groups na nanalo nitong eleksyon, dalawa ang hindi muna ipinroklaman ng COMELEC ngayong araw.
00:20The Supervisory Committee recommended the suspension of the proclamation of the 30 youth party list and BH Bagong Henerasyon
00:27due to the following pending petitions filed before the clerk of the commission.
00:31Re-resolbahin ng COMELEC ang mga nakabimbing kaso sa mga susunod na linggo bago magsimula ang kanilang termino sa June 30.
00:39Ang kaso ng Duterte youth sa COMELEC na noong 2019 pa, hindi pa na re-resolba hanggang inabutan na ng eleksyon 2025.
00:47Sabi ng Duterte youth, hindi nila kasalanan na hindi ibinasura ng COMELEC ang kasong isinampa ng kabataan party list matapos ang huling hearing noong 2019.
00:58Matagal na raw nilang sinagot ang kasong malinaw daw na pangaharas lang umano.
01:03Pukwestiyonin daw ng grupo sa Supreme Court ang anilay grave abuse of discretion ng COMELEC.
01:10Sagot naman ang kabataan party list,
01:12Deserve. Ever since noong sila ay unang tumakbo noong 2019, napansin na yung mga anomalya sa kanilang registration which are illegal and unconstitutional.
01:23Hindi sila totoong representative ng kabataan.
01:25Kabilang ang Duterte youth sa tatlong grupo na nakakuha ng maximum na tatlong upuan sa kamara,
01:32kasama nila ang akbayan at tingog party list na nanguna sa may mga pinakamaraming boto.
01:38Tatlong party list naman ang may tig-dalawang upuan.
01:40Tinawag naman ang bagong henerasyon party list na paglabag sa saligang batas ang suspension sa kanilang proklamasyon.
01:48Handa raw nilang harapin ang anumang reklamo.
01:51Pero paano ito gagawin kung hindi anila maayos na isinasapubliko ang naturang reklamo?
01:57Nag-hahe na ang grupo ng urgent motion to proclaim sa COMELEC.
02:01Sabay diing igalang ang pasya at boto ng sambayan ng Pilipino.
02:05Kabilang ang bagong henerasyon party list, sa 48 nakakuha ng tig-isang pwesto.
02:11Sa kabuuan, 63 slots ang pupunuin ng party list organizations sa House of Representatives.
02:17Sa diwa ng party list system, hindi lamang dami ang batayan.
02:22Layunin itong bigyang boses ang mga pananaw na madalas na isasantabi upang mailapit sa katarungan ang representasyon sa lehislatura.
02:33Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:47Sub indo by broth3rmax

Recommended